****
Chapter 1
6 Years Later..
"Ate, una na ko sayong umuwi ahh.. may lakad kami ni Dylan mamaya eh.Mag papaalam rin kasi kami kay Nanay."paalam sakin ng kapatid kong si Jeah habang nasa counter kami at hinihintay matapos yung pinapunch ng Cashier na grocery. Nandito kasi kami ngayon sa Mall nag grocery. Tumango ako sa kaniya.
"Sige, basta mag iingat kayo saka bawal munang gumawa ng baby okay?"nanlaki ang mata niya, tapos hinampas ako. Si Dylan naman tumawa lang habang umiiling.
"Si Ate talaga! Alam namin yun! Hindi mo na kailangang ipaalala."namumulang sabi niya.
"Nagpapa-alala lang."Natawa na lang ako.
Tiwala naman ako sa kanila ni Dylan. Boyfriend ng Kapatid ko. Alam ko naman na alam nila yung limitasyon nila. Isa pa, mabait at may respeto si Dylan sa amin nila Nanay. Napatunayan namin yun kaya nung sinabi samin ni Jeah na sila na, hindi kami tumutol.
Nang matapos naming bayaran yung mga pinamili namin, kinuha lahat yon ni Dylan saka isinakay sa Kotche nito.
"Uwi na kami, Ate ah.." tapos humalik sa pisngi ko.
"Sige, ingat kayo ah.."tapos sumakay na sila. Tinignan ko si Dylan."Dylan, mag ingat ka sa pag d'drive ha."
"Opo, Ate."
Ilang sandali pa, umalis narin sila. Naiiling na lang ako at natatawa sa kapatid ko. Gustong gusto ko talaga siyang inaasar. Namumula sa hiya.
Dapat talaga sasabay ako sa kanila umuwi pero kasi, gusto kong pumunta muna sa boutique, titingin tingi ng mga figurine para sa bahay namin. Dibale, mag tataxi na lang ako pauwi.
Pumunta na ko sa boutique. Nag simulang magtingin tingin, nakakatuwa kasi ang daming magaganda! Tapos nakakaaliw talaga.
Ilang sandali pa, nakakita rin ako ng figurin na babagay sa Bahay namin. Ang ganda tignan nakakarelax.
Lumingon ako doon sa babaeng nagbabantay.
"Excuse me, Miss magkan--"
Hindi ko na naituloy pa yung tanung ko nung bigla na lang may bastos na humarang sa harapan ko. Gusto ko siyang pokpokin ng hawak kong figurine dahil sa kabastusan niya but I stop when I finally heard his voice..
"Miss, magkano to?"
T-that voices..
Hindi ako pwdeng magkamali..
Pinagmasdan ko yung likod ng lalaking nasa harpan ko ngayon..
Now I realize na kahit limang taon na pala..
Kilala ko parin siya..
I just cant believe it na after 6 years magkikita ulit kaming dalawa ngayon..
"Sir. 350 po yan.."rinig kong sagot nung sales lady. Nakita ko siyang saglit na natigilan tapos tumango.
"Siqe. Kukuhanin ko na to. Paki bigyan ako ng 200 na ganito."
"Ok. Po sir."
Umalis na yung sales lady at pumunta sa counter. Naiwan ung lalake na nasa harapan ko ngayon na palagay ko busing busy sa cp nia.
Dun na ko kumuha ng chance para makompirma yung hinala ko..
"A-Andrei.. Andrei, ikaw ba yan?"nakita kong parang natigilan siya sa pagkakarinig ng boses ko. Kahit naman kasi sino matitigilan lalo na kung talagang sobrang tagal niyo ng hindi nagkikita at nagkakausap.
Pakiramdam ko..
Lumalakas ng lumalakas yung tibok ng puso ko habang hindi siya humaharap sakin. Para akong aatakihin sa puso..
BINABASA MO ANG
Love At The Wrong Time
General FictionSabi nila: BLOOD is Thicker than WATER. but, Is BLOOD thicker than LOVE? Kelan mo nga ba masasabing handa ka ng mag mahal? Kapag ba, nagawa mo na lahat ng responsibilidad sa pamilya mo, O, Kapag wala ka ng babalikan? Love at the wrong Time ®Created...
