I Dedicated this to aril_daine. Thank you for the inspiration and for the stories that really is beautiful. :)
*******
Lahat tayo dumadaan sa eksena ng buhay natin na kelangan nating gumawa ng mga desisyon. Ang iba ay hindi masyadong importante at ang iba ay parang ang sinasabi nilang 'Its a matter of life and death situation'. Na kapag hindi natin pinili ang tamang desisyon malaki ang maapekto sa kung ano man ang mangyayari sa buhay natin sa hinaharap.
Pero para sa akin, maliit man o malaki ang gagawin nating desisyon, nakatulong pa rin ito sa kung ano tayo ngayon.
Ako si Sophia Matic. 16 yrs.old at nag-aaral sa Cleyton University. Isa lang akong ordinaryong estudyante at nakafocus lang ako sa pag-aaral ko at makakuha ng matataas na grades.
Hindi katulad ng mga taong sikat sa school na to na kelangan pa nilang problemahin ang image nila.
Isa na dun ang taong isa sa pinakamayan, pinakamatalino at pinakasikat sa school namin na si Angelo Ramirez. Hindi lang siya sikat sa school pero pati na rin sa lanas dahil isa siyang artista. At crush ko siya, sympre tao din naman ako at nakakaramdam kahit gusto lang maging invisible noh!
Pero alam ko na hindi naman niya ako mapapansin dahil sa dinami-dami ng babae dito sa school at sa buong Pilipinas noh, sino ba naman ako?
Isang pangyayari lang talaga ang nagpabago ng lahat ng yan. At malalaman niyo na ngayon.
****
Naglalakad ako papunta sa gate ng school namin ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"SOPHIA!" sabi nung taong tumawag sakin. Nilingon ko siya at nakita ko ang best friend ko na tumatakbo habang kumakaway na papunta sakin. "SOPHIA!" inulit ulit. tumingin ako sa paligid ko at nakita ko ang mga tao na nakatingin na pala samin. Haaaay, magaling talagang kumuha ng atensyon yang bestfriend ko.
"Sophia" *huff* *huff* "buti naabutan kita" *huff* *huff* sabi niya ng hingal na hingal at nakahawak siya sa mga tuhod niya.
"Bakit? Anong meron at kelangan mo pa talagang sumigaw at makuha ang atensyon ng mga tao dito. Nakatingin sila satin oh." Sabi ko ng medyo nakayuko. Nakakahiya kaya yung ginawa niya.
=___=
"Ay ang taray. Gusto lang naman kitang makasabay papunta ng school ehh, masama ba yon?" Sabi niya tapos biglang nag pout.
"Haaaay, tara na nga baka mamaya malate pa tayo ehh." Sabi ko nalang tapos naglakad na kaming dalawa papunta sa loob ng school.
******** Fast Forward**********
"Ui best! Ano sasali kaba?" tanong sakin ng bestfriend kong si carla tapos sumubo sa binili niyang pagkain. Nandito kami ngayon sa canteen dahil break time na namin.
"Ewan ko, hindi ko alam ehh. Mamaya mapahiya lang ako dun."-sabi ko nalang tapos sumubo din sa binili kong pagkain.
Alam kong nagtataka kayo kung tungkol saan ang pinag-uusapan namin. Ganito kasi ang nangyari.
***Flashback***
Pagpasok namin sa school nagkakagulo na ang mga estudyante sa tahimik na hall ng Cleyton U. Nagtatakbuhan lahat papunta sa may Bulletin Board.
"Ano kayang meron dun?" tanong sakin ni Carla.
"Hindi ko alam ehh. Baka naman may panibagong scandal na naman." sabi ko. Dito kasi sa school, kapag ma ginawa ang mga sikat na hindi tama may news kagad yan. Kaya sanay na kami.