©•Chapter 2: Nathan Rivas•©

1 1 0
                                    

|•Kate Pov•|

Maaga pa lang nagising na ako ewan ko kung bakit pagkatingin ko sa orasan nakita ko na it's almost 5:45 in the morning i feel sleepy pa rin. Bumangon agad ako at dumiretso sa banyo. Ngayon ko lang napansin na wala atang bumubulabog para lang magising ako. Nevermind.

Maya maya lang lumabas agad ako ng banyo at nagbihis na rin ng uniform ng CU. Pababa pa lang ako naamoy ko na agad ang mga niluluto ni manang.

Pagkababa ko ay hindi ko nadatnan si kuya na nakupo agad at kumakain na. Sa aming dalawa siya kasi ang nauunang nagigising parang alarm clock ko na nga yan eh.

{"Good morning Kate!!!"} masayang bati saakin ni manang habang inihahain niya sa mesa ang mga pagkain na niluluti nila. Ngayon ako na naman magisa na kakain hayy buhay nga naman.

{"Oh bakit biglang lumungkot ang mukha mo kate? Kung iniisip mo na ikaw lang ang kakain magisa, sasamahan kita malungkot kung ikaw lang kakain"} dahil sa sinabi ni manang ngumiti ako ng malapad at niyakap siya. {"Thank you manang!!!"} masayang sabi ko at nagsimula nang kumain.

{"Teka manang asan nga po pala si kuya? Di ko siya nakita ngayon ah?"} tanong ko kay manang habang kumakan. Sarap talaga ng niluto nila manang and favorite ko rin toh eh.

{"Nakita ko kanina kuya mo na maagang umalis mukhang nagmamadali nga eh di ko rin alam kung saan pupunta eh"} mahabang sabi ni manang himala ang aga umalis ni kuya. Saan kaya yun pupunta? Nagkibit balikat lang ako dahil sa naisip ko.

Maya maya lang natapos na rin kaming kumain tinulungan ko na rin si manang mag ligpit ng kainan since maaga pa naman. After non nagpaalam na ako kay manang na pupunta na ako sa CU. Sumakay na ako sa kotse ko at bumiyahe na ako papunta sa CU.

Di ko namalayan na nakarating na ako dito sa CU humanap agad ako ng parkingan at swerte nga naman may nakita agad ako. Pinarking ko kaagad ito at lumabas na, pagkalabas ko nagsimula na naman nagbulungan na naman ang mga tao habang dumadaan ako. Tumahimik nalang ako.

{"Kate!!!!"} nagulat ako dahil may tumawag ng pangalan ko, hinanap ng mata ko kung sino ang tumawag at ayun nakita ko si ayen na ang bilis tumakbo. Juskopo. Hindi ko namalayan na andito na siya sa harapan ko na hingal na hingal grabe naman kasi siya tumakbo. Natawa nalang ako sa pinagagawa niya.

{"Oh? Anyare sayo? Ang bilis mo tumakbo ahh? Parang singbilis ng kabayo ahh pfft"} natawa nalabg ako sa sinabi niya nagpout naman siya so cute. Inakay ko naman siya papunta sa malapit na upuan para makapagpahinga ang bilis kasi tumakbo eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PLEASE, Come BackWhere stories live. Discover now