MOLLA

29 0 0
                                    

(NOTE: MAY MURA TO GUYS! MERON MERON! OKAY OKAY.WALANG KWENTA TO KAYA. GE. WALANG MAGAWA. BOW XD)

"Oyyy Trix! Parating na sila! Dalian mo diyan!"

"Teka lang!" , binilisan ko na ang pagliligpit sa mga gamit ko. Shemmss! Parating na sila. Ang pinakanakakatakot sa lahat ng nakakatakot na grupo. NO NAME. As in NO NAME. yan ang pangalan ng grupo nila. Korny noh? Wala na sigurong maisip kaya yan na lang ang ipinangalan. Kapag naabutan ka nilang may ginagawa at hindi nakatayo ng tuwid pag pumasok na sila ng classroom, may  punishment. Mas malala pa sila kaysa sa mga teachers, guards at kahit ang pinakamataas pa sa school na to. Palibhasa kasi  galing sa mga mayayamang angkan kaya nadadaan sa pera. Hindi ko alam kung bakit gusto nila ganun. Siguro sa mga bahay nila, ganun ang ginagawa ng mga maids, guards , etc pag dumadating sila. BAKIT, MUKHA BA KAMING MGA UTUSAN?!

"Very Good. Maayos. Umupo na kayo" , diretso lang ang tingin niya habang naglalakad papunta sa pwesto nila sa bandang likuran. Siya si Clark. Ang leader ng grupo. Long dark brown hair at kung pumorma akala mo hindi sa school ang punta.  Nakabuntot sa kanya ang dalawa pa niyang ka-grupo, sina Ken at Brian, na kadalasan tahimik lang pero masama magalit. Nakakatakot . Mas nakakatakot pa kay Clark. Kaya pag may bumangga sa kanilang tatlo, hindi na inaantay na ma-drop. Lumilipat agad ng ibang school. Ganun katindi!

Nang makaupo na sila, tyaka lang pumasok ang English teacher namin. Halata pa rin sa mukha niya na kabado pa rin siya kahit 3 buwan na ang nakalilipas simula nang mag-umpisa ang klase

"Trix, umayos ka nga. Wag mo silang tignan baka makita ka" , si Kath , mah bestfriend. Kahit pilitin kong makinig sa teacher ko, hindi ko mapigilang tumingin sa kanilang tatlo. Kahit "bad guys" sila, ang lakas ng dating nila sa kin. Isa ako sa mga girls na ang tipong lalaki ay bad guys. Wala eh. malabo na mga mata namin. 

Nagulat ako nang biglang may binulong si Brian kay Ken at bumulong si Ken kay Clark. Pagkatapos nun, sabay sabay silang tumingin sa kin. Di ko alam pero may sumaping ispiritu sa kin na nagsasabing titigan ko rin sila.

Ga-munggo ang pawis ko.

Nakakatakot sila. 

Hindi ko na kaya.

Kaya iniwas ko na ang tingin ko. Paulit-ulit kong iniisip kung bakit nila ako tinitigan . MATA SA MATA. At kung bakit din ako nakipagtitigan?! 

Sumulyap-sulyap ako sa kanila . Nakatitig pa rin sila sa akin. Di ako makapag-concentrate.

Lumingon ulit ako sa kanila at bigla sila ngumisi.

Kumindat si Brian na ikinagulat ko.

Nagpa-cute naman si Clark at biglang parang nag-kiss. Guni-guni ko lang ba yun ?!

At si Ken? Tinititigan ako. Sobrang COLD ng titig niya biglang......

NAG BIG SMILE SIYA. AS IN BIG NA NAKANGANGA . TAPOS NAKA-PEACE SIGN

Tumawa silang tatlo. Ang lakas ng trip nila sa akin. Ang sarap sakalin. Humarap na lang ulit ako sa unahan at nakitang nakatitig sa kin ang teacher namin pero hindi naman ako napagalitan. Pinilit ko na lang na wag nang tumingin ulit sa kanila.

******************************** PAST FORWARD

"Ano?! Ang lakas ng loob mong makipagtitigan sa min kanina ha!" Sabay tawa at nag-aapiran pa. Kasama ko ngayon ang NO NAME dito sa bodega ng school namin. Hinila talaga nila ako dito para lang tanungin ang isang walang kwentang tanong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MOLLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon