Margarette's POV:
"Ah sh*t bat ba ang bigat nitong babaeng 'to." Nagrereklamong sabi ni Caleb habang hirap nyang binubuhat si Cassy sya lang ang nagbubuhat syempre mabait ako eh kaya bahala sya dyan.
"Sino ba kasing magbigay sa amin ng alak na yun diba?" Sarkastikong tanong ko sakanya. Palabas palang kami sa bar nya at hirap na hirap syang ina-akay si Cassy at dahil may kabaitan naman ako ng kaunti tinulungan ko na sya baka mamaya ay abutin kami ng syam syam dito hindi pa kami makauwi.
"Ah sh*t." Sabay na sabi namin nang maibaba namin si Cassy sa backseat ng kotse nya.
"Hatid mo na sya susunod ako sa inyo may dala ako motor eh." Sabi ko sakanya at sala itinuro ang motor ko na nakaparada sa hindi kalayuan dito.
"Sige una na kami." Paalam nya. Nang nakita kong umalis na ang kotse nya dahan dahan akong naglakad papunta kung saan naka parada ang motor ko at dahil wala ako sa sarili ay nabunggo ko ang isang babae. Mukhang kaidad ko lang sya at mukhang kagagaling lang sa loob ng bar dahil sa amoy nya at mukhang nagmamadali din sya kaya hindi nya din ako napansin.
"Sorry." Maiksing saad nya saka umalis. Nakita ko ang isang papel na nahulog siguro ng babae kanina pinulot ko ito para maibalik sana sa kanya ngunit nawala na sya sa paningin ko kaya inilagay ko nalang ito sa aking bulsa at hindi ko na pinansin at pumunta sa motor ko saka pinaandar ito papunta sa bahay nila Cassy.
Nang makadating ako sakanila naabutan ko sa Caleb na nakasandal sa kotse nya at pati narin si tita Myra mommy ni Cassy na nasa tapat ng gate nila.
"Good evening tita." Bati ko sa kanya at hinalikan sya sa pisngi close kaming dalawa ni tita parang nanay ko na sya at itinuring nya din ako bilang isang totoong anak nya.
"Nasan si Cassy?" Tanong ko kay Caleb sa di kalayuan sa amin.
"Nasa loob na." Si Tita ang sumagot sa akin. "Gusto ko sana kayong makausap kayong dalawa." Nakita nya ata ang pagtatanong sa ekspresyon ng mukha ko na 'bakit nasa labas pa sya'
"I heard na kick out na naman kayo." Si tita yung tipo ng magulang na dinidisiplina ang anak pero pinapayagan pa din nyang sumama sa amin sa anak nya never nya kaming sinisi na isang masamang impulwensya sa anak nya gulo nya noh.
"Hindi ko kayo pinapalayo sa anak ko dahil alam ko isang totoong kaibigan kayo sa kanya pero may pangarap sya may mangarap din ako sa kanya at alam kong may pangarap kayong dalawa. Kaya sana this time mag ayos na kayo please hindi lang para sa anak ko 'to inaalala ko din kayo alam nyo namang anak na ang turing ko sa inyo diba?" Mahinahong sabi nya sa amin walang bakas ng paninisi sa boses nya sincere ang lahat ng salitang lumabas sa bibig nya.
Tumango lamang ako sa mga sinasabi nya.Walang may balak na magsalita sa aming dalawa ni Caleb hinihintay lamang namin na ituloy nya ang kanyang mga sinasabi.
"Anong balak nyo saan kayo lilipat?" Tanong nya sa amin. Kailangan ko na bang tanungin ang matandang nasa bahay haist.
"Meron na po pero hindi ko pa po natatanong kay daddy." Magalang na sagot ko sa kanya.
"Sige basta balitaan nyo ako ah sya sya umuwi na kayo at gabi na baka hinahanap na kayo sa bahay nyo. Sana maipangako nyo sa akin na magtitino na kayo okay?" Nakangiting sabi nya sa amin.
"Opo tita pangako." Seryosong sabi ko. "Mauna na po kami ipakamusta mo nalang po kami kay Cassy pagka gising nya." Sabi ko at saka hinalikan sya sa pisngi.
"Una na po kami tita." Sabi naman ni Caleb at tulad nt ginawa ko hinalikan nya din si tita sa pisngi. "Tara." Aya nya sa akin.
Sumakay ako sa motor ko at sinuot ang helmet ko kinawayan ko muli si tita at si Caleb at saka tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Carisson Academy
Mystery / Thriller-.-. .- .-. .. ... ... --- -. / .- -.-. .- -.. . -- -.-- / .- / ... -.-. .... --- --- .-.. / ..-. ..- .-.. .-.. / --- ..-. / -- -.-- ... - . .-. .. . ...