"Ang ganda niya talaga!"
"Sana ako nalang siya!"
"Sana girlfriend ko siya!"
"Ang ganda mo Krsytel Agytus!!!"
Mga compliment na ang sarap sa ears
Ang hirap maging maganda
"Ms.Agytus!"pambungad ng Stylist ko
"Ang ingay ingay mo naman Jenrie!"napakasakit talaga sa tenga tong baklang to
"Ingay?,alangan naman hindi ako sumigaw,eh mas maingay pa nga supporters mo!"
"Oh siya ano ba kailangan mo?"nakapamewang naman siya ngayon habang ngumingiti
"Ang Editor ang Chief ng Elle Magazine,gusto na yang mukha mo nasa cover page!"bat ba palaging galit tong baklang to
"Eh ano naman ngayon?!"sanay naman ako na may nag o-offer sa akin para maging part ng company nila.Pero I am satisfied with my company"The Agytus Merchendise",and yes we sell items for affordable price
"Hindi mo ba talaga gusto mag join?"ang kulit nga baklang to
"No,no,no"isa pa talaga
"Ang alam ko gwapo daw ang Editor and Chief"napataas naman ako ng kilay ko
"At siya na ang lalaking matagal mong hinihintay or in short si "Jeorge The Playboy"
Matagal-tagal ko nading hindi naririnig ang pangalan na yun
Napangisi naman ako
"Alam ko naman na magugustuhan mo ang sasabihin ko pero paano naman si "Flurty Kurt mo"ang baklang to talaga
"Get the papers and I'll sign it"napatingin naman ako sa building na may litrato ko.
Ano kaya ang masasabi niya sa make-over ko?
Makikilala niya ba ako?
Sana magkita na kami ni Flurty Kurt,yung first kiss ko
Gusto kong magkita kami ni Flurty Kurt,pero gusto ko din na makita ako ni Jeorge The Playboy,kasi gusto ko na iba ang makita niya sa akin at hindi ang babaeng sa 20 years ago
"Alam niyo ba na bitch yang nerd na yan?"
"Inagaw niya si Jeorge kay Katherine"
"Ang landi-landi nerd nga hindi naman ginagamit ang utak"
"Hoy huwag niyo ngang ganyanin si Krsytel!!!"sigaw ng pinakauna kong boyfriend
"Kahit ano sabahin niyo hindi kami maghihiwalay!"at umalis na kami sa lugar na iyon
Napaka-sweet talaga ni Jeorge pag may nag aaway sa akin,nandiyan siya palagi para samahan ako.
"Jeorge mahal mo ba talaga ako o may kailangan ka sa akin,kasi hindi naman ako maganda para mapaibig kita"tanong ko sa kaniya na ikinalingon niya
Nandito kami ngayon sa favorite place namin ang Rooftop
"Maganda ka ano ba!"sabi niya na ikinatawa ko
"Maganda ka at hindi kita minahal ng dahil sa ganda mo lang,minahal kita kasi Mahal Kita"sa sinabi niya,bumilis na naman ang pagtibok ng aking puso
"Binobola mo lang ako!"sabay tawa naming dalawa
"Oh sige na pumunta ka na sa classroom mo,mat klase ka pa"nagpaalam ako sa kaniya ta nagsimulang maglakad
Habang nakikinig sa mga Pa-bet sa school may 1 message akong natanggap kay Jeorge
From Jeorge:
Punta ka dito sa canteen may surprise akoDali-dali naman akong pumunta sa canteen at hinanap kung saan naroon si Jeorge.
Nakita ko siya malapit sa may bintana ng school canteen.
Pinuntahan ko siya ngunit naunahan na ako ni Katherine.Pinagmasdan ko silang dalawa at ang saya ng ekspresyon nila sa mukha
Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Jeorge
"Krystel!!"pagkalingon ko nakita kong naghahalikan silang dalawa
Dali-dali akong tumakbo palabas ng school canteen at umuwi.
Umiiyak lang ako ng maramdaman ko na umuulan na pala
Naglakad lang ako pauwi,wala na kasi akong perang pampamasahe ginastos ko na.
Habang naglalakad palakas ng palakas ang ulan.Pumunta muna ako sa bench na may bubong at nagsimula na namang umiyak.Bakit ba kailangan ko pang makitang naghahalikan silang dalawa?Bakit hindi man lang lumayo si Jeorge?
Habang umiiyak napapansin ko na humihina na ang ulan at naglakad na ako pauwi
Malapit na ako sa bahay ng may humila sa akin at naramdaman na may dumapi na labi sa aking labi
"Sino ka ba!?"galit na tanong ko sa kaniya at itinulak siya palayo
"Hindi mo man ako makikilala,pero tandaan mo lang ako sa pangalang Flirty Kurt"at naglakad na siya palayo at bigalang tumigil
"Pinagmamasdan kita,araw-araw,oras-oras,bawat minuto at bawat segundo Krystel"nabigla ako sa kaniyang mga nasabi.Paano niya ako nakilala?Pinagmamasdan?