First Sight

9 2 0
                                    

"Iya! Tara na! Baka di tayo makabili ng lunch sa sobrang bagal mo!" Bulyaw ng kaibigan ko mula sa 3rd floor.

"Wait, eto naaaa!" Tumakbo ako para makahabol sa kanila. Hay! Bakit ba kasi nasa 4th floor yung room namin?

"Anong bang bibilhin niyo? May lunch na 'ko." Tanong ko nang naabutan ko na sila.

"Pagkain." Sagot ni Emma, isa sa mga kaibigan ko.

"Malamang, Emma. Alangan namang tao bibilhin mo sa canteen noh?" Pambabara naman ni Ava.

"Kung pogi, why not?" Tumawa silang dalawa at nag-apir pa.

"Kanina niyo pa ako pinapagmadali, ngayon ang bagal niyo naman lumakad. Bilisan niyo! Wala na kayong mabibili!" Tinulak ko na ang dalawa para bumilis-bilis namn sila. Lagi naman silang ganiyan every time bababa kami.

Pagkarating namin sa canteen, bumungad samin ang maraming studyante. Di na nagbago 'tong canteen. Kailan ba nila maiisipang palakihin 'to?

"Ano? Lusob na?" Tanong ni Ava.

"May magagawa pa ba tayo?" Tanong ko.

"Sabi ko nga."

Pumasok na kami sa canteen. Tulak dito, hila doon. Naghawak-hawak nalang kami para walang maiwan.

"'Di rin pala kayo makakabili ng kanin eh, ang haba na ng pila." Sabi ko sa kanila.

"Ang bagal mo kasi Iya." Hirit ni Emma.

"Sorry naman noh. Bili nalang nga kayong burger dun." Sabay tinuro ko yung stall na nagluluto ng burger.

"Ihh ayaw ko niyan. Fried noodles nalang." Sabi ni Emma. Hinila na niya kaming dalawa ni Ava.

"'Di ako magnu-noodles, Emma. Fishball nalang sakin. Pengeng pagkain ah, Iya?" Nag-puppy-eyes pa ang loko.

"Oo na. May magagawa pa ba 'ko?." Tinawanan lang daw nila ako. Baliw talaga 'tong mga kaibigan ko.

Nag-order na sila. Ngayon, hinihintay nalang namin matapos maluto yung pagkain.

Habang naghihintay, nagkwentuhan nalang kami- este sila. Inaantok ako. Wala ako sa mood makipag-chikahan.

Tumingin-tingin nalang ako sa paligid. Madami pa rin talagang tao.

Makikisali na sana ako sa pinag-uusapan ng mga kaibigan ko pero parang bigla nalang akong napatingin sa isang tao. Sabay pa yata kaming napatingin kasi nakatitig na rin ang lalaki sa akin.

Ilang segundo lang kaming nagtitinginan, pero parang bumagal ang lahat.

"Iya, tara na." Kinalabit ako ni Emma. Humarap na ako sa kaniya.

"Sige, tara." Sagot ko nalang.

Si Ava naman ang humila sa amin ngayon. Tumingin ako sa likod. Hindi na nakatingin ang lalaki sa akin. Kausap na niya yung mga kaibigan niya.

Naguluhan ako. Ano kayang meron dun?

I shook my head. Never mind, wala lang siguro yun.

~~~~~~~

One week na ang nakakalipas mula nung nakita ko yung lalaki sa canteen. Lagi ko siyang napapansin. Every time bababa kami, either una akong titingin, or makikita ko nalang na nakatingin siya sa akin.

Kapag ba lagi kang napapatingin sa isang tao, crush na yun?

Haaay. Wala talaga akong idea sa mga ganyang usapan.

Nasa bahay ako ngayon. Katatapos ko lang gawin yung assignments. Magfa-Facebook na nga lang ako.

Pag-open ko dito, may one new friend request ako.

First Sight (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon