Third Person's POV:
"You!" Saka niya itinuro ang hintuturo niya sa may gawi ko. Ako ba talaga o assuming lang ako. Hayst.
Hindi ko nalang pinansin yung boyfriend ko. Yes! Si Oppa Taehyung. Lahat naman yata boyfriend siya eh. Yung iba pa nga asawa daw siya. Well, sapat na sakin yung boyfriend lang. Bata pa kami noh Haha.
Sa ngayon andito ako sa may baba ng stage kung saan sila nagcoconcert ng iba pang bts Members. Nakaupo lang ako habang yung iba nakatayo, well, bakit ako nakaupo? Kasi naman may umapak sa paa ko at nakaheels pa kaya ngayon yung paa ko may sugat at sa tingin ko dumudugo na.
"Ate girl, ikaw daw". Huh? Sino? Ako? Bat ako? Totoo ba?
"Huh?". Itinuro ko pa yung sarili ko. Naninigurado lang.
"Yes miss, you". Sabi ulit ng boyfriend ko. Waaaahhh!! Bat ako?
"Come here, come here". Sabi naman ni Oppa Namjoon. Totoo ba to?
Inakay naman ako ng isa sa mga babae sa tabi ko kaya napatayo ako.
"Ah aray". Naibulong ko nalang.
Di ko alam na nasa harap ko na pala siya.
"Oh waeyo? you alright miss--". Taehyung naman ehh.
"Amee! Amee!". Sino ba yon? Tawag ng tawag sakin. Tumingin ako sa paligid. Wala naman.
"What's problem? You find someone?". Humarap ulit ako sa kanya. Oh my... ang lapit na namin sa isa't isa. Baka ibash na ko ng mga babae dito.
Kaso biglang bumuhos yung ulan. Ang alam ko may bubong naman dito sa Moa Arena pero bat umulan.
Okay lang yan ang mahalaga andito siya. Tumingin ako sa paligid pero madilim na. Asan na sila. Bat madilim?
"Hoy! Gumising ka na nga diyan. Tanghali na kaya". Aiissh