Where it begins... (Part 1)

10 1 0
                                    


Writer's Note:

~~ Reality based story from a girl na tinago namin as per her request para din walang makakakila since alam nyang may marami syang kaibigan na mahilig din magbasa ng wattpad. Enjoy reading her story! Please like, comment and vote!😊 ~~


Sandra's:

Hi! Gusto ko sanang magpasalamat sa nagbasa at magbabasa pa lang ng isang chapter sa buhay ko na hindi ko talaga makakalimutan. Patungkol ito sa aking bestfriend na si Drake at matagal ko ring tinago ang aking pagkagusto sa kanya. Oo nga pala, ako si Sandra at dito ko sisimulan ang kwento namin...


Nagtatrabaho ako ngayon sa isang call center company sa sa Cebu. Matagal na rin ako dito, 6 na years na nga ata pero hindi pa ko masyadong matagal sa trabahong ito since bagong graduate lang ako (last year). Nakilala ko si Drake nung nasa kolehiyo pa ako. Hindi naman sya masyadong kagwapuhan pero cute sya, may kataasan sya na yung height ko nasa balikat lang nya, mabait at maalaga.


Una ko syang nakatagpo ay nung sumasakay ako nang jeepney pauwi galing sa university kung saan ako nag-aaral. Nga pala, BS in Information Technology ang kursong kinuha ko. Tahimik lang ako sa ilang mga unang araw ng klase. Observant kasi ako, nagmamasid sa mga bagay at tao na makakasalamuha ko pero, pag nakilala mo na talaga ako nako sobrang daldal ko nahalos hindi ka na makapagsalita pag ako kausap.


Si Drake ang unang pumansin sakin.

"Psst! Diba sa section 1-D ka ng BIST?"

"Ahh oo, ikaw din ba?"

"Oo, Drake pala. Ikaw?"

"Sandra. 🙂"

"Uwi ka na diba? Saan ka bababa?"

"Ahh malapit sa may simbahan, ikaw ba?"

"Sa may malapit sa City hall. Madadaanan ko lang pala yung sa inyo."

😊😊

Yun ang unang alaala ko sa kanya. Naging magaan naman ang loob ko sa kanya kaya masinsinan kaming nag-usap hanggang makababa ako. Nung panahong yun, wala pa akong gusto sa kanya, at may boyfriend din ako nun kaso LDR kami. Masaya naman na ako at may naging kaibigan agad ko, which is naging bestfriend ko.


On the other hand, lumalamig na ang relasyon namin ng boyfriend ko kasi sabi nya wala na daw akong oras sa kanya kaya ayun, nagtatampo sya sakin. Wala akong sikreto sa mama ko patungkol sa amin kung kaya pag maay problema kami, sinasabi ko sa kanya.


"Anak, kung mahal ka nya maiintindihan ka nya. Dapat nyang alalahanin na para din ito sa future mo."

😔😔😔

Yun lang, wala akong ibang naisagot sa mama ko. Mothers knows best ika nga ang sabi nila, dahil napagdaanan na rin nila ito.


Ilang araw din akong nakasimangot kasi nag-aaway na lang kami parati ng boyfriend ko na kahit maliit na bagay lumalaki. Hindi naman ito nawala sa pansin ni Drake. Kinulit nya ako na magsalita kung anong nangyari sakin at sobrang lungkot ko na halos di na raw maguhit yung mukha ko sa maghapong nakabusangot. I spitted it out. Sinabi ko sa kanya ang buong pangyayari at di naman ako nabigo dahil binigyan din naman nya ako ng maraming advice. Mas marami pa nga syang nabigay na advice sakin kesa sa mama ko. 😆😆


One time, founding anniversary yun ng university namin at isa ang section namin na magpi-present. Hindi naman ako papahuli, kasali ako dun. Mahilig din kasi ako sa sayaw kaya nung nag-announce ang isa sa aming professor, eh nagvolunteer ako para sumali.


Matagal natapos ang program kaya matagal rin ako nakauwi. Tiningnan ko yung cellphone ko para makita kung anong oras na since yung relos ko nasa bag, naiwan. Ilang messages din yung dumating na pawang galing sa tiyahin ko.


"Patay! Lagot ako neto, hahay. Sinasabi ko na nga ba at magagalit na naman to dahil sa ang tagal kong umuwi." 😖😖


May ilang missed calls pa ang nakalagay sa screen. Habang nagso-scroll pa ako, may isang message na iba sa lahat. Kay Drake galing yun.


"Nasa classroom ako, matutulog muna 😴😴. Gisingin mo 'ko pag tapos na program. Sabay tayo uwi."


Bigla akong nabuhayan ng loob nung nabasa ko yun. Salamat naman at may kasabay akong pauwi. Hahaha medyo kinilig ako nun 😋😋. Nga pala, walang girlfriend si Drake pero meron syang nagugustuhang babae sa section din namin. Ang masakit lang, kabarkada ko pa. 😕😕


Hindi nawala si Drake sa tabi ko nung maghiwalay kami ng LDR boyfriend ko. He comforted me and it made me realize that it's not my lose. He showed me a fact, that I'm worthy to be kept but not to a wrong man that would hurt me. Naging lakas ko si Drake sa panahong lugmok ako dahil sa hiwalayan namin ng long time boyfriend ko. 6 years din kami nung last boyfriend ko at sya ang pinakamatagal kong naging karelasyon.


Kahit na sa madaling paglipas ng mga araw hanggang sa naging linggo at buwan, damang-dama kong may iba na akong pagtingin sa bestfriend ko. Pero dahil nga sa parang naguguluhan lang ako, baka sobrang nag aassume lang ako. Kasi nga diba mabait sya sakin and then tinulungan nya akong makapagmove-on sa break up ko last time. At kahit pa kung may nararamdaman naman talaga ako, di ko rin pwedeng sabihin sa kanya. Nakasagi kasi sa isip ko na pagnagtapat ako sa kanya, masisira ang pagiging magkaibigan namin. Hindi ko pa rin naman kumpirmado na talagang may gusto ako sa kanya, baka nga iniba ko lang ang meaning nang pagiging caring nya sakin.


Isang araw, may napansin akong kakaiba kay Drake. May suot syang singsing. Nasaktan ako nung time na yun, kasi akala ko bigay to ng nililigawan nya. Oo nga pala, natatandaan nyo nung sinabi ko na may gusto sya sa kabarkada ko? Nagtapat na si Drake sa kanya at nililigawan na nya ito. Dito ko na nakumpirma, may gusto talaga ako kay Drake. At nasaktan na naman ang puso ko. Buong araw akong nakasimangot nung araw na yun at napansin ito ni Drake.


"Anong problema mo best? Sabihin mo para madagdagan ko. 😁😁" Sabay pag gulo nya sa buhok ko.

😒 😒

😔😔

"Wala."

"Wala daw, eh parang pasan mo nga yung Engineering building sa mukhang yan."

"I'm fine best. Matanong ko lang, bigay ba yan ni Zoey? Kayo na ba? Kela pa?"

"Hinay-hinay lang best, andaming tanong ah. Hindi pa kami at tsaka hindi to galing sa kanya."

Nung sinabi nya yun, parang biglang gumaan ang Engineering building na pinasan ko kanina. Hahaha joke. 😂😊

"Eh kanino galing yan?"

"Ahh sa jewelry box ni mama. Gusto mo sayu na?" sabay hubad ng singsing. Inilagay nya ito sa isang necklace chain at iniabot sa akin.

Shock pa rin ako nung panahong yun. Naisip ko tuloy, may gusto rin kaya si bestfriend sa akin? Hmmmp. "Wag mag assume, alam mong masakit yan." Yun lang ang tanging nasabi ko sa sarili ko habang tinititigan ko yung binigay nya sakin. 



Writer's Note:

~~ Putulin ko dito guys ha ! Hehehe may part two.. Please don't forget to like, comment and vote! ~~

Can't Help Falling In LoveWhere stories live. Discover now