KABANATA I - Stalker

17 2 0
                                    

"Bakit mo sya pinatay?"

"Do you really think na I can kill her, seriously? In a way like that!? Alam niyo ba ang sinasabi niyo? I didn't kill her at kahit minsan di yun pumasok sa isip ko. I love her.. so much."

"I d-didn't. Gusto ko na siya first year palang kami. Hindi ko kayang gawin ang binibintang niyo."

"Hindi ko sya pinatay. Wala akong ginagawang masama. Sa totoo lang, tinuring ko narin ang bata na 'to bilang totoo kong anak dahil kaibigan sya ng anak ko."

"B-Bestfriend ko si Joana.. M-Mahal ko sya."

***

PROFILE

Name: Joana Villanueva

Age: 21

Height: 5'5

Blood Type: AB

"Joana Ramirez, to the office please. I repeat, Joana Ramirez, to the office please." Rinig sa buong school ang pag-announce ng pangalan ni Ate.

Agad akong tumayo at nag-excuse sa teacher saka tumakbo sa labas. Inabangan ko si ate sa daan papuntang office.

Lalapitan ko na dapat si ate pero may nauna ng tumawag sa kanya, ang bestfriend niyang si ate Dana.

"Joanaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw niya sabay sabit sa mga braso ni ate. "Samahan na kita." Ngiting ngiti siya.

"Saya mo naman." Sagot ni ate

"Alam naman natin kung san tungkol 'to at para sakin, yun ang coolest thing na ginawa mo sa school na 'to." tuwang tuwa pa siya habang sinasabi yun.

Ano naman kaya 'tong ginawa ni ate? Sa totoo lang ako dapat ang tinatawag sa office dahil sa ginawa ko.

"Aww!" sabi niya ng batukan siya ni ate.

"Alam mo ba ang sinasabi mo!? Pwede akong ma-kick sa school na to dahil dun." Sagot ni ate. Wala akong maintindihan sa usapan nila. Bakit?

"Cool ka padin hehe." Ang weird talaga ni ate Dana.

Nang makarating na sila sa office. Pumasok na si ate. As usual, parang wala siyang ginawang mali sa pagpasok niya.

"Ate Dana!" tawag ko sa kanya saka tumakbo papunta sa kanya. Kanina pa ko natakbo ah.

"Baby Anaaaa!" sabi niya sa cute na tono.

"Ate, sinabi ko sayo na wag mo na kong tinatawag na Baby Ana." Patampong sabi ko. "Sheena. S. H. E. E. N. A!"

"Kasi kamukhang kamukha mo yung ate mo, para kang mini version niya."

"Ate, maiba ako. Bakit pinatawag si ate? Anong ginawa niya?"

"Di mo ba alam?"

Magtatanong ba ko kung alam ko? Medyo ano 'tong si Ate Dana.

"Yung ate mo kasi hinack yung-"

"Dana!" sigaw ni ate Joana. Napahawak nalang sa bibig niya si ate Dana.

Nagdire-diretso lang ng lakad si ate Joana, syempre ako naman todo habol. Hindi ako titigil hangga't di niya sinasabi kung anong nangyari.

Hinarap ko siya sakin. "Ate kausapin mo ko. Ano ba talagang ginawa mo?"

"Wag ka nang maki-elam dito Sheena, please." Naglakad nanaman siya palayo sakin.

"Ate sasabihin kita kay mama!"

Tumigil siya sandali. "Gawin mo ang gusto mong gawin."

***

"Isang estudyante ang natagpuang patay sa isang abandonadong bahay."

RED ROOM: The Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon