Free The Robots

39 0 0
                                    

Di ko alam kung familiar sa inyo ang rapper na si Late Great Capital STEEZ. Isa siyang New York Based Rapper na pumanaw nung December 4, 2012 matapos magpakamatay.

Eto na.

Nung mga ilang nakaraang araw, nabasa ko sa isang article na ang kanta niyang "Free The Robots" ay may hidden lyrics daw. Napakadeep ng mga sulat ng lyrics ng kantang yun pero pag panoorin mo ang music video at i turn on ang captions, ibang words daw ang lumalabas.

Actually, hindi ko pa napanood ang vid pero may isang gabi, kung saan napanaginipan kong pinanood ko na.

Pero kakaiba ang panaginip na to.

Sa panaginip ko, tinurn on ko ang caption pero hindi lang ang mga words ang umiiba pati na rin ang video itself. Nakakapagtakang habang nagrarap si Capital STEEZ, lumuluha siya at bigla na lang umiiyak. Inaudible ang mga sinasabi niya. Nagiging red ang background niya kung saan nandun lang siya sa kwarto, nanonood ng TV at nakaupo sa sofa just like in the Music Video. Pero ang nakakatindig balahibo ay ang nakita ko sa likod niya nakatago ang isang lalaki na nakahoodie. Sobrang itim ng kanyang mukha at tanging mga pulang umiilaw na mata niya lang ang aking makita. At nung tiningnan ko ang mata ng taong yun, or kung ano ba yun, bigla akong nasleep paralyze.

Alam ko panaginip lang yun pero yun ang panaginip kung saan may kaugnayan ang mga nangyari kay Capital STEEZ at kung ano ba ang meron beyond.

Buti na lang at may Rosary akong hinahawakan pag natutulog at di ako pinabayaan ng Panginoon.

Kababalaghan (Story Compilation)Where stories live. Discover now