Chapter 2

1 0 0
                                    



Hot Chocolate


"Saan ka nakatira?" He suddenly asked habang nagmamaneho siya. I am in the passenger seat kasi ayaw niyang sa likod ako umupo kasi magmumukha daw siyang driver. Which is driver naman talaga siya kasi siya ang nag-dadrive ngayon.

"Just drop me at Starbucks. Mag cocoffee lang ako and then I could handle myself from there na. Para naman mabalikan mo pa yung car mo. Baka nakawin." I answered.

"I already called someone to get it. No worries. I can drop you sa place mo." I just shrugged my shoulders. Bahala siya kung mapilit siya.

Nakakabingi ang katahimikan namin dito sa sasakyan. No one tries to open up a conversation. Di rin naman kasi ako ang tao na palatanong. I don't want to sleep kasi hindi pa naman buo ang tiwala ko sa taong ito. Baka ibahin niya ang daan at kidnapin ako. I couldn't tell.

"Can we play some music?" He asked.

Nang makita niya na tumango ako ay ini-on niya ang player. When the music started playing he looked at me with disbelief.

Now Playing: All out of love by Air Supply

"What? Bakit ganyan ka makatingin?" I asked him with one brow raised.

"Didn't think na you are into these type of music." He said still in awe. I could see na pinipigilan niya ang tumawa o ngumisi man lang. He's biting his lips for goodsake, that's so obvious right?

"May problema ka ba sa old songs?"

"Wala naman. I actually love it. I just thought na mas trip mo yung mga makabagong musika." He said while his eyes on the road.

"Judgmental ka."

"What?" Lumingon siya sakin with wide eyes. "Di kaya!" depensa niya.

"Oo kaya! You are obviously judging me." I said.

Tumawa siya habang umiiling na parang di makapaniwala.

"Okay... okay... I admit it. Ni judge nga kita."

"See!?"

"Pero it is not what you think it is!" he keep on defending himself pero di naman niya tinatanggal ang mata sa kalsada which made me somewhat relief.

"Eh ano!? Sa ngalan na ni judge mo ako. Ayun na yon!"

"Let me explain, okay?" I closed my mouth and waited for what he's going to say. "I was actually expecting a different type of music. Like, Ariana Grande or Demi Lovato or Little Mix's type of music since you don't look like someone who's into Air Supply and Micheal Learns to Rock. I'm sorry okay." He sincerely said.

"Not all girls are the same though." I said before looking away from him.

"Yeah, I know." He said.

Naghari na naman ang katahimikan sa kotse. The song also changed but still an Air Supply which soothed me. I badly want to sleep for a while but I don't want to.

"Do you want coffee?" He asked. I just nodded as a response. "I'll find a 7/11 store. Paniguradong wala ng bukas na starbucks ngayon. You okay with that?"

"Sure." I replied.

After almost 15 minutes, he spotted a 7/11 store where we stopped for coffee. I opened the car door and saw him waiting for me in front of the car. Nilahad niya ang kamay niya pero umiling ako.

"I can handle. Kaya ko naman na. Medyo di na ako nahihilo." I said.

"Okay."

Sabay kaming nag lakad papasok. It is 12:25AM pero hindi lang naman kami ang tao dito. May magkakaibigan na galing din ata sa isang party ang nakaupo at nag-iingay dito sa loob.

"What would you like? Ako na lang kukuha." He offered.

"Hot chocolate lang." I said.

Nang umalis siya ay umupo ako sa bakanteng table at ini-open ang phone ko just to see that my friends bombarded me with calls. They must have been worried.

I checked my messages and pare-pareho lang din ang text nila. They're asking if nakauwi na ba ako or where am I right now. Wala ako sa mood mag reply kaya nilagay ko nalang sa table ang phone ko.

Ilang minuto pa ay may naglagay na ng hot choco sa harap ko at lasagna.

"I did not ask for food." I said to him na umupo na sa harap ko.

"Naisip ko lang na bilhan ka kasi it's late and I bet you're starving." He said.

Di nalang ako nagsalita kasi gutom nga naman din ako kanina pa. Last kain ko is kanina pang 6.

I started eating and savoring the lasagna. Gaya kanina, wala paring nagsasalita sa amin. Maybe because wala naman kaming dapat pag-usapan dahil di naman kami magkakilala and it's not like we're going to see each other again in the future, right? This will surely be our first and last meeting with each other.

"Can I ask you a question?" Napatingin ako sa kanya na ngayo'y nakatingin din sa akin.

"You're already asking." I replied.

"Right. Anyway, here's the real question. Why were you drinking?" he asked.

"Just because." I answered.

"Just because what?"

"Just because I want to. Kailangan ba may rason palagi tuwing umiinom ang tao?" Balik tanong ko sa kanya.

"Hindi naman." He said. "Well, kung ganoon. Bakit ka umiinom ng marami at pinapaalis ang mga kaibigan mo na obviously ay andun dahil nag-aalala sa iyo?" Napatigil ako sa sinabi niya.

"Wala ka ng pakealam doon. We're you listening to us the whole time we're there?" I asked him. "Are you a stalker?"

"Teka! Ke gwapo ko namang stalker." He said. "Di ko lang maiwasan na marinig kayo kasi you're so near. Grabe ka naman maka stalker."

"Well, you look like it." Sabi ko nalang dahil wala na akong masagot.

"Hey, we've been together for almost 2 hours now pero ikaw lang ang may alam ng name ko."

"Why? Don't you know your name?" Pamimilosopa ko.

"I mean, anong pangalan mo?"

"Bakit ko sasabihin sa iyo?" tanong ko sa kanya.

"Para kwits tayo. Ang unfair kasi na ikaw alam mo pangalan ko pero ako di ko alam iyong sayo." Reklamo niya.

"Trish." Sagot ko.

"Trish?"

"Just Trish." I don't really want to tell him my real name. Para saan pa diba? Wag niyang sabihin na i-aadd niya ako sa Facebook kung kaya kailangan niya yung name ko? Ang corny naman.

"Ang unique ng name mo ah. Just Trish. Parang justice." Tumawa siya sa sarili niyang joke pero ako, nakatitig lang sa kanya na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Ang weird niya. Tumatawa kahit di naman nakakatawa yung sinabi niya.

Nang makita niya na hindi naman ako tumatawa ay tumikhim siya at parang nahihiya na bumalik na lang sa pagkain.

Hindi na rin kami nagtagal sa loob ng 7/11 at agad a bumalik sa byahe matapos kumain.

"Dito nalang ako. Maraming salamat." Tugon ko sa kanya nang makalabas na din siya sa sasakyan at binigay sa akin ang susi ng kotse.

Nailang naman ako kasi nakatitig siya sa akin at ni hindi niya man lang inalis ang kanyang tingin kahit na nakita niyang nahuli ko na siya. Ako lang talaga siguro ang nakakaramdam ng ilang sa aming dalawa.

"A-ah. Sige. Pasok na ko." Paalam ko. "Mag-iingat ka. Maraming salamat ulit, Gareth." Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng bahay.

Nang maisara ko na ang pinto ay napasandal nalang ako sa likod dahil sa sobrang pagod. Bago ako pumunta sa silid ko ay sumilip muna ako sa bintana para malaman kung andiyan pa ba siya.

Wala ng tao. Umalis na siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Safe HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon