Pinahid ko ang aking mga luha bago ako naglakas-loob na buksan ang lumang pinto ng bahay. Dati hindi pa naman ito tumutunog.
Madami nang cobwebs sa bawat sulok ng bahay. Ang lumang bookshelf na puno ng mga aklat dati ay inaanay na at marami na ring sapot.
Makapal na alikabok ang tumakip sa lumang photobook na kinuha ko sa bookshelf. Binuksan ko ito at tumambad ang mga masasayang larawan apat na taon ang nakakaraan.
Masayang pamilya ngunit hindi talaga masaya tulad ng inaakala ng lahat. Nawala ang kaligayahan dahil sa pagkakamali ng isa, pagkakamali ng isa na pagkakamali din ng lahat.
Kinuha ko ang litrato at tumungo sa banyo. Sa banyo kung saan ko huling nakita ang aking kapatid. Nakatuwad, ang ulo ay nasa inidoro at naliligo sa kanyang sariling dugo.
Karumal-dumal na krimen na kailanman ay di ko malilimutan sa aking isip. Isinara ko ang pinto at pinahid ang luhang tumulo sa aking pisngi.
Pumunta ako sa kusina at kinakalawang na ang lababo sa kalumaan dulot nang apat na taong walang nangangalaga sa bahay. Hindi pa ito nalilinis. Napatingin ako sa malapad na mesa. Dito, dito ko huling napagmasdan ang aking kuya na nakahandusay at puno ng saksak sa tagiliran at leeg.
Hinding-hindi ko mapapatawad ang kriminal na gumawa nito sa kanila. Hinding-hindi ko siya hahayaang mabuhay pa! Sadyang pinalad lang siya dahil kontrolado niya ang lahat ng bagay at kaya niyang pagalawin ang mga galamay niya dahil sa yaman na meron siya.
Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa unang kwarto sa kaliwa. Naririnig ko ang iyak ng aking ina habang hawak-hawak ng kriminal ang kanyang buhok at ginigilitan siya sa leeg.
Nanatili akong tahimik at hindi humikbi upang makaligtas sa pangyayari. Upang makaligtas kay kamatayan. Upang mabigyan ng hustisya ang aking pamilya.
Hindi ko gustong alalahanin ang pangyayaring iyon ngunit ginagapang ako ng aking alaala. Hindi ko kayang alisin ang eksenang iyon dahil hindi ako nakakalimot.
Matagal ko nang itinatago ang abilidad na ito. Ni minsan ay hindi ko sinubukang sabihin ito sa iba, kahit sa mga kaibigan ko. Kahit sa pamilya ko.
Yes, I have a photographical memory that can last eternally. I never consulted anyone tungkol sa ability ko. Matatanggal lang siguro ito kapag nagkaroon ako ng amnesia or any memory loss.
Pumasok ako sa kwarto ng aking ama. Ama na dati ay tinuturing kong bestfriend. Ama na pinagkatiwalaan ko ng buong puso, ama na trinaydor ako at ang aking buong pagkatao.
Itinago niya sa akin ang aking pagkatao. Inilihim niya na hindi siya ang tunay kong ama. Itinago nilang dalawa ni mama para sa kaligtasan ko.
Naalala ko pa kung paano isinalaysay ni papa ang lahat. Naalala ko pa kung paano niya ikinwento ang dahilan kung bakit kami nagtatago sa liblib na lugar, kung bakit niya inilihim ang pagkatao ko.
-Flashback-
"Vince, habangbuhay nalang ba tayo magtatago? I don't want this life!" narinig kong sigaw ni mama sa kwarto. Tatawagin ko sana siya para tulungan ako sa project ko sa school.
"Sierra, hindi natin pwedeng isugal ang buhay ninyong dalawa ng bata. Alam mo namang matagal ka nang hinahanap ng papa mo diba?" Nagtaka ako sa mga narinig kaya marahan kong binuksan ng kaunti ang pinto sapat na para makita ko ang eksena.
"Pero ayokong mabuhay kaming dalawa ni Scarlette nang ganito! We can just tell my dad I gave birth to her then we can just get married. Naaawa ako sa bata Vince. " I don't understand such words. Walang nagsi-sink in sa utak ko.
YOU ARE READING
Four Years Ago (One Shot)
Mystery / ThrillerFour Years Ago First one shot story by Uni_maise? The book cover is too girly for a Mystery/Thriller genre of a story but I was the one who captured and edited the photo so I used it as a cover instead of searching pictures on the internet. I hope y...