Habang kinukuha ko yung mga damit ko sa apartment. Napansin ko yung cabinet ni zack. Lumapit ako at Binuksan ko. Sa galit ko ay ginupit lahat ng damit na meron sa loob ng cabinet na iyon.
Hindi ako papayag na maging masaya si zack. Ibabalik ko lahat ng sakit na naramdaman ko dahil sa kanya.
Kinuha ko na ang lahat ng gamit ko at lumabas na ng apartment.
Kinuha ko na yung offer sa akin nung coffee shop na libreng kwato sa likod ng coffe shop. buti nalang at mabait yung may ari.
Kahit na may ka share ako sa kwarto na iyon nagpapasalamat parin ako kase may matitirhan ako na free, hindi katulad doon sa dati naming apartment 5k per month.
naalala ko yung naipon kong pera para sa tuition fee ni zack , buti nalang hindi ko pa nababayad.
gagamitin ko nalang yung perang naipon ko para sa pag-eenroll sa koito university at pag-pagpapaganda, para maipamukha ko sa lalaking iyon na nagkamali siya ng pinaglaruan ng puso.
nagpagupit na ako ng buhok at bumili ng mga magagandang damit. bumili na rin ako ng mga make up, para maging presentable ako sa harap ng tao. good bye sophie dugyot, hello pretty sophie.
nag enroll na ako sa koito university. binigay ko na yung mga kailangan. ngayon lang ako mag cocollege, kaya first year college lang ako ngayon. kaya nagrequest ako na bigyan ako ng special test, para mapatunayan ko na qualified ako maging second year college. syempre gusto kong maabutan si zack.
gagawin ko lahat para mataasan ko siya sa buong school na ito. top one in koito university ? huh !! tatalunin kita mag intay ka lang zack.
nung highschool kami ni zack, top 2 lang siya sa buong eskwelahan, at ako yung top 1.
kaya siguro nangako siya dati na isasama niya ako sa maynila, kase ,may plano siyang gagawin sa akin. bwiset..... ang tangga ko talaga, at sa isang playboy pa ako nainlove.
habang naglalakad ako sa university, tinawag ako nung isang lalaking nakaupo sa gilid.
" miss ? "
napalingon ako at nakita ko yung lalaking na may hawak na libro
" bakit ? " pangiti kong pagkakasabi sa kanya
naglakad siya palapit sa akin at sinabing
" hi miss ? nakikilala mo pa ba ako ? "
" huh ? sino kaba ? " masungit na pagkakasabi ko sa kanya
" ako ? nakalimutan mo na ako ? parang nung nakaraan lang nagtanong ka pa sa akin kung nasaan si zack "
napaisip ako kung sino yung tinanungan ko...
" huh ? hindi talaga kita kilala kaya please dont talk to me, okay !! " masungit na pagkakasabi ko sa lalaking may hawak ng libro
palakad na ako palayo ng bigla siyang nagsalita
" diba ikaw yung bababeng nakapantalon at nakatshirt na pumunta nung nakaraan dito, diba ikaw iyon yung niloko ni zack na pinag uusapan dito sa loob ng university"
nung sinabi niya iyon bigla kong naalala yung pinagtanungan ko. yung lalaking pogi na nagbabasa ng libro sa isang upuan.
tinakpan ko na yung bibig niya at sinabing
" hindi nga ako yun, itigil mo iyang bibig mo !! "
naglakad na ako papalayo.
kinilabutan ako sa lalaking iyon. sobrang ingay, hindi na ako yung babaeng iyon. patay na si sophie na dugyot. ako na si pretty sophie.
bumalik na ako sa coffee shop para magtrabaho. pwumesto na ako sa cashier. nag hi sa akin si Julie
" HI miss !! bago ka lang dito ? "
nagulat ako nung sinambit ni julie ang mga salitang iyon. tiningnan ko siya sa mga mata at sinabing
" ako ito julie !! hindi mo ba ako nakikilala ? " pataray na pagkakasabi ko.
nag isip si julie ng mataimtim at tiningnan niya ako ng matagal. napakamot siya sa ulo at sinabing
" am.. hindi talaga kita kilala " nahihiyang pagkakasabi ni julie
nilapit ko yung mukha ko sa kanya at pataray na sinabing
" ako ito si sophie !! bestfriend mo ! "
napalunok siya at tiningnan ako ng mabuti, na animo may nakitang kakaiba.
" sophie ? weh !! " pasigaw na pagkakasabi ni julie
hinawakan niya ang aking mukha at tiningnan.
" sophie, anong nangyari sayo ! may na kain kaba na kakaiba at naisipan mong maging isang sibilisadong babae "
may halong pag aalala at pagkagulat nung sinabi niya iyon.
tinanggal ko ang pagkakahawak ni julie sa aking muhka.
" julie ako nga ito !! paulit ulit " bwisit na bwisit kong pagkakasabi
ito si julie nagbago lang yung itsura ko hindi na kaagad ako kilala.
" ang ganda ganda mo pala sophie " nakangiting pagkakasabi niya
" matagal na akong maganda, hindi mo lang napapansin kase dahil sa bwiset na zack na iyon "
" hiwalay na kayo ? "
" oo, kahapon pa!! "
" kaya pala !! totoo nga naman ang kasabihan, kapag ang babae nagpagupit ng buhok, ibig sabihin nakapag move on na "
" nagpagupit ng buhok ? kasabihan ? hindi ako naniniwala sa mga kasabihan na iyan, nagpagupit lang ako ng buhok kase sobrang haba ng buhok ko "
" nako !! " pabulong na pagkakasabi niya.
sa sobrang ingay namin ni julie hindi na namin napansin na napalakas pala yung pag uusap namin ni julie. lumapit yung manegr at sinita kami
" sophie at julie !! get back to work, hindi kayo binabayaran para mag-ingay sa loob ng coffee shop "
nung narinig namin ni julie iyon ay agad kaming bumalik sa kanya kanya naming pwesto.
habang nakapwesto ako sa cashier ay biglang pumasok sa aking isipan ang mga hindi magandang ginagawa nung maneger namin.
bakit itong si miss lea, hindi rin naman siya binabayaran para makipagdaldalan ng buong araw sa regular customer namin na si sir bobbie. makapag-sabi ng mali namin akala mo hindi rin naman siya ganon.
wait..... bakit ganito yung mga pumapasok sa utak ko, puro panglalait at kasamaan ng ugali yung pinapairal ko..... woh !! inhale... exhale... kahit ano pang- inhale at exhale ko hindi ko mapigil na mag-isip ng masama, well kase nga no body is perfect kaya bahala na.
naglalakd ako papunta sa susunod na trabaho ko. naiisip ko pa lang yung mga trabaho, napapagod na ako. habang naglalakad ako hindi ko namalayan na nakarating na ako sa dati naming apartment ni zack.
well dahil nakarating na ako dito bakt hindi ko kaya silipin kung ano na ang lagay ni zack. naghahalong pag-aanlinlangan at curiosity yung nararamdaman ko. nilakasan ko yung loob ko at pumasok sa building ng dati naming apartment. nakatayo na ako sa pinto ng dati naming apartment. sinubukan kong ipasok yung lumang password namin. nagulat ako ng biglang bumukas yung pintuan.
hindi ko pa nabubuksan ng malaki yung pinto ng may narinig akong tawanan.dahan dahan kong sinilip at nakita ko na tuwang tuwa na nag uusap si zack at yung ahas na si sharia gonzales. hindi na ako magtataka, na nagsasama na sila ngayon. napanood ko na kasi iyan sa isang teliserye na kapag umalis yung tunay na asawa, papalitan na kaagad nung lalaki ng kabit niya.
pag-nakikita ko talagang masaya itong dalawa ito, ang sarap paghiwalayin at pahirapan. ipapadanas ko lang naman kung gaano kahirap ang lokohin ng kaisa-isang taong minahal mo ng tunay.
isinarado ko ng malakas yung pinto.
" SINO YAN!!! " pasigaw na pagkakasabi ni zack.
hindi ko na pinansin at naglakad na ako paalis na naka-ngiti, dahil alam kong nasa akin parin ang huling halakhak.
BINABASA MO ANG
Watch How Good Girl Turn Into Bad Girl
Randomtingnan mo kung papanong ginawang bad girl ang good girl Hindi natin alam kung ano ang mangyayari kapag nagmahal ka, sometimes kase masasaktan ka ng sobra sobra. Sa kwentong ito masasaksihan ninyo ang pagbabago ng isang good girl patungo sa pagiging...