Alam mo yung feeling na masaya?
Syempre alam mo yun. Kunyare yung pagkakita mo sa waiter na dala-dala na yung pagkain mo, ready to serve na, matapos mong sabihing willing to wait ka.
O di kaya yung saya na nakasakay ka na ng fx partida rush hour. Bonus pa yung nakatapat sayo yung aircon.
Last na. Yung saya na naging jowa mo yung crush mo!
Ay, malamang di ka pala naka-relate dun sa huli? Haha. Kasi di ka nga pinapasin ng crush mo eh. What more yung maging kayo. What a concept. Hahahaha.
Wag mo na i-deny. Di ka nga nakarelate dun sa huli.
Sinasaktan at pinapaasa mo lang sarili mo eh. Hahaha.
Ang saya mong pagtawanan.
Oo. Masaya ako.
Masaya akong hindi ka masaya.
Bitter ba ako? Halata naman eh.
Naiinggit ako na hindi kasing-sawi ng love life mo ang love life ko.
Non-existent (or once existed) man yung akin, lesser evil na yun. Kaysa naman sayo na wala talagang pag-asa. Umasa ka lang, talent mo yan eh.
So ayun, kilala mo na siguro ako?
Masama ugali ko, di ko na itatanggi.Ang mas masama pa, lahat nitong sinabi ko, nasa isip ko lang.
Kasama ko itong best friend ko, si Lorraine De Guzman. Nagkwekwento siya na masaya sila ng jowa niya. 2nd monthsary na nga nila eh.
Kakatamad makinig. Kahapon sabi niya, ayaw na niya sa kanya kasi tagal daw magreply sa text. Ngayon, binigyan lang ng rosas, okay na sila? Hahaha lol.
Pero mahal ko yang best friend ko.
Mas mahal ko nga lang siya kung umiiyak siya kakareklamo sa jowa niya.
Pag masaya siya? Hah, ito ang nangyayari pag masaya siya: nag-lilitanya ako sa isip ko.Habang siya ang nagda-daldal, ito ang iniisip ko. Itong nababasa mo mismo.
"Uy, Ja! Nakikinig ka ba sakin?" Sabi ni Lorraine.
Naputol tuloy iniisip ko.
"Ah, oo naman. So hinihingan mo ko ng advice kung ano ireregalo mo sa kanya?" Sagot ko sa kanya habang nakangiti. Galing ko mag-dovetail no?
"Aww nakikinig ka pala! Akala ko nagsasawa ka na sa sinasabi ko eh."
"Ako pa ba? Interesado ako parati sa kwento mo. That's what besties are for hahaha!"
Pero bored talaga ako. Hay. Sana makapag-isip na siya ng gagawin niya. Mag-aaral pa ako eh.
"Love you bestie! Sige, tara punta tayo mall! Ikot tayo!"
Lintik na. Kalahating araw na naman kami mag-iikot.
"G! Wait, tapusin ko lang tong assignment ko ha. Give me 30 minutes." Sabi ko.
"Wow ang sipag mo! At ang bilis ha. 30 minutes, sure ka?"
"Oo naman, excited na rin ako mag ikot ng mall eh."
"Sige, gawin ko na nga lang din muna assignment ko."
"Ay, Lorraine, wag na bes. Focus ka nalang sa pag-isip ng regalo."
"Pero due na bukas yung assignment natin?"
"Kaya mo naman tapusin yan mamaya. Master crammer ka kaya."
"Sige na nga...hehe sige tawag muna ako kay bebe ko." At umalis na si Lorraine ng kwarto namin sa maliit naming dormitoryo sa Makati.
Suceess. Hindi niya matatapos ang assignment niya.
Masama ba akong kaibigan? Tingin ko hindi naman. Di ko naman sinabing wag niya gawin diba? In fact, tinulungan ko pa sya. Motivated na siya mag-cram mamaya... At magaling naman talaga siya. Nakapasok siya sa University namin nang di nagrereview center ha.
Ako, 2 review center pa pinasok ko para lang masigurado kong papasa ako.
Kaya hindi naman mali ginawa ko.
Ikaw na nag-iisip na mali ginawa ko, napaka-negative mo naman. Hahaha.
O sya, tatapusin ko muna itong assignment.
Mag-mall pa kami ni Lorraine mamaya. Sana gumastos siya lagpas sa budget niya hahahaha.
By the way, wag ka naman masyadong maawa sakin na 2 review center pa pinasukan ko para sa entrance exam sa school na ito.
2 review center nga ako, pero #2 highest naman ako sa entrance exam.
Wag ka paka-saya masyado.
Ako lang dapat bitter dito.
BINABASA MO ANG
I Love Your Misery
RomanceJanine Salem. 19. 2nd Year College Student. I love successes. Love ko din ang challenge. Love ko ang pera at tulog Love ko siya. Pero ano ang pinakamahal ko? I LOVE YOUR MISERY. Ikaw rin naman diba? Updates Every Sunday