The Story

2 0 0
                                    

Isang maulang araw naman tong holiday ko. Holiday nga walang pasok diba? Meaning nagpapaaraw ako sa daan, nageexercise. And eto ako browse ng browse ng fb matapos maglinis ng bahay at manuod ng Detective Conan at Dragon Ball Z na pagkatapos ng unang hirit.

Browse.....

Browse.....

Browse.....

Ano tong ni Like ni Shane (may nagappear na page sa fb ko. Looks like a confession page) click on the page.

*you can use the app by Finding it on messenger* ano to application sa loob ng application?

I type the page name on messenger and to My surprise may ganto pala.

May registration effect pa. Ay para syang Twitter. The good thing lang they Dont Know your Identity just your name (nickname) and age.

And then you can rant pa. Nice nice matry. Kesa naman sa news feed ko sa fb na polluted na din.

Create story. Pak oks na.

Click yung arrow

Click ulit

Ay mas polluted din. Puro bata na nagrarant sa love life nila makita mo mga kinse anyos pa lang. Parang sa palabas ni Erich sa Channel 2 na katorse. Anubeyyyyy. Oh I saw someone bargaining himself for a chat? Like totoo?

Guys you Dont have to bargain yourself Just to have someone to talk to.

Hahahaha reply sent.

Ano ba to pinagpapatulan kada post hahaha

Aizee ano ba nangyayari sayo. Sa anong app ka napunta?

Create story ulit. Ask question type, "Do you have a secret hunch on how will you die?"

Hahaha ano bang question to. Bukas knowing ko ng matetegi ako and alam ko reason bwahahaha 😂😂 masagot na nga.

"hindi pa, pero may nai kwento yung professor ko nung college na kung saan ka daw may balat jan ka Either na baril or nasaksak before. Pero ngayon Come What may enjoy Every second Every minute, kasi di natin mapepredict ako buhay ngayon kasama mo magugulat ka na lang bukas wala na. ganun kabilis ang buhay"

Napaseryoso ako dun ng very very Light ah.

Pero totoo naman diba. You will never know pwera na lang kung magpakamatay ka ngayon alam mong ngayon mamatay ka. Pero kung zonrox lang iinumin mo e wag na ituloy parusa yun mga bes parusa magiging husky lang Voice mo (pero seriously speaking, love your life. Isa lang yan. Every Day kang bumabangon pero isang beses ka lang mategi di  ka na makakabangon. True? Trueeeee hahahaha kaloka tanong ko sagot ko)

"oh! May nag pop up sa messenger ko"

Someone send me a Message from my Phone.

Hahaha mukhang naging interesado sa kung saan ka may balat dun ka nabaril or something dati haha.

He started sending chat "he" because of his screen name.

AgentX44 (Hahaha Vhong Navarro): Hey! Seryoso? Alam mo yung ganon? Astig!!!!

Nagreply naman ako, bored na bored inday?

AteMongGirl: ah haha kwinento lang ng prof ko nung college.

Totoo naman subject namin sa Biology first year college ako. Ewan ko ano kinalaman ng biology dun.

AgentX44: ah hi!

E anuebeeeeyyyyy naghi sya.

AteMongGirl: Yes?

"Bakit ka nandito? I mean, pano mo nalaman tong chat room? "

"Nakita ko sa fb, shinare ng classmate ko out of curiosity tiningnan ko, galing e pwede kang mag share ng thoughts"

"Haha oo nga, hindi busy ha. Di ka nagwowork or nag aaral?"

"Holiday"

"Wow, buti kayo may holiday. Call center agent here"

"Ow? Dapat tulog ka. Night shift kayo diba?"

Nagtuloy ang pag uusap namin. I found him interesting. He is a call center agent in Manila, we had a small chitchat but ang naging pakay nya sa chat na yun is for advise. Nakipag break yung girlfriend nya. Wala daw time. Hahahaha ano alam ko sa advise advise e wala naman akong jowa. Sabi ko na lang time heals all wounds Hahaha charot. Pero sinabi ko yun. Mahal nya pa rin daw. Lalo na nakita nya sa bar may kasama ng ibang lalaki. Sya daw dapat nasa posiyon ng lalaki ng kasama ng ex nya. And bumanat ulit ang ate mong girl. Kung mahal ka, babalikan ka.

We've been talking for half month. Ang saya nya kausap. About work ang pinaguusapan namin. Kung pano yung TL nya daw ang sungit, buti na lang mababait ka work nya.

Until one day, wala na wala ng naging pa ramdam si Vhong Navarro kuno Hahahaha, biglang walang chat walang ni ha ni ho. Just a man looking for an advise to a stranger for his broken heart. A chat for bored sunny holiday that lasted for only half a month. Malabo, sumobrang labo.














xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Charooooottttt!!!!!!!

Ang kwentong ito ay mula sa Malabong imahinasyon ng writer na freely-ng pinabasa sa inyo to openly criticize my work kung may ba baguhin, or kung anik anik!!!!!!

Ingat all keep safe! Mwuah

-MSsayk

MalaboTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon