Recap: Papasok na ng school ang bida nating mahirap pa sa author. And that is where the story starts...
*********************************************
Ang pangalan ko ulit ay Myka Elisse Suzushima para sa mga taong mahina ang memorya tulad nitong author na to na kailangan pang icheck ang huling update para lang malaman ang mga pangyayari sa kwento na kasisimula pa nga lang at spelling ng pangalan ko.
(ALICE: =__________= Ipagkalat daw ba? Langhiya ka. Papatayin kita eh.)
At ulit, nasa harapan ako ng pagkaganda-gandang Hyper Toxic International Academy na gate pa lang ay nakakalula na sa taas at garbo.
Jusko po lord na maawain sa mga mahihirap, sana po ay makasurvive ako ngayong araw.
Papasok na sana ako sa loob ng bigla akong harangin ng panot na medyo may edad na security guard.
"Miss, bawal po dito ang mga outsiders. Pang mayayaman lang po itong school na ito at malupit ang security namin. Ipapahuli ko po kayo sa mga pulis kapag di po kayo umalis."sabi ni manong guard.
Ano daw?! Outsider? SIno outsider? Tumingin ako sa may likuran at paligid ko at wala namang ibang tao maliban sa akin.
Tinuro ko sarili ko, "Manong, ako po ba?"
"Ay hinde hinde, miss! Pakiusap lang po, umalis na po kayo." sarcastic na sabi ni manong guard.
"Hindi po ako outsider manong! New student po ako dito!" sabi ko kay manong. "Sadya lang po talaga akong mukhang mahirap dahil mahirap lang talaga ako! Nakascholarship lang po ako dito!"
Tinaasan ako ng kilay ni manong guard. Nice naman, kung makataas ng kilay si manong ang taray! "Ano po ba ang pangalan niyo miss?"
"Myka Elisse Suzushima po manong!"sagot ko.
Kinuha ni manong guard yung notebook niya at may kinuhang papel sa loob. Binasa ni manong guard yung laman, "Mr. Pete Delo Santos. A new student with the name of Myka Elisse Suzushima will enter our academy and she is a scholar. She will have the characteristics of a poor person. Please be notified immediately. A picture is attached within this letter."
Characteristics of a poor person? Wow namen. KakaOuch haaa.
Ano nga ba characteristics ng isang mahirap na tulad ko?
Free lang ang damit na suot? Check.
Hindi nagsuklay? Check.
Binigay lang ang jacket na suot? Check.
Ilang milyong taon na ang nakararaan ng bumili ng bagong eyeglasses? Check.
Butas butas na tinahi lang ang bag? Check.
50 pesos lang baong pera? Isang malaking check.
Oo nga. Mahirap nga talaga ako.
Ngumiti ako kay manong guard na ang pangalan pala ay Pete, "So manong Petes, pano ba yan?"
Ngumiti din sakin si Manong Petes, "Manong Petes? Gusto ko niyan. Sige miss, pasok ka na. Sorry sa abala."
"Manong Petes, wag na po 'miss' ang tawag mo po sakin! Myka na lang po! Para fair!"sabi ko.
"Sige Myka. Buti na lang at nagtransfer ka dito at mayroon na akong makakausap na nakakaintindi sa aikn. Puro kasi mayayaman ang nandito, nakakayamot sila."sabi ni manong Petes. Daldalin daw ba ko?
BINABASA MO ANG
Hyper Toxic International Academy [ONGOING]
Teen FictionDear Parents, This letter informs you that you're daughter passed the exam for full scholarship at Hyper Toxic International Academy. See attached form for the rules and regulations. Sincerely yours, Mr.Harold Ranzes Dean OHMAYGOLAY. PUMASA AKO! PUM...