Limang taon na ang lumipas noong unang beses kitang makasabay sumakay sa jeep. Hindi ko naman ugaling tumingin sa mga tao sa loob ng jeep pero ewan ko ba kung bakit nung araw na yun tiningnan ko isa isa ang mga nakasakay hanggang sa tumigil sayo ang tingin ko nakanganga kapa kasi habang natutulog mukha kang pagod. Pinigilan kong matawa dahil baka maweirdohan sakin ang mga tao kapag nakita nila akong tumawa.Araw araw nakakasabay kita hindi ko alam kung tadhana ba yun o nagkataon lang ang lahat. Pero sa araw araw na yun hindi ko akalaing magigising nalang akong inaabangan ang pagsakay mo sa bawat jeep na sinasakyan ko. Nageexpect na sana kahit minsan makatabi lang kita pero nakakatawa kasi sa araw araw na magkasabay tayong sumasakay ni minsan hindi mo naisipang tumabi sakin mas gusto mo yung magkatapat tayo o minsan mas malayo sakin. Hindi ko din alam kung saan ka bumababa dahil mas nauuna akong bababa kesa sayo. Pati nga pangalan mo hindi ko alam pero isa alam ko Engineering ang course mo dahil sa lagi kang may hawak na plates tuwing makakasabay kita sa jeep.
Nagtry ma din akong magsearch ng mga taong Engineering din ang course baka mutual ka nila pero wala pa din akong nakuha kung sino kaba talaga. Hanggang sa nakuntento nalang akong hintayin kang sumakay sa jeep na sinasakyan ko din.Pero hindi nga talaga siguro laging pabor sakin si tadhana dahil isang araw hindi na kita ulit nakasabay. Minsan nga hinhintay kita sa waiting shed nababakasakaling sumakay ka sa isa sa mga jeep pero hanggang sa abutan ako ng gabi wala ka pa din.
Nakakalungkot, siguro ito na yung way ni destiny para sabihin sakin na walang forever sa jeep hija.
Pero diba sabi nila ang love dumadating sa hindi mo inaasahang pagkakataon, sa hindi mo inaakalang panahon at sa di mo inaasahang tao.
Kasi wala namang specific na map kung nasaan yung taong para sayo dahil kung meron man malamang ubos na yun ngayon.Para sakin nahanap ko na siya. Oo sa jeep ang weird no?haha pero kasi wala naman yan sa kung saan kayo nagkita ang importante yung nararamdaman mo para sakanya at sa tingin ko habang patagal ng patagal na nakakasabay ko siya. Palalim din ng palalim yung nararamdaman ko para sakanya.
Dumaan pa ang isang linggo pero mukhang hindi na talaga pabor samin ang tadhana hindi ko na muli siyang nakasabay pa.
Kahit nga si manong driver na kilala ko dahil araw araw sa jeep niya ako sumasakay napapansin ang pagiging matamlay ko. Pati ang lagi kong pagtingin sa pintuan ng jeep."Oh Heaven mukhang may hinahanap ka ah?"
Napabalik lang ako sa realidad ng marinig ang boses ni Mang Lando ang suki kong jeepey driver.
"Ah- wala po manong" sabay ngiti ko sakanya.
Umandar na ang jeep. Napabuntong hininga ako dahil isa na naman ito sa mga araw na di ko siya makikita. Pero nagulat ako ng makita kong may humabol para sumakay at kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makilala kung sino yun. Si Mr. Engineering! Subalit agad ding nawala ang ngiti ko ng makitang may kasama siyang isang babae. Inalalayan niya itong pumasok at maupo sa upuan katapat ko bago siya tumabi dito at halos madurog ang puso ko ng makitang buntis ito. Hindi naman masyadong kalakihan ang tyan pero sapat na para mapansin ang umbok nito. Mukha silang masayang dalawa sa palagay ko sinamahan niya itong magpacheck up dahil hindi naman siya nakauniform ngayon. Napalingon ako ng malakas na tumawa yung babae habang sinusundot siya sa tagiliran dahilan upang siya ay mamula na tila nahihiya. Ang sweet bagay sila.
Umiwas ako ng tingin dahil alam kong ano mang oras ay tutulo ang luha ko. Ano ka ba naman Heaven ang tanga mo talaga maiinlove kana nga lang sa may asawa pa.
Ang tagal ng biyahe ito na ata ang pinakamatagal na oras na bumiyahe ako. Nakapikit lang ako nagkukunwaring natutulog para hindi mapalingon sa gawi nila at mas masaktan pa ng sobra. Halos takbuhin ko ang pintuan ng jeep ng makita kong huminto na ito sa crossing kung saan ako bumababa. Hindi ko na sila nilingon. Hindi ko na siya nilingon pa.