Sabi ko, I love you ( one shot )

2.2K 87 56
                                    

Sabi ko, I love you

by : abbydellomos17 / Ms. 17

Sabi nila, ang Love daw ay nararamdaman kapag nagsimula ka nang magmahal ng totoo sa isang tao. Ito daw ay ‘yung kapag nakikita mo siya, bibilis at bibilis ang tibok ng puso mo. ‘Yung sa tuwing magkakalapit kayong dalawa, parang gusto nang kumawala ng kaluluwa mo sa katawan mo. Sa tuwing magtatama ang inyong mga mata, parang gusto mo nang lumipad papuntang langit at sa tuwing magkakadikit kayo, parang gusto mo nang ilibing ang sarili mo sa lupa ng buhay dahil hindi mo na kaya dahil sa sobrang kakiligan.

Ang Love daw ay nagiging isang Inspirasyon. ‘Yung araw-araw kang gaganahang pumasok para lang makita mo siya. ‘Yung nagpapakahirap kang mag-aral ng mabuti para lang mapansin niya. ‘Yung tipong gagawin mo ang lahat ng efforts para makalapit ka lang sa kanya.

Kaso wala eh, he’s so unreachable. Napakalayo niya, hindi ko na siya mareach. Paano ba naman kasi, check sa physical appearance. Check sa sports. Check sa katalinuhan. Checks sa talents. Oh diba? Subukan mo ngang magmahal ng taong nasa kanya na ang lahat ng biyaya na pwedeng matanggap ng isang indibidwal. Tch. Eh ano namang mapapala sa’ken? Isang normal na tao na mukhang galing sa unang panahon na dinaig pa si Maria Clara dahil sa sobrang hinhin at sobrang haba ng paldang suot na No Boyfriend Since Birth at isa ring Hopeless Romantic. Oh diba? Ang ganda ng description ko sa sarili ko?

Tamang tama talaga sa’kin ‘yung mga pinagsasabi ko eh. Napahinhin ko at parang nagmula sa sinaunang panahon. Pero ginagawa ko lang naman ‘yun dahil sa gusto kong maging good image ako sa school eh. Kailangan ko maging ganito para hindi ako mapahiya kay Vaughn Renzo Morano, ang kaisa-isang lalaking nagpatibok ng puso ko. Echos!

“ Maria Clara, tawag ka ni ma’am. Pumunta ka daw sa faculty, may iuutos ata sa’yo. “ nakaupo ako ng matiwasay sa aking upuan at nagpapakaloner nung bigla akong tinawag ng isa kong kaklase. Tch. So pinush talaga nila ang pagtawag sa’kin ng Maria Clara?

Dali dali naman akong napatayo sa aking upuan at naglakad na patungo sa faculty. Ito rin ang isa sa mga nakasanayan kong gawin, ang maging utusan ng mga teacher dito. Tss. Eh ako namang si mabait na estudyante, hindi makatanggi, plus grades rin ito noh!

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang faculty, napahinto ako bigla nung makita kong madadaanan ko na ang room kung saan nandoon ang crush ko. Oh my gosh!

Nilabas ko muna ang salamin mula sa bulsa ko at tinignan ko ang sarili ko. Inayos ko ang buhok ko, nagsuklay pa ako at nagpulbos at nagpabango. Lol. As if namang maamoy niya ako eh nasa hallway lang naman ako.  Kashungaan ko talaga oh!

After nang pag-aayos ko sa sarili ko, nagsimula na akong maglakad. Tinry ko pang mag Tsunami walk at Cat walk habang naglalakad. Chin up, stomach in, chest out lang ang peg ko. Tinatry kong magmukhang tao kahit sa pagdaan ko lang sa room niya.

Medyo binagalan ko pa ang paglalakad ko, sinubukan kong tignan ang room nila sa may window ng classroom nila, pero napakunot ang noo ko nung hindi ko siya mahagilap. Asa’n na ba ‘yun? Sayang naman ang preparation ko oh! Tsk!

Dahil sa pagkadismaya ko at inis, nagmadali nalang akong maglakad. Kaso, habang naglalakad ako, hindi ko namalayang biglang bumukas ang pinto kaya naman sumalpok ang mukha ko sa pintuan, naalog ang brain cells ko with matching pagtilapon ko sa may sahig, salampak ang mukha sa sahig.

Sabi ko, I love you ( one shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon