KABANATA 3: SAVI DE GUZMAN SERIES 1
Pinangbayad ko agad sa bill ang perang ibinigay ni ate Eryl sakin. Hindi ko alam pero mabilis magkaroon ng pera ang ate, lagi nalang itong may naibibigay sa amin lalo na sa tuwing may problema sa bahay. Nag aaral sa manila ang ate Eryl at naka-boarding house siya. Gaya ko ay working student din ang ate pero kung pagkukumparahin ay hanga ako sa ate kong puno ng tapang at determinasyon sa sarili.
Ilang buwan nalang at may gragraduate ng engineer sa pamilya namin ngunit kahit ganon ay hindi namin nakikitaan ang mga magulang na hanga sa abilidad na meron kami. Sino ba namang magulang ang matutuwa na makakatapos na ang anak nila na hindi manlang sila tumulong ng kahit na anong suporta.
Kahit walang pakealam sa amin ang mga magulang at panay lamang pagbubuntis ang ambag nila sa buhay ay hindi ko magawang magalit.
Sampo na kaming magkakapatid ngayon dahil nadagdagan ng isa at alam kong hindi tama ang ganitong karaming anak lalo pa at hirap kami sa buhay. May araw nga na hindi kami nakakakain o isang beses lamang kami sa isang araw kumain, ganon kahirap ang sitwasyon namin at hindi iyon makita nila nanay at tatay.
"Ate Eryl kulang pa ng dalawang libo para makalabas sila nanay at Juss. Kanino tayo uutang?" tanong ko sa kabilang linya. Pinilit kong huwag na tumawag sa ate ngunit wala na akong ibang mahingian ng tulong.
"Titingnan ko mamaya kung makakahiram ako sa kakilala ko." sagot ng ate sa kabilang linya.
"Pano kung humingi ako ng tulong kay ate Lezi-"
"Huwag mong gagawin yan, alam mo namang kinalimutan na tayo ni ate Lezi bakit ka pa hihingi ng tulong sa kaniya?" inis na saad ng ate at pinagsisihan ko kung bakit ko pa binanggit ang tungkol sa isa pa naming nakakatandang kapatid.
"Gagawan ko ng paraan. Asikasuhin mo na ang mga gamit nila nanay. Tatawag ako mamaya." agad na binaba ni ate Eryl ang tawag kaya naman ay napabuntong hininga na lamang ako.
"Saan kayo pupunta nay?" bungad ko agad kay nanay habang nililigpit ang mga gamit nila.
"Dumating ang ate mo. Pwede na tayong umuwi." sambit ni nanay.
"Si ate? Si ate Lezi?" gulat na tanong ko at nilibot ang paningin.
"Nasan si ate?" tanong ko at tumakbo palabas para habulin ang ate. Paglabas ko ng hospital ay ang naabutan ko na lamang ay gilid ng mukha ni ate Lexi na nakasakay sa loob ng mamahaling kotse.
"Ate.." mahinang sambit ko ngunit mas pinili ko na lamang na huwag ng habulin ang ate dahil may kasama itong matipunong lalake na nag mamaneho.
Nakaramdam ako ng lungkot. Halos walong taon na din na ko hindi nakikita ang ate Lezi matapos niyang maglayas at sumuko sa magulo naming buhay.
Matapos ang insidente ay hindi na nagpakita pa ang ate Lezi at madalas nararamdam ko lamang ang presensya nito sa tuwing may mga grocery na nagpapadala sa bahay namin. Kahit ganon, sapat na iyon para sakin na isipin na hindi pa kami nakakalimutan ng ate.
"Naabutan mo ba siya?"
"Hindi po." malungkot na sambit ko at binuhat na ang ilan sa mga gamit.
Pagbaba ko sa tricycle ay mga matang panlalait at pangmamaliit agad ang nakita ko. Ang mga tao nga naman dahil walang magawa sa buhay ay ginawang gawain na ang panglalait ng ibang tao.
Nakayuko na lamang ako habang naglalakad at bitbit ang bunsong kapatid.
Pagkarating namin sa bahay ay inasikaso ko agad ng makakain ng inay at mga kapatid ko. Mamayang ala-syete pa naman ang pasok ko sa trabaho kaya ginugugol ko muna ang oras para makagawa pa sa bahay.
