Sabi nila pag nagmahal ka yung dapat sakto lang
Yung tipong walang labis walang kulang
Sapagkat nakakasama daw ang lahat ng sobra
Pero para sakin di naman
Mas mabuti kasing gawin mo ang lahat ng kaya moMas mabuti kasing mahalin mo siya ng sobra kesa magkulang ka
Mas mabuti kasing mahalin mo siya hanggat kaya mo pa kesa sa magsisi ka
Hindi kasi lahat ng pagkakataon ay maibabalik mo pa
Hindi kasi lahat ng kamay na kakapitan mo ay hahawakan ka
Hindi kasi lahat ng akala mo ay tama talaga
Hindi kasi lahat ng taong mahal mo mahal ka
Tinanggap kita ng buong buo
Ngunit ikinahiya mo koInalagaan kita ng maayos
Pero pinabayaan mo koHinabol naman kita ah
Kaya lang ang bilis mong nakatakbo palayoHinawakan naman kita ng sobrang higpit kaya lang binitawan mo ang mga kamay ko
Minahal naman kita
Kaya lang di pala ako ang mahal moKaya pala kaya pala
Kaya kung tatanungin kita dapat pa ba akong lumaban ??
Kung alam ko namang sa Simula palang ay talo na ako
Dapat pa bang lumaban pa
Dapat pa ba ???Kung alam ko naman na kung papipiliin ka Hindi ako ang mauuna
Hindi ako ang pipiliin mo kundi siya
Kaya masisisi mo pa ba ako
Kung mas pinili ko na maging masaya ka habang ako ay nagdurusa
Kung mas pinili ko na lang na wag na
Kung mas pinili ko na lang na pakawalan ka
Kasi alam ko na mn na sa piling ko ay d ka kailan mang liligaya
BINABASA MO ANG
Mas Pinili Kong Wag Na Lang
RomanceGumawa ka ng sarili mong laban At siya ang dapat na ipaglaban mo Pero papaano kung ang mismong taong ipinapaglaban mo ang kusa nang sumuko Papaano kung matalo ka sariling Mong laro Lalaban ka pa ba ??? Ipagpapatuloy mo pa ba ang larong nasimulan m...