Dahil umaga ang Graduation Ceremony, maagang bumangon ang pamilya ng Park para paghandaan 'yon. Nagkanya-kanya silang bihis. Dahil hindi uso ang toga sa school nila Angeal, tanging school uniform nila ang suot. Long sleeves with tie at mini-skirt na parang sa Japan. Inihanda niya rin ang kanyang susuotin para sa ball at ang gagamitin niyang sapatos at accessories.
Pumasok ang umma niya sa kwarto niya, "Angeal, nasaan 'yong mga gamit mo? Amin na't ilagay ko na sa sala. Siguraduhin mong walang makakalimutan. Iwan mo 'yong isang bag para paglagyan ng pagbibihisan mo mamaya, arasseo?"
"Ne, umma." Sagot niya sabay bigay sa mga bagahe niya.
Nang maiayos na nila lahat 'yon, nagpalit na sila saka pumunta sa Redford University. Nang dumating sila, pinagtinginan ang pamilya niya.
"Oh my god! Ang gwapo ng kapatid ni Angeal!" Sambit no'ng ibang babae.
"Para silang pinagbiyak na bunga." The others said.
"Eh pa'no kase, look at her parents... kaya talagang maganda siya."
Naghihintay sila do'n ng pumasok ang apat na sasakyan, two-door cars to be exact, sa parking lot ng Redford University. Sabay-sabay silang lumabas sa mga kotseng 'yon. They attracted too much attention to the point na nagtilian ang mga babae.
Unang naglakad si Jeremy palapit kanila Angeal, sinusundan siya ng mga kapatid niya. "Annyeonghaseyo." Bati niya sa mga Park.
"Ne."
"Hello, Jeremy." Bati din nila sa kanila.
Raven looked at his brothers and flashed a smile, "Nice meeting you. I'm Raven Park, Angeal's older brother." Pagpapakilala niya. He offered his hand for a handshake to each one of them.
"Jefferson Perez. I'm the oldest."
"Jedaiah. I'm the second."
"Jericho. Third."
Pagpapakilala nila sa pamilya ni Angeal.
May nagtawag na magsisimula na ang Baccalaureate mass kaya pumasok na sila. Matapos ang Baccalaureate mass, nagkaroon ng saglit na break bago itinuloy sa Graduation Ceremony.
Dahil may processional pa 'yon, nagkaroon pa ng chance para mag-usap si Angeal at Jeremy. Nando'n sila sa dulo ng linya dahil sila ang nasa harapan, ang salutatorian at valedictorian.
"Days went on too fast." Sambit ni Angeal.
"Yes." Tugon din naman ni Jeremy.
"Sana wag kang magalit sa 'kin kapag may gagawin ako." Biglang salita ni Angeal.
"What do you mean?" He asked, looking at her.
She just smiled and, "Nevermind."
Nagsimula na ang pag-usad ng linya kaya tumuloy na rin sila. Naka-ranking na silang lahat kaya ang pagtawag nalang ng kanilang mga pangalan ang gagawin at pag-receive ng diplomas. Matapos ang mahaba-habang pagtawag sa iba nilang ka-level, si Angeal na ang tinawag.
"Class B's Park, Angeal. Salutatorian." Announce nang nasa mic.
Pinalakpakan siya. Ang mga loko-loko naman niyang kaklase, itinayo pa talaga. Sabay sigaw ng, "We love you, Angeal!"
Napangiti siya sa ginawa nila. She stood up and went up to the stage. She got her diploma and token. Pumunta rin ang pamilya niya roon para sa picturetaking.
Pagkababa niya, tinawag na ang huling estudyante.
"Class A's Perez, Jeremiah. Valedictorian."
Isang masigabong palakpakan ang pinakawalan ng lahat ng si Jeremy na ang umakyat. Tinanggap niya ang diploma at token. Umakyat ang mga kuya niya kaya nagtilian na naman sila.
BINABASA MO ANG
It's You
Teen FictionKung para sila sa isa't isa, sila talaga. Kase saang lupalop man sila makakarating, pagtatagpuin sila ng tinatawag nating tadhana.