Pagbabalik

3 0 0
                                    

'Sorry kei, pero ayoko na'

Hindi na ko nagulat ng sabihin nya sakin yan. Dahil ramdam ko na. Pilit akong ngumiti sa kanya, at pilit pinipigilan ang luhang balak kumawala mula saking mga mata.

'Okay sige, hindi ko na ipipilit yung sarili ko sayo. Last na to, pagkatapos nito hahayan na kita.' sabi ko at huminga ng malalim.

'Pero pwede pahinga last favor?'

Kumunot ang noo nya na parang nagda-dalawang isip pa.

'Sure, ano ba yun?' sagot nya at nagkamot ng batok.

'Pwede pahinga last hug? Please?' still. Pinipigilan ko pa din yung luha ko. Pinipigilan kong wag umiyak sa harapan nya, dahil unang-una ayaw nya kong umiiyak. Pero sht! Bakit ang sakit?

Hindi na sya nagsalita at kusang lumapit sa harapan ko at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Then he kiss my forehead. Napapikit ako sa sakit at dun ko lang na-realize na hanggang dun na lang talaga kami.

'Magiingat ka ha? Hindi man atin ang tadhana, atleast pinagtagpo nya tayong dalawa diba? But for now, binibitawan na kita.'

At muli... hinalikan nya ang noo ko at lumakad paalis. At dun ko lang naramdaman ang luhang kanina pa gustong tumakas mula sa mata ko.

'Mahal kita, Von. Paalam'

Kriiiiing.....

Nagising ako sa alarm ng orasan ko, at dun ko lang naramdaman na may luha sa mata ko. Haaay! Its been 2 years pero parang nasa isang lata ako ng sardinas. Hindi makaalis at walang balak umalis. Ang tagal na pero andun pa din yung sakit, parang kahapon lang nangyari.

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tumayo para manalamin.

"Ano ba naman yan kei, ang tagal na nun pero bakit umiiyak ka pa ha?!" sabi ko sa sarili ko habang kina-kausap ang sarili ko mula sa salamin.

Nag-ayos na ko para pumasok, first day namin ngayon at walang halong excitement ang nararamdaman ko.

"Oh, Marie Kei hindi ka man lang ba kakain?" tanong ni mama habang naghahain ng pagkain sa lamesa.

"Hindi na po, anong oras na din. Tiyaka maglalakad pa ko." sagot ko sa kanya at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.

Actually maaga pa naman talaga, hindi ko alam kung bakit wala akong ganang kumain.

Habang naglalakad ako muntik na kong masagi ng isang puting kotse.

"Dafuck?! Hindi ka man lang ba titingin sa dinadaanan mo?!" sigaw sakin ng isang binatang lalaki.

Natulala lang ako sa harapan nya at hindi nakapag-salita. Gustong bumuka ng bibig ko, pero wala akong masabi.

"S-sorry." Great! Sorry lang kaya kong sabihin. Para hindi na ko kainin ng kahihiyan ko, naglakad na ko ng mabilis. Ang ganda naman talaga ng simula ng araw ko, wala ata ako sa sarili ko.

"Kei!!!!" narinig ko na may tunawag sa pangalan ko mula sa malayo.

"Missy!!!" sigaw ko pabalik ng mamukaan ko kung sino ang tumatawag sakin.

"So, anong section ka?" tanong nya ng makalapit sakin.

We're in 3rd year college. Nakaka-stress pag malapit kana gumraduate!!

"Hindi ko pa alam eh, ikaw ba?"

"Hindi pa din eh, tara sabay na tayo."

Pumunta kami sa bulletin board para makita yung mga assign ng mga section. And we're lucky kasi magka-klase na naman kami.

"Yeeey! Tara na sa room" excited nyang sinabi sakin.

"Maaga pa naman, canteen muna tayo. Tiyaka nakakapagod 3rd floor pa yan eh." simangot ko na sabi sa kanya.

"Hindi ka na naman kumain!" sigaw nya sakin at hinila papuntang canteen. Hindi ko na lang sya pinansin at pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.

"Ano? Iiyak kana lang ba gabi gabi ha, di kaba napapagod?" Si missy yung tumulong sakin after namin mag-break ni von, dahil honestly kung wala si missy siguro 2nd year college pa din ako hanggang ngayon.

"Sinong may sabing umiyak ako ha?"

"Parang di kasi namamaga yung mata mo."

"Puyat lang ako okay? Wag ka nga!!" binato ko sya ng tissue sa sobrang inis ko. Ka-aga aga sisimulan nya ko.

"Ay. 2years ka ng puyat?" natatawa nyang sabi sabay hawak nya sa tiyan.

"Tss. Mabulunan ka sana."

Naghahanap ako ng libro na gagamitin ko sa research namin. Ang hirap talaga pag ikaw yung leader sa project nyo ikaw lahat kikilos. Sa kaka abante ko sa shelf may naapakan akong isang bag at ang mukhang may ari nito eh natutulog habang may libro sa mukha.

"Excuse me sir?" tawag ko habang tinatapik yung braso nya gamit ang paa ko.

"Hmmm?" aba si kuya akala ata nasa motel sya.

"Excuse me, library to bakit ka natutulog dito?" napakunot na yung kilay ko sa inis. Pano na lang kung maapakan ko yung paa nya edi sya pa yung nagalit diba? Mga lalaki talaga walang pakialam sa paligid nila.

"Alam mo miss sinisira mo yung tulog ko." nagulat ako ng tanggalin nya yung libro sa mukha nya at humarap sakin na nakakunot ang noo. "Ano? Tititig kana lang ba sa mukha ko? Hindi ka hihingi ng sorry?" bumalik ako sa sarili ko ng marinig ko na naman yung boses ng lalaking to.

"A-ah, hindi naman kasi to kwarto mo or what para dito ka matulog. Sana di kana lang pumasok kung tulog lang naman pala ang gagawin mo." sagot ko sa kanya sabay iwas ng tingin.

HOLY SHT!!! NAPAKA GWAPO NAMAN NITO!!

"Miss, wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin. Ikaw ba nagbabayad ng tuition ko dito ha?" tumayo na sya at biglang humarap sakin. "Next time, ako naman manggugulo sayo. Seeyou Ms. fojas." naglakad na sya palayo at nagulat ako ng bigla syang humarap ulit mula sa pinanggalingan ko. "Btw. Im Von Mercado." then he winked at me.

Habang naglalakad ako sa field ng school namin, may nakita akong di kanais-nais na makita.

Its von, with his new girl.

Bago pa ko mapuwing sa nakita ko tumalikod na ko ngunit nauntog ako sa isang matigas na bagay. Napahawak ako sa noo ko at napatingin sa harap ko.

"What the—"

"IKAAW" sabay naming sabi. Pag minamalas ka nga naman makikita ko pa tong lalaking muntik na maka-bunggo sakin. Si Mr. masungit.

"Miss are you stalking me?" tanong nya habang may ngisi sa labi nya.

"E-excuse me? Ako? Stalker mo? Kapal naman ng mukha mo Mr. kung ganon." feeling gwapo sht. Well yeah gwapo sya pero ang panget ng ugali nya!!

"Its okay,  admit it. Hindi naman to first na may naging stalker ako."

"Alam mo sira na nga araw ko, mas lalo mo pang sinira. Ano ka ba? May sira ba yang ulo mo?" May makaka-encounter kana lang na tao ganito pa, parang hindi tao eh. Alien ata to.

"You're cute." biglang sabi nya sabay ngumiti.

*dugdugdugdugdugdug*

WHAAAAAAAT?!?!?! Cute? Ako?

"A-anong sabi mo?"

PagbabalikWhere stories live. Discover now