Love is patient, love is kind.
Di ko lubos maisip kung bakit sa isang babaeng katulad niya ang aking magugustuhan. Dakilang kontrabida ng aking buhay, wala akong ginagawa parating galit, di ko alam kung bakit matindi ang galit niya sa akin. Ako nga pala si Russell, simple lang naman ang buhay ko noon, chill af, parating nagsasaya, parang walang problema, ngunit sa totoo lang magaling akong magtago ng problema pati rin ang nararamdaman. Sa totoo lang maraming mga babae na ang dumating sa aking buhay, akala ko sila na yung para sa akin ngunit hindi, mga pangakong napako dahil sa pag-aakalang magiging kami ngunit sa huli ako lang yung nanatiling nakatayo at iniwan sa ipinagsantabi. Pagkakamali ko nga nung hindi ko sinabi ang totoo kung nararamdaman, WALA NA, ngunit takot akong makasakit ng tao kaya't ipinagpatuloy ko pa at sa huli ako'y nilisan.
Si Celly, siya!, siya nga yung babaeng napakanega, lahat ng ginagawa ko kontra siya, matingding galit ang dala-dala niya sa akin na hindi mawala-wala simula pa nuong kami ay nasa sekondarya pa. Sabi konga hindi ko inakalang iibigin siya, sa totoo nga ako yung unang nahulog sa kanya ngunit pagkakamili ko'y isinantabi ko yon dahil ayaw kong makasakit ng iba.
Ngayon kami'y mga guro na, labis na galak ang aking nadama dahil kami'y nagkatuluyan. Di madali ang aming pinagda-anan, isa na dun yung panahong hindi niya ako mapaniwalaan. Sa paaralang itong aming tinuturuan, ito rin ang lugar kung saan nagsimula ang lahat, ANG PAG-IBIG NA DI KO INAKALA.
Di ko inakala, na itong inis na aking nadarama ay mapapalitan ng saya, mga araw na kahit ako'y ina-away niya, pinipili ko parin ang makasama siya. Sa paaralang kung saan nag-aaral kaming dalawa, huling taon na namin sa sekondarya, syempre alam niyang may nararamdaman ako sa kanya, ngunit ang saya ko nung nalaman kong siya'y may nararamdaman din pala. Napakasarap sa pakiramdam yung mga bagay na di mo talaga inakala. Dahil sa kanya maraming pangyayari sa buhay na hindi ko naranasan ay naranasan kong kasama siya.
Habang kami'y nag-aaral noon, nakaplano na kami, na kaming dalawa ang magiging magkapares sa pananaliksik. Napaka hassle talaga ng pananaliksik, maghahanap ng datos, halos magdamagang nagtatype, nakatunganga sa computer, at halos wala ng tulog. Ngunit may araw na hindi kami magkasundo, minsan mali ang pag gawa ko ng isang parte ng pananliksik at siya'y nagalit sa akin, at sa kasamaang palad yung mismong araw na iyon ang deadline. Ang bobo ko talaga, tanga kung isipin, pasalamat na lang at natapos ko iyon, simula noon aay minabuti ko ng hindi magpakatanga sa gawain.
Mga araw namin ay napakasaya puno ng mga matatamis na ngiti at walang humpay na tawanan. Minsan pag may oras kami'y pumupunta sa mall, kumakain, nagliliwaliw, at puno ng ngiti ang mga labi. April 28, 2018, di ko malimutan ang araw na iyan, kakasweldo ko lang eh, sa summer job na aking pinsaukan. Syempre nilbre ko siya, at di ko malimutan ang pinakauna kong subok sa bump car, napakasaya namin ng araw na iyon, naglalaro sa arcade na parang mga bata, hahahahaha. Habang kam'y kumakain ako'y napakasaya, sa maliit na bagay na ginawa niya sa akin, siya lang naman mismo ang naglagay ng pagkain sa aking plato. Sarap balikan ng mga araw na iyon, nung masayang masaya pa kami ni Celly.
Ngunit, may malaking tanong ang bumabagabag sa akin, bakit lahat ng saya ay biglang naglaho? Bakit ayaw na niya, bakit sinabi niyang pag gising niya'y wala na lahat, wala na siyang naramdaman, panaganip lang ba ako sa kanya o sadyang isang bangungot na gumising sa kanya?
Sa paaralan, hinabol ko siya at nagtanong.
Celly, Celly, ano ba bakit wala na? Anong ibig sabihin nito, akala ko ako na, akala ko mahal mo ako?
Russell, sagot ni Celly, oo minahal kita, minahal kita Russell, ngunit sakal na sakal na ako, sakal na sakal na ako sa mga pinaggagawa mo, nagseselos ka lang bigla-bigla, nap aka OA mo kung kumilos, sabi mo naiintindahan mo ko, ngunit bakit? Ayoko ng nasasakal ako, at alam mo nagsisi ako kung bakit pumasok ako sa ganitong sitwasyon.
Ng marinig iyan ni Russell, na alala niya lahat-lahat, lahat ng mali niyang na gawa ang mag selos, kahit sa mismong mga kaibigan ni Celly pinag selosan niya. Naging napakulit, gusto lahat alam ang ginagawa ni Celly, kung maka chat o mag text napakarami, aka ni Celly galit na ako. Oo nga hindi ko siya naintindihan, hindi ko rin naintindihan kung ano kami, hindi pa pala kami.
Minsan ako'y kanyang sinabihan.
Russell, huwag kanang umasa pa, hindi na ikaw, hindi na rin mangyayari lahat ng mga plano mo, huli na iyong nagsama tayo sa mall, hindi na natin ma aakyat ang belfry ng simbahan, hindi ikaw yung tao gusto ko papuntahin sa aming bahay, at may panata na ako na hindi magiging tayo. Kaya't huwag kanang maghintay, huwag ka ng maghintay dahil masasaktan ka lang.
Sa kabila ng kanyang sinabi aking napag desisyonan, ang mahali siya, pinili kong mahalin siya, at dahil mahal ko siya, susuportahan ko kung ano man ang gusto niya. Sabi niya kaibagan lang kami, at tinanggap koi yon, ngunit di ko matanggap na wala na siayng nararamdaman sa akin, dahil alam ko, alam na alam ko, na meron pa, na meron pang natitirang ako sa puso niya, kahit katiting man lang, kayay;t di ko magawa ang iwanan siya. Gaano man kasakit ang mga sinabi niya, patago man akong naghihintay sa kanya, mahal ko siya, piliin man niya ay iba, kung saan siya maligaya susuportahan ko siya, kung nais manyang balikan ang aming pagsasama, mga plano at pangarap na binup nming dalawa handa ako tanggapin siya. At bilang paghahanda, ako parin yung lalakeng kinaiinisan niya, ngunit ako rin yung lalakeng hindi na magiging kakasakal-sakal, mas uunawain ko pa siya at iintindihin, upang sa tamang panahon, marinig ko na kanyang sasabihin MAHAL KITA, mula sa kanyang mga labi.
Ilang taon ang lumipas, at di ko inakala, na miibsan lahat ng pagkamiss ko sa kanya, mga gabi at umagang usapan na matagal ko ng di naranasan, mga pag-aasar niya, ang kanyang boses na napakaganda tuwing kumakanta at pati rin ang boses niya pag tuwing ako ang pinapagalitan niya. Akala ko di ko na muling mararanasan ito, ang maramdaman ang pagmamahal na di ko inakala. Sa mga taon na ako'y naghihintay at naghahabol sa kanya, muli niyang pinansin at tinanggap ang pag-ibig ko sa kanya. Ako na ang pinakamaswerte nilalang sa mundo dahil nakilala ko siya. Sa lahat-lahat siya ang natatangi kong una, una kong nilutuan, una kong nagging ka date, una ko niluhudan, unang babaeng aking ipanakilala, at ang una kong kasintahan.
Nagbalik siya at ngayon kami'y mga guro na, sa mismong paaralan kung saan ang nagsimula ang pag-ibig na ko inakala. 1Corinthians 13:4-7. Mahal na mahal ko siya at di ko na muling sasayangin ang mga oras na kasama siya. Kaya't hanggang sa pagtanda magkakasama kaming dalawa, dahil parati kung pipiliin ang mahalin siya.
YOU ARE READING
Corinthians
Short StoryA story of love, hope, and patience of a guy who loves the girl beyond the boundaries.