sana may bumasa.. :)))
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 1
First day of school ngayon ni Alexandra at gigising nanaman ng maaga.
“ANAKK!” sigaw ng mommy ni Alexandra
Alexandra’s POV
“ANAKK!” sigaw ni mommy! HANU BA YAN! Ang aga-aga eh!
Binuksan ko yung pinto nung kwarto ko…
“bakit mommy?” habang nag pupunas ng mata
“anong bakit ka jan? bilisan mo at maligo ka na. Bumaba ka na lang pag tapos mo magligo at bka ma-late ka!” ay POTEK! May pasok na nga pala! >.<
Dali-dali naman akong pumasok sa c.r ng kwarto ko. After 30mins. Natapos din ako sa pagligo. Nag suot na ko ng uniform at bumaba na para mag breakfast at pumasok na ko ng school. Hinatid ako ng mommy. Habang nag da-drive si mommy bigla siyang nagsalita
“anak, may sasabihin ako sayo.”ang mommy. Bakit ganon parang bigla akong kinabahan? -_-
“ano po yun mommy?” sagot ko
“a-ano kase”bumuntong hininga sya at pinagpatuloy ang sasabihin nya….
“aalis ako ng bansa mamayang gabi. Kailangan kasi ako ng daddy mo sa Australia.”
“okay po.” Sabi ko nalang. Pero nalulungkot ako. Pati ba naman siya iiwan din ako?
“mommy, anong oras po ang alis nyo mamaya?” tanong ko kay mommy
“mga 11pm. Hatid mo ko sa airport ah? Don’t worry baby 3 years lang ako dun. Mabilis lang naman ang mga araw ngayon eh diba?” mommy.. sana nga mabilis lang ang 3 taon.:(
“sige po mommy.”
*SCHOOL*
Pagka dating ko ng school tinext ko agad sila Anna at Eya.
*To Anna & Eya
Oy mg ate! Andito na ko sa school san kayo?
*message sent*
*From Anna
Andito kami sa registrar office. Punta ka na lang ditto..:)) classmates tayong tatlo! Hihi..*
YES! Buti nalang classmates kaming tatlo.. :DD
*REGISTRAR OFFICE*
“ALEXXXXXXX!!!”
“WAAAAH!!”
“OA lang mga teh? Huh?” sabi ko kila Anna at Eya..kala mo naman kung ngayon lang kami nagkita-kita eh no?
“namiss ka naming eh..” anna
“oo nga miss ko na ang bebe Alex ko…” pag sangayon naman ni Eya
“miss agad-agad? Eh kakakita lang natin kahapon? Shunga lang te?” pabiro kong sabi sa kanila
“ssssshh! Wag ka ngang pasira ng momentum bebe.. kunwari ngayon lang ulit tayo nagkita no..^___^” Eya..
“oo na nga.. mahal ko kayo eh..:D hahaha” kaya love na love ko tong mga BFF ko eh...
*CLASSROOM*
Andito na kami ngayon sa classroom naming. And guess what? Daig pa squatter area ang classroom naming sa sobrang ingay! -_- ang tagal naman kasi ng teacher namin ehh.. katabi ko si Anna atska Eya.. nasa gitna nila ako…
“oy ateng! Tahimik mo?” tanong sakin ni Anna
“wa---“ di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi dumating na si ma’am
“Good morning class..” Ma’am
“Good morning Ma’am Temporal”
“okay.. so let’s pray first class.” Oo nga pala.. nasa catholic school kami nag-aaral.. sa St.Joseph Academy..
“hail mary…… Glory be….. Amen.”
“you may now sit class.”
“thank you ma-----“
*TOK…TOK…..* di na namin natuloy yung sasabihin naming kasi biglang may kumatok..
“Sorry ma’am im late.” Sabi nung kumatok…. WAIT! Parang kilala ko yung boses nay un ah? Di kaya siiiii…
“okay.. next time may punishment na paglate ka ulit… take your sit mr. Suarez..” ma’am… GOSH!! Totoo ba tong nakikita ko???? Si Sammuel John Suarez classmate ko??????
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
waaahh.. first story ko.. sana may bumasa :)))
BINABASA MO ANG
Pangarap lang kita (Ongoing Series)
Подростковая литератураMeet Alexandra Marie Scarte ang simple at unpopular na studyante sa kanilang school. MAPUTI, DALAWANG MALALIM NA DIMPLES, HANGGANG WAIST ANG HAIR, BROWN EYES, MAYAMAN AT MAGANDA. 1st year pa lang crush ko na siya. Lagi kong hinihiling na sana maging...