#Wattpad

5 0 0
                                    

Tayo ay kasalukuyang naninirahan sa ika 21-siglo, moderning pamumuhay at moderning pamamaraan sa paggawa kung saan laganap narin ang noderning mga pamamaraan para mas mapadali ang mga bagay bagay sa ating buhay. Iba't iba ang mga moderning bagay sa ating paligid mas madali nang mag kamustahan at mag komunika sa isa't isa. Meron na ring madaling paraan sa pagluto ng pagkain at pagkaroon ng kasuoyan. Ang ating mga pangunahing pangangailangan ay mas madaling masungkit kumbaga napapadali dahil sa moderning teknolohiya. Maraming kagandang dulot ang modernong teknolohiya sa buhay ng isabg indibidwal, bukod sa napapadali ang ating buhay nakakatulong din ito sa ating  ekonomiya na mas umangat at maging organisado.Bagkus, ang lahat ng bagay na nag tataglay ng kabutihan ay may masamang maidudulot kung ito ay nasobrahan o na abuso. Sana itong kritikang ginawa ko ay magpukaw sa ating mga puso at magbigay gabay di lang sa kasalukuyang henerasyon at sa darating na henerasyon kundi sa lahat ng gagamit niyo at makinabang dito.

Laganap na sa saang sulok ng mundo ang paggamit ng makabagong teknolohiya karaniwan dito ang gadgets lalong lalo na ang mobile phone o mas tinatawag na cellphone. Ang cellphone ay ginagamit sa pag komunika ng ibang gumagamit ng cellphone din, hindi lang pag komunika ang gamit nito nakakapag laro din tayo dito, nakakapag kuha ng larawan at iba pang instant na gawain. Makakapag download kanin ng iba't ibang aplikasyon at iba pang aplikasyon. Hindi ko maiipagkakaila na ito ay may maliking tulong sa atin dahil sa tulong nito ay mas maipapadali ang pag aaral sa iba't ibang bagay.

Karaniwang mga aplikasyon na laganap sa mundo ngayon ay ang Facebook na nangunguna sa lahat ng social media kasali na dito ang Instagram, Twitter, Google +, at iba pa. Ang mga ito ay kilala ng lahat lalong lalo na ang mga millennials dahil maraming magandang nangyayari sa loob ng social media, marami kang makikilala na iba't ibang tao. Ang Social Networking Sites ay isang website na nagbibigay daan sa mga gumagamit nito na gumawa ng pampublikong profile sa loob ng website at makipag-usap o bumuo ng relasyon sa ibang mga user ng parehong website. Ito ay nakakatulong upang mapalawak ang ating komunikasyon at magbahagi ng karanasan o ng ating opinion sa mga tao kahit sila man ay nasa malalayong lugar. Maraming Pilipino ang nahuhumaling sa mga Social Networking Sites dahil pagkakataon nila ito upang makausap ang kanilang mga kaibigan o pamilya na nasa malalayong lugar, ipahayag ang kanilang saloobin sa isang issue, o di kaya'y ipagmalaki ang mga bagay na mayroon sila.

Isa sa mga aplikasyon na laganap ngayon at medyo sikat ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isa g social media site kung saan nakakapag bahagi tayo ng ating storya kahit ano mala drama ba ito o romansa o nakakatawa, kahit aning klase ng genre. Nakakatulong ito sa pag aaral at sa pag patalas ng kakayahan sa larangan ng poetry at iba pang klase ng literature. Positibo ang pananaw ko sa wattpad dahil nakakatulong ito di lang sa mga madlang mambabasa kundi sa lahat ng taong kasali o nakikisali sa wattpad. Nakakatulong ito sa pag papataas ng IQ ng isang indibidwal at ang skill nito sa pag babasa. Ngunit lahat ng sobra ay nakakasama, maaring maging adik ang isang taong palaging nag babasa sa wattpad. Maaari itong maging sanhi ng pagliban sa klase at pagiging late sa klase dahil hindi nakatulog ng maayos sa gabi. Ito ay ang mga karaniwang negatibong rason at negatibong epecto sa wattpad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panitikang Wattpad Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon