ONE

6 0 0
                                    

"Mukha kang tuta." banat nya sabay hawak sa bibig habang pinipigilan yung tawa nya.

BWISIT NA LALAKING TO!!! BWISIT! BWISIT!

"Akala mo naman gwapo ka, gago mukha kang kambing!" singhal ko sa kanya sabay alis. Ugh!! Swear, yung mga lalaking katulad nya? Hinding hindi ko yan magugustuhan.  Tuta? Ako? Huh! Napaka-ganda ko namang tuta kung ganon.

"MS. FOJAS SAN KA PUPUNTA?" natigilan ako ng banggitin nya ang apelyido ko. Naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko kaya humarap ako sa kanya.

"S-san mo nalaman ang apelyido ko?"

"It doesn't matter. Btw, Im Gian." pakilala nya sabay offer ng right handa nya. Tiningnan ko lang yung kamay nya at walang halong emosyon na tiningnan ko sya.

"Wag. Mo. Ko. Tatawagin. Sa. Apelyido ko." tuluyan na kong tumalikod sa kanya. Hindi ako galit, hindi lang ako natutuwa dahil sakit yung nadulot sakin ng tawagin nya ko sa apelyido ko. Dahil si von lang ang pwedeng tumawag sakin non, walang iba sya lang.

"Happy 1st Anniversary love!" bati ni Von habang yakap yakap ako. Damn! Im so in love with him. Hindi ko alam kung bakit umabot kami sa point na magiging kami. Saksi lahat ng classmate ko sa relationship naming dalawa.

Nakakatawa lang kasi para kaming aso't pusa dati. Away dito away doon. Hindi ko nga alam kung bakit ako nahulog sa taong to. Minsan nga naiisip ko siguro ginayuma ako ng lalaking to.

"Happy 1st Anniversary love." then we kissed. Ang saya ng nararamdaman ko pero parang may kung ano sa dibdib ko.

"Nuod tayo sine love? Tapos dinner tayo?"

"Sure."

Buong araw kami magkasama, kulang na nga lang libutin na namin buong manila. Araw araw naman kami masaya pero eto na siguro yung pinaka-masaya, halos lahat kasi ng oras nya na sakin. Kadalasan kasi nauubos yung oras nya kaka practice ng basketball kaya minsan nya lang din ako nahahatid pauwi.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng bandang kumakanta sa moa ng may nagtext sa kanya.

"Love, sino nagtext sayo?"

"A-ah wala love, si mommy lang pinapauwi na ko." hindi ko alam pero pakiramdam ko di sya nagsasabi ng totoo. Umuwi kami ng may kaba sa dibdib ko. "Sige na love pumasok kana."

"Sige love, thanyou for today nag-enjoy ako. Ingat ka sa paguwi." papasok na ko sa loob ng gate namin ng tawagin nya ulit ako. "Why love?" hindi sya nagsalita, dire-diretso lang sya palapit sakin at yinakap nya ko ng mahigpit.

"Basta tandaan mo lagi mahal na mahal kita, walang papantay sayo. Okay?" then he kissed my forehead.

"Omyghad. Are you crying?" nag-panic agad ako ng makita kong may luha sa pisnge nya.

"Im just too happy because I've met you. And Im just lucky because I have a girlfriend like you." napangiti ako sa sinabi nya. Because knowing Von Mercado di sya showy.

"Ssshh, stop crying love. Im the one who's lucky here." niyakap ko sya ng mahigpit at binigyan ko sya ng isang halik mula sa labi nya.

"Happy 1st Anniversary love, thankyou for everything." hindi na nya hinintay yung sasabihin ko at tumalikod na sya at naglakad palayo.

"I love you my love."

"Ano teh? Araw araw kana lang tulala?" maaga kami dinimissed ng prof namin dahil first day lang naman namin. Thank god kasi wala ako sa mood para makinig sa mga lecture ngayon.

"Ano ba magandang gawin ngayon?" dahil honestly gusto ko ng mapaglilibangan ngayon, lalo na di ko maiiwasan makita si Von dahil same school lang kami. Sucks!

"Magandang gawin? Matulog teh, tamo naman mata mo. Haynako" napairap na lang ako sa gusto nyang gawin.

"Wala kang kwenta, alam mo yon?" singhal ko sabay bato ng tissue paper na nadampot ko.

Simula ng mawala kami ni Von parang nawalan na din ako ng gana sa buhay ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, di ko alam kung anong gagawin ko. Parang kalahati ng katawan ko naging manhid dulot ng paghihiwalay namin ni Von. Kahit anong gawin ko di ko alam kung pano makalimot, pano ko kakalimutan, pano ko ipapakitang okay na ko.

"Hopefully maging okay kana." giit ni Missy.

I tried my best para makalimot, nakipag-blind dates ako, nakipag-meet up na rin sa mga nakakausap ko sa dating app. Pero wala pa rin, andito pa din yung sakit.

"It takes time Missy, siguro sa sobrang pagmamadali ko na maging okay ako." I sigh. "Bumabalik lang ako sa simula."

Alas tres na ng hapon, hindi ko pa sana uwian kaso maaga nag-dismissed yung prof namin. Actually, ayoko pa umuwi kaya naisipan kong dumaan sa gymnasium para manuod ng basketball practice.

"Ang dami palang bago." bulong ko sa sarili ko. Aminado ako na, isa kami sa mga university na may magagaling na players. Kaya kada playoffs madalas ay naiuuwi namin ang kampyonato.

"Looking for me?" sabi ng boses lalaki mula sa likod ko. Hindi ko dapat bibigyan ng pansin, pero may kumalabit sakin mula sa likuran ko. "Again, are you looking for me?" napairap ako sa kawalan ng mapagtanto ko kung sinong lalaking nagf-feeling tanungin ako kung hinahanap ko sya.

"Asa ka naman, tiyaka bakit kaba nandito?" singhal ko ng nakakunot ang dalawang kilay ko.

"Duuh, di ba obvious? I'm a player." muntik na kong matawa sa tono ng boses nya 'Duuh' amp too cute.

"Really? Double meaning huh, player sa babae or player sa basketball?" I smirked

"Play with me then." sambit nya ng may nakakalokong ngiti.

Okay I'm out, umirap lang ako sa kanya at tumalikod sabay naglakad palayo. Narinig ko pa ang tawa nya mula sa malayo. Naramdaman ko ang init mula sa pisnge ko, damn that boy! Damn you Von Mercado!!

"May paparty daw si Gwen mamaya ah? Pupunta kaba?" tanong ni Missy habang nagliligpit kami ng gamit. Gwen is very popular, queen sya dito sa campus. Sino ba naman di hahanga sa kanya? Matalino na maganda pa.

"Maybe? Nakakatamad, dahil wala naman akong susuotin." Di naman kami close ni Gwen actually, dahil lang naman kay Von kaya naging mag-kaibigan kami.

"Text mo ko, kung pupunta ka ha? Ikaw lang naman inaantay ko eh." sabi ni Missy habang palayo na sa direksyon ko para umuwi.

"Kei!!!"

"Uh. Hi, akala ko naman kung sino." it's Gwen with her fellas.

"Pupunta kaba?" tanong nya habang patuloy kami sa paglalakad.

"Hmmm. Not sure wala kasi akong susuotin eh." alinlangan kong sagot.

"Di naman yon super bongga you should come. See you there, aight?" humiwalay na sila ng daan palayo sa kinaroroonan ko pero bago pa man sila mawala sa patingin ko. Lumingon si Gwen sa direksyon ko "And oh by the way, Von will be there." and she wink at me.

"Okay, I'll come." bulong ko sa sarili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PagbabalikWhere stories live. Discover now