"Aya.. Aya.. Ayaaaaaaa.."-napapitlag ako dahil sa malakas na pagsigaw ni Kleng.
"B—bakit?"-nagtataka kung tanong dito ng mautahan ako sa pagkatulala ko.
Kleng is my best friend and business partner. Event organizer kami any kinds of party name it we can organize it on time.
"Ano te tulaley na naman? Ikakasal kana remember hindi mo na kailangang isipin pa yang lalaking yan."-asik nya ng hablotin ang magazine na hawak ko.
Bachelor Mc Ashton Bustarde is getting married...
Iyon ang nakalagay sa headline ng isang magazine. Ilang buwan na ba six months to be exact pero parang kahapon lang nangyari yun. Until now bumabalik parin sakin ang lahat.
"He's getting married na baks. Ikaw next year pa sya this year. Nagmamadali lang."-dinig kung komento ni Kleng. Napakibit balikat nalang ako.
Its in the past now.. Hindi na kailangang balikan o isipin pa. Unfair sa taong nagmamahal sakin. Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Kasi kahit gaano ko pa ipagkaila pilit bumabalik ang sarili ko sa araw na yun.
"Wala na bang kulang sa party bukas ni Mrs. Santos?"-tanong ko dito sa surprise birthday party bukas.
Simula ng makabalik ako from my so called vacation but it ends to be disaster. Marami ng trabahong itinambak sa akin si Kleng. Para daw maging abala ako at hindi maisip yung nangyari. Noon hindi ko naiisip na tama yung ginagawa nya panay lang reklamo ko. But right now, totoo ngang kailangan ko ito. Mapagod mastress at maging busy para hindi ko sya maalala.
| • | • | • | • | • |
"Mommy one week lang ako doon sa barko. Kung pagdalhin nyo naman ako ng mga gamit parang ayaw muna akong pauwiin."-sita ko dito ng makita ang iba pang maletang pinapalabas nya.
"Oo nga naman dear.. Tama na yung mag-aasawa sya pero wag mo namang palayasin."-dag-dag ni Daddy kaya nagtawanan kaming dalawa na ikinasimangot naman ng Nanay ko.
"Iha gusto ko lang siguradohin na wala kang makakalimutan."-ingos nya bago pinabalik sa kasambahay ang ibang gamit ko.
Im going on a vacation.. One week na maglalayag ang barkong sasakyan ko. Pero ang alam ko hindi naman ito lalayo. Around Asia lang ang iikotan nya kaya saglit lang ang biyahe. Noong una ayaw nila akong payagan delikado daw kasi lalo na malapit na ang kasal ko at hindi kasama si Clint. Ang mapapangasawa ko. Ayos lang naman sakin mag-isang magbyahe lalo na lagi namang wala si Clint. Masyadong abala sa mga negosyo ng pamilya nila.
"Baks ingat ka dun ah! Tsaka pasalubong don't forget."-bilin ni Kleng bago ako niyakap.
"Iha wag kang magpapagutom doon. Kung may kailangan ka tumawag ka huh! Yung mga—"
"Mum.. Magbabakasyon lang ako kung makapagbilin ka naman wagas. Tsaka malaki na ako mag-aasawa na ako kung itrato mo naman ako parang bata."-angal ko dito. Sabagay hindi ko naman sya masisi lalo na ngayon lang din naman ako aalis ng mag-isa at medyo malayo pa.
Natatawa nalang na nagpaalam sakin ang Daddy ko. Samantalang yung artista kung ina ayun at nagiiyak na habang kumakaway. Binilinan ko na lang si Kleng na bisitahin lagi sila habang wala ako. At yung negosyo namin wag pabayaan.
Pagakyat ko sa barko dinala ko muna ang mga gamit ko sa cabin ko. Maganda naman ang loob niyon parang nasa hotel ka din. Kumpleto ang facility at maaliwalas. Pero mas gusto ko ang dagat kaya lumabas din agad ako para magikot-ikot.
BINABASA MO ANG
Five Days With Stranger (COMPLETED)
Romance(COMPLETED) Lying is beyond our control, making it a habit is a choice.