Kapirasong Papel (2)

155 2 2
                                    

4:30 pm

Pauwi na si Couj ng tawagin siya ng Classmate niya nung High School na ngayon ay nag aaral din sa unibersidad na pinapasok niya si Beth Nursing Student naman ito.


"Couj ! " tawag ni Beth

Agad na lumingon si Couj kay Beth na papasok palang sa Gate ng kanilang paaralan.


"oh ! Beth Kamusta ?"


" Ito hindi okay nawala phone ko nung isang araw eh, nahulog ko ata sa bus nung pauwi ako ng bahay. Pakisulat nalang pala yung number mo sa papel. para matext kita agad mayaya may tatanungin at sabihin din ako sayo eh!"


"Sige, Ganun ba sayang naman, pero maykapalit naman na ata at mukhang maganda pa!" sabi ni Couj habang kumukuha ng kapirasong papel mula sa bag niya at nag simulang isulat ang pangalan at number niya.


"oh ayan!" nakangiting inabot ni Couj ang kapirasong papel kay Beth na agad namang nagpasalamat at umalis..

Walang kamalay malay si Couj na iyon na pala ang simula ng Lahat.

Simula ng pagiging posible ng mga bagay na inakala niyang imposibleng mangyari..

8:30 pm

Tapos na si Couj sa lahat ng dapat niyang gawin sa araw na iyon. Kakahiga palang niya sa Kama niya para magpahinga ng biglang tumunog ang Cellphone niya. kinuha niya ang kanyang Cellphone na nakapatong sa Lamesa..

Agad nyang binuksan ang inbox ang text ay mula sa Number na 0916******* .Hind ito nakasave sa sa phone niya kaya inakala niyang si Beth na ang nag text sa kanya. wala naman kasi siyang ibang pinagbigyan ng number nya maliban kay beth na binigyan niya kanina lang.

Agad niyang binasa ang text..

" Hello Couj :)" sabi ng sender

Nag reply siya agad sa ina akalang si Beth nga ang nag text sakanya.


" Hi :) Beth ?"
reply niya


" Hndi po aq si Beth :)" sabi ng sender

Biglang napaisip si Couj " huh?! Hindi si beth ang katext ko ngayon? wala nman akong pinagbigyan ng number ko maliban sa kanya. kung hindi si beth ito sino 'to? hmmm .."

"Ganun ba, im sorry may i knw who's this?" reply niya

" Si Ivan 'to . . . . . . . . . . ."

Hindi pa niya natapos basahin ang text ng biglang bumilis ang tibok ng puso niya at parang may kung anong insektong lumipad lipad sa tiyan niya. at tila hindi na siya mapakali..

"Kalma Couj! kalma sabay hinga ng malalim. maraming Ivan sa mundo. at asa kanamang itetext ka ng Ivan na 'yon" sabi niya sa sarili at pinagpatuloy niyang basahin ang text na natanggap..


" Si Ivan 'to :) Classmate mo Chem Lec. is this Couj Rivero ?"

isang malaking OMG ! 0.0 si Ivan nga ang nag tetext at katext ko ngayon.

isang malaking IMPOSIBLE ito ..

"Yep, si Couj Rivero nga 'to. Ivan Lopez? San mo naman nakuha # q?"

" It sounds weird pag sinabi kong i found it in a piece of paper na naiwan sa canteen.. pero yun yung 22o eh :) ndi q alam kung mani2wala ka or pagkamalan mo lang akong isa sa mga stalker mo :)"

And that Conversation turns into a little sweet sensation ! dyan na nag simula ang Lahat. nag kapalagayan sila ng loob hanggang sa dumating sa punto na inamin na din ni Ivan ang totoong nararamdaman niya para kay Couj..

"Alam mo ba nung makita ko yung kapirasong papel na iyon sa canteen, nabuhayan ako ng loob.. kahit wala akong kasiguraduhan kung ikaw nga ang nag mamay ari ng number na 'yon. naglakas loob ako at nag bakasakali at hindi naman ako nabigo.. im so very Happy that moment and i told to myself na hinding.hindi ko palalagpasin at sasayangin ang pakakataong iyon. isang simpleng kagaya mo ang hinangad ko Couj.. matagal na kitang gusto. mahal kita Couj Rivero"

Nang marinig ni Couj ang mga sinabi ni Ivan wala siyang nasabi sa binata. napayakap nalamang ito at tumulo ang kanyang Luha agad din namang gumanti ng yakap si Ivan sabay sabing " I LOVE YOU! i hope you feel the same"

Naging napakasaya ni Couj sa nalaman niya mula kay Ivan.. tila isang panaginip ang lahat ng nangyayari ng panahong iyon. Hindi niya inakala na mangyayari ang mga bagay na kailan man ay hindi niya inasahan.. marami syang katanungan tulad nalang ng " bakit sa dinami.daming pwedeng makapulot ng papel na iyon ay si Ivan pa?". "Sinadya ba iyon o nagkataon Lang.. kung ano man ang dahilan ng mga nangyaring ito hindi niya din alam ang masasabi niya lang ay Salamat! salamat kay Beth na humingi ng numero niya at naiwan ito kung saan para makita ng totoong dapat na makakita nito ^^ ..


---------------------------THE END-------------------------------------

Maraming salamat po sa mga nagbasa sa first upload ko ^^

vote/Like lang po kayo if nagustuhan niyo yung story

Comment Lang po kayo sa nais nyong sabihin sa story na ito ..

ulit Thank You so much po !

Kapirasong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon