Ang Mahiwagang Suklay

400 3 0
                                    

Ang Mahiwagang Suklay

Sa isang malaking syudad, nakatira ang 10 taon na magkakambal na sina Leo at Lea . Ang kanilang nanay ay si Aling Rosa samantala ang tatay nila ay patay na. Sila ay mahirap lamang. Magkaiba ng ugali ng dalawa, si Lea ay mabait na bata habang si Leo ay pilyo na laging napapagalitan at ni minsan ay di nadala.

Isang araw habang naglalakad ang kambal sa kalsada ay may nakita si Lea na isang matanda.

Lea: Tingnan mo Leo, may matandang babae o at mukha siyang nahihirapan. Tara,tulungan natin.

Leo: (naiinis) Bakit pa e matanda na iyan kaya na niya ang kanyang sarili.

Lea: Leo naman e, tingnan mo sya nahihirapan walaka ka talagang puso. Ako na lamang ang tutulong.

Leo: Sige bahala ka, iintayin kita dito bilisan baka tayo ay hinahanap na ni inay.

Tinulungan ni Lea ang matanda at pagkatawid nila ay nagwika ang matanda.

Matanda: Naku ineng maraming salamat.

Lea: Karangalan ko pong tumulong sa inyo. Ay sige po aalis na po ako.

Matanda: Sandali ineng, dahil sa kabutihang loob mo ay ibibigay ko sa iyo itong aking suklay.

Lea: Naku hindi na po kailangan.

Matanda: Kunin mo na iha, mababago nito ang iyong buhay. Ngunit ikaw lamang ang pupwedeng gumamit nito sapagkat sa iyo ko ito ipinagkaloob. Hindi maganda ang mangyayari kung iba ang gagamit nito.

At kinuha na nga ni Lea ang suklay. Gulong-gulo ang kanyang isip sa sinambit ng matanda na mababago ng isang ordinaryong suklay ang buhay niya. Habangpapunta siya kay Leo ay muli siyang lumingon sa matanda at paglingon niya ay nawala na ang matanda. Lalo pa iyong dumagdag sa kanyang mga palaisipan.

Leo: Ano iyang hawak mo?

Lea: Suklay, ibinigay ito sa akin ng matanda.

Leo: Baka naman may kuto pa iyan.

Leo: Hindi naman siguro. Malinis naman e.

Pagkarating nila sa kanilang bahay ay ikinuwento ni Lea ang tungkol sa suklay at sa matanda.

Aling Rosa: Naku wag ka ngang magpaniwala diyan, malamang ay nagugutom lamang kayo. Halina kayo at tayo ay kumain na.

Pagkatapos nilang kumain ay naligo si Lea bago tuluyang pumanhik sa kanyang silid. Nang isuklay niya ang ibinigay ng matanda........

Lea: (tuwang-tuwa) Ina! Leo! Tingnan ninyo!!!!!

Agad na pumunta sina Aling Rosa at Leo sa silid ni Lea at may nakita silang mga ginto sa sahig na nagmumula sa buhok ni Lea habang isinusuklay ang bigay ng matanda.

Aling Rosa: Naku totoo nga!! Mayaman na tayo anak mayaman na tayo!!

At yumaman nga sila ngunit hindi naging mapagmalaki at maramot ang pamilya pwera kay Leo. Nakaramdam ng inggit si Leo sa kakambal. Isang gabi ayninakaw ni Leo ang suklay ng kapatid at isinuklay sa kanya. Gulat na gulat siya sa naging resulta.

Leo: Inay! Inay! Tulungan ninyo ako.

Agad na pumunta sa kwarto ni Leo sina Lea at Aling Rosa at nagulat sa nakita.

Aling Rosa: Anak, bakit ang daming ipis rito!!!!

Lea: Oo nga Leo bakit ang da.... teka yan yung suklay ko a bakit nasa sa iyo?

Leo: Sorry Lea!!

Lea: Totoo nga ang sabi ng matanda na may hindi magandang mangyayari kapag ginamit ng iba ang suklay.

Leo: Lea sorry talaga sorry.

Agad na pinatanggal ni Aling Rosa ang mga ipis sa kwarto ni Leo at pinagsabihan ang anak sapagkat pilyo man si Leo ay kahit na kailan ay di pa niya nagawang magnakaw. Ilang araw ding hindi pinansin ni Lea si Leo dahilsa galit ito sa kanya. Lungkot na lungkot si Leo sapagkat kahit nagaaway sila ay hindi tumatagal ang galit ni Lea sa kanya. Humingi ng humingi ng tawad si Leo kay Lea at ipinakitang nagsisisi na siya sa nagawa.

Lea: Sige na, papatawarin na kita.

Leo: Talaga! Salamat (sabay yakap)

Lea: Basta ipangako mo na magbabago ka na.

Leo: Oo ipinapangako ko.

Tuwang tuwa si Aling Rosa sa nasaksihan. Mula noon ay naging mabait na si Leo at lao pang naging masaya ang kanilang pamilya at pamumuhay.

Ang Masayang Wakas

Ang Mahiwagang SuklayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon