Ang Wikang Pamana

2 0 0
                                    

Likhang kakaiba ng may kapal
Bahay ng ating wikang mahal
Iisang tahanan ng ating bayan
Di perpekto ngunit kayamanan

Makukulay na paniniwala
Madilim kapag mapaminsala
Liwanag na galing sa mga ninuno
Gamiting pangkabutihang galing sa puso

Wikang pilino'y walang katulad
Sa bawat landas na nilalakad
Daan nating walang katapusan
Pagkakaisa upang ating malampasan

Tulad ng buwan sa gabing liwanag
Wikang bigkas na nagpapanatag
Sikat ng araw, katuwang sa paglaki
Punong matibay ang ating sukli

Tunay na tungkulin ng bawat pilipino
Wikang gamitin ng wais at matalino
Tamang paggamit ang dapat mauna
Upang ito ay maging wikang pamana

Maiimpluwensya man mga kapitbahay
Wikang di mapagpalit anuman itong bagay
Anino ng ating paniniwala
Kailanman hindi dapat mawala

Mgq alaala nating lahat
Magkadugong nanggaling sa isang balat
Pag nabalata'y wag itatapon
Wikang nanggaling sa ating kahapon

Anumang umandar sa ating isip
Ganda ng wika'y sana'y masilip
Pinaghirapan ng kabayang sinauna
Ang kanilang natatanging wikang pamana

By: Darren The Great
#AngWikangPamana
#ForEducationalPurposes
#DarrenTheGreat

POEMS OF THE GREAT DARRENWhere stories live. Discover now