Faney Life

419 12 4
                                    

Na ligaw ako sa fandom na to na walang alam about love. Hindi ko pa nararanasan ang mag mahal at masaktan pero nung tumagal na parang sa isip ko hindi ko na kailangan ang mag karoon ng isang ka relasyon dahil sila palang kuntento na. Elmo Magalona palang kontento na,kiligin lang ako kuntento na.

Hindi ko alam kung saan o sino na ako pag mawala sila, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod.

Nung elementary ako boring ang buhay ko, pa laro laro lang ng gadgets wala akong ibang pinagkaka abalahan. Nung dumatin sila sa buhay ko, nung nalaman ko ang ibigsabihin ng salitang JULIELMO sobrang saya ko. Naging sobrang thankful ko dahil naging parte ako ng fandom na to.

Nagkaroon ako ng Inspirasyon. Sa pag-aaral, pag kanta at sa iba pang bagay. Nag mahal ko, It feels like I'm inlove. Mas nag mature ako. Natuto ako kung paano mag ayos.

Nag mahal ako ng isang taong hindi manlang nagawang ibalik o suklian ang pag mamahal ko. Nagpaka tanga ako, nasaktan ako, nahirapan pero dahil sa kanila kaya nakalimutan ko sya, nalibang ako. I let him go, inisip ko ayoko na syang pag aksayahan pa ng oras dahil ako rin naman ang nasasaktan.

Dumating ang araw na nakalimutan ko na sya at parang hindi ko na alam kung sino sya,ung itsura nya, miski pangalan nya, maybe because it's just a puppy love or it's not a true love, kasi kung true love yun hindi ko sya mapapakawalan at gagawin ko ang lahat para lang bumalik ang dating kami. But it's not a true love kaya nga napakawalan ko sya agad diba.

JULIELMO. Hindi sila basta idol ko. hindi ko sila nila-lang kasi their special for me. I treat them like one of my love ones, every time I'm attending mass I always pray for them, including my family ofcoarse. Ganon ko sila ka mahal.

Every time I'm sad, I'm in a bad mood tumingin lang ako sa wallpaper ko mangigiti agad ko, isipin ko lang kung gaano sila ka sweet sasaya at kikiligin na ko. Even when i have a family or friends problem their always be my solution. Marinig ko lang kanta nila, makita ko lang sila sa picture o mapanood ko lang sila sa video wala na kong problema masaya nako. Ganyan sila ka special saakin, kaya nga hindi maiisip paano kung wala na sila what will happen to me?

3 years past. dumating na ung mga taong magpapasubok saakin bilang no.1 fan. Doon na ko nag simulang maging mean at pala-away sa mga haters nila.

Una si Lauren There's an issue na rumor girlfriend ni Elmo si Lauren.Those spotted pictures made me sad. I admitted nagalit ako kay Elmo gusto ko nang bumitaw that time, gusto nang kumawala gusto kong burahin lahat ng memories nila ni Julie kasi may Lauren na eh. Wala silang pag asa kung may girlfriend si Elmo. Pero na realize ko, bakit di ko sila suportahan sa kung saan sila masaya kahit masakit kaya hindi ko na tinuloy eh. Naisip ko rin sayang ung efforts ko/natin kung bibitaw lang ako ng ganon ganon lang.

Pangalawa si Alden. nung time na yun. When he came mas lalo akong naging palaban at mapanglait, naging haters ako ng mga taong humahadalang sa love team nila ni Julie at Elmo. Dumating rin sa point na parang 'ayoko na, sawa na ko ng mahirapan'. Sinabi ko rin sa sarili ko na 'ano ba yan may lauren na may alden pa, wala na silang pag asa ' lalo na nag karoon ng issue na Alden courting Julie. nasaktan ako kasi sa isip ko parang 'paano si Elmo ganon nalang un, iiwan na lang ni Julie dahil kay Alden' nagalit ako kay Julie, nasaktan ako para kay Elmo kasi I can see his effort para mapasaya si Julie at ang maraming tao kahit may issue na gf nya si Lo, panay ang tanggi nya sa issie na yan.

Naging one sided ako those times. Dumating din ung mga time na parang gusto kong lumipat ng ibang love team , pero di ko maramdaman ung kilig sa kanila. Iba ung kilig na naranasan ko sa JuliElmo kaya mas nahirapan ako.

When Janine came it's feels like, MY BOYFRIEND BROKE UP WITH ME. nagalit ako kay Elmo, sa GMA, sa pamilya nya, lalo na kay Janine at sa pamilya ni Janine, nagalit ako sa mga taong may pasimuno ng Stupidong tambalan nila ni Elmo. Naawa ako kay Julie. kasi when she came parang nasaktan si Julie ng sobra. MAS MATINDE UNG SAKIT NA NARARANASAN KO NGAYON. Ung feeling na parang may gusto kang gawin pero hindi mo magawa, sobrang sakit, parang halos maipa salvage ko na ang mga taong hadlang sa sobrang sakit.

When she came, mas mahirap, kumbaga sa isang laro nasa final ka na,hindi mo matapos tapos ung final game, sobrang hirap.

I'm always thinking of, why they need to do this, minahal sila ng maraming tao tapos i tatapon lang ng basta basta. Lagi ako ng nanganga pa, what's wrong? ok naman sila ah, bakit biglang nag ka ganito. Sobrang hirap na hirap na ko. Miss na miss ko na sila, hindi ko maisip.

Those one shots na nabasa ko, ung mga one shots ng TC na sobrang connected sa totoong buhay. Masakit isipin na wala nang pag asa, but I'm always thinking 'ilang beses na, sobrang dami na nilang pinag daanan it's just a challenge para makita makita nila kung gaano kami ka solid'

MISSING THEM. Always hoping na sana bumalik na sila. Miss na miss ko na sila, I miss the kilig, I miss seeing them together on stage, Miss ko na ung buong sila, ung nararanasan ko nung wala pang umeeksena sa love team nila. I'm always thinging of 'KELAN KAYA SILA BABALIK?  AASA PA BA KO? '.

WISHES. Hindi pa pwede wala pa kong picture nila ng mag kasama. bakit kailangan nilang gawin toh. Naiiyak ako every time na sinasabi ko sa isip ko na, 'ang bilis naman wala pa nga akong picture na kasama silang dalawa tapos paghihiwalayin pa agad sila, sana naman bumalik na sila,'

Isa sa pangarap ko na ma solo sila na parang magkaroon ng VIP meet and greet, duet with julie or elmo. Hindi naman masamang mangarap eh. Mataas man o mababa. I'm just a fan always hoping na sana bumalik sila at muling makita ko silang magkasama. Those wishes, hindi nmn imposible diba? Pero pano magiging posible kung mawawala na talaga sila, I hate thinking of it. ayokong isipin masakit. mahirap. Ayokong mawalan ng pag asa.

May mga advises silang binibigay saakin na, wag bibitaw, pag subok lamang yan, kaya eto ako still waiting JuliElmo, naghihintay na muling maramdaman ung kilig na nararamdaman ko noon, nag hihintay na dumating ung oras o araw na muling makita ko ung tunay nilang ngiti ung walang halong lungkot, hinihintay ung araw na makitang fresh look si Elmo ,ung totoong Elmo at Julie.

"Nung araw na naging parte ako ng fandom na toh marami akong napagdaanan,nagkaroon ako ng mga tunay na kaibigan, kilala na nila kung sino sila.

parang pumasok ako sa isang relasyon. kinilig, sumaya, nasaktan. Ung pakiramdam na parang nag mahal ka tapos wala kang tinira sa para sarili mo, sobra kong nahirapan para sa kanila, I really can't imagine Elmo with the other girl even Julie, talagang silang dalawa lang ang naiimagine ko ng magka sama at the end "

The Heir of Rap and The Asia's Pop sweetheart. Ang sarap silang makitang magkasama sa tv na sweet, kahit off cam.

Maybe it's not the right time, pero malay naman natin diba? sila parim at the end.

Maraming witness kaya hindi nila pwedeng sabihin na hindi nag click o walang chemistry ang JuliElmo, marami tayong napatunayan at alam kong at the end masusuklian din nila tayo ("SANA"). MARAMI TAYONG BALA.

PS. always remember "hanggat may fans hindi sila mawawala "  kaya JUST KEEP ON HOLDING ON WALANG BIBITAW. Pag bumitaw ka isa lang masasabi ko, DI KA SOLID

♬⇦•⇨♬⇦•⇨♬⇦•⇨♬

Thank u for reading guys :*

sorry sa typo and wrong grammar ;)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I can't live without youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon