Second Day Of School

25 0 0
                                    

Marahil nagtataka kayo kung bakit second day of school ang title ng chapter na 'to. Parati nalang kasi First Day Of School halos lahat ng mga title. Kaya Second Day of school nalang para iba. Hahahahaha!  Enough na nga.

"Whaaaa! Catchy, ganito pala pag college ang daming gwapo." bulalas ni Prim. Hindi niya ba alam na nakakabingi na talaga siya. Kahapon pa siya sabi ng sabi na maraming gwapo. Ewan ko dito sa kaibigan kong 'to. "I think I'm in the right place to go fishing." ANSABEEE? ??

"Hay naku! Andito tayo para mag - aral tapos ikaw mamimingwit ka ng lalaki." sabi ko sa kanya sabay batok para matauhan itong kaibigan kong 'to.

"E, pinag - aaralan rin naman kung panu mamingwit a." naku! ! at rarason pa tong babaeng to.

"Ewan ko sayo." sabi ko sabay talikod na.Pagkatalikod ko agad - agad akong nakakita ng butterflies everywhere dahil nakita ko naman ang man of mg dreams ko. Si Blue! Ohemmgee! ! Bat ba masyado siyang cute? Ayan tuloy nanghihina na 'tong mga tuhod ko. Sa pagkakaalam kasi niya bestfriend lang ang tingin ko sa kanya. Ang hindi niya alam sobra pa dun. HAAAAAY! !! Blue. Kailan ka pa ba mapaasakin?

"Hinay - hinay lang sa pagnganga. Baka matuluyan. Sige ka, mahuhulog yang baba mo." sabi niya sabay pa-cute. Whatthef$#&*$-%-)(/;*-*--&*-!

Agad - agad ko namang sinara ang baba ko baka mahalata niya na nahuhumaling na ako sa kanya.

"Whazzap, guys! Musta, premature?" biglang nakisali si Trone sa eksena. At yung 'premature ' na tinutukoy nya si Prim yun. Trone is one of Blue's band mates. Si Kendrick at R.E. yung iba. Premature ang tawag niya ka Prim dahil mukha raw itong premature. Bobo raw at saka parang walang pakialam sa buhay. Ewan ko ba dito sa dalawang 'to. Wala sigurong araw na hindi sila nag - aaway. Nabuo ang bandang BTKR - banda nila blue nung grade six kami. Dahil na rin sa passion nila sa music.

"Premature pala ha!  Humanda kang lalaki ka! ! ke aga - aga nambibwisit ka! " sabi ni Prim habang hinahabol si Trone.

"Whahahaha! !! Premature. TAKBO!  !!!!!"

"Itong dalawang 'to o. Di matapos - tapos ang pag - aaway." sabi niya sabay akbay sakin. Hayy! I need air. It's just one his friendly gestures pero everytime na ginagawa niya yun saken para akong nasa cloud nine na inaalayan ng kanta ng mga anghel. awhaaa! !!

"ha?  e ... o-Oo nga." utal kong sabi.

"Anyaree sayo? Bat bigla kang nautal diyan!? "- Blue

"Naku! Hindi a." todo tanggi ko.

"hmmmm... ikaw ha. " sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

Sasagot na sana ako nang bigla Kong nakita si Prim na papalapit sa amin at umiiyak.

"huhuhuhuhu! !! Catchy, hindi ko naabutan si Trone." hikbi niya. "Gustong - gusto ko talaga siyang hampasin pero hindi ko siya maabutan. Ambilis niya kasing tumakbo. Huhuhuhu! !! Nakakainis yung payatot na yun." sumbong niya na para bang batang naagawan ng kendi.

"Hay naku, Prim! Tama na nga yan. Pasok na tayo. Tiyak late na tayo." sabi ko sa kanya.

"Blue, aalis na kami. Seeya! " paalam ko kay Blue.

"Sige!  Mag - ingat ka. Mag - aral ka nang mabuti." waaaaah!

Yan ang rason kung bakit ako gumugising araw -araw.

Habang naglalakad kami ni Prim papuntang classroom namin, hindi ko maalis ang mga ngiti sa labi ko na para bang ang mga salita niya ang nagbibigay rason kung bakit ako nabubuhay. Nang bigla akong siniko ni Prim.

"Naku! Yan nga yung sinasabi ko sayo. Hanggang kelan mo ba talaga itatago yan? Mabuti pa ako,  kahit tanga at bobo ako,  atleast totoo ako sa nararamdaman ko." pangaral ni Prim habang nakatingi sa malayo. What she just said really hit me.

I've never heard her saying such thing

Siguro talagang tama nga siya. Kailan ko pa ba 'to ililihim?  Hanggang kailan pa ba ako magpapanggap?  Hanggang kailan pa ba ako aastang matalik na kaibigan? Ang hirap. Napapakinabangan rin pala 'tong kaibigan ko. Sana ako nalang siya. Parang walang iniintindi. Pero masaya at totoo sa nararamdaman niya. Hayy! ! Catchy. Mataba ka na nga, duwag ka pa.

A Bicycle Ride With You by NeoncelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon