Prologue:

93 2 0
                                    


MALAKAS ang naging tahip ng aking dibdib, matapos kong simutin ang huling laman ng baso ng lambanog na kanina pa naming iniinom ng aking matalik na kaibigan.

Hindi ko kasi naiintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Para akong kinikilabutan na hindi ko malaman.

"Samuel, tama na iyang kakainom ninyo! Tingnan mo nga ang hitsura niyang si Danilo, napakaputla na! Akala mo ibinabad sa suka!"

Saway na paalala ng misis ng aking matalik na kaibigan.

Ngunit wala man lang akong narinig na kasagutan mula sa aking matalik na kaibigan. Kaya nang lingunin ko na ito ay napailing na lamang ako dahil kanina pa pala ito humihilik.

"Dumito ka na lang kaya muna matulog, Danilo. Masyado ng malalim ang gabi. "

Wika nito habang inaakay ang aking  kaibigan na kanina pa bagsak. Katuwang nito ang  anak na lalaki sa pagbuhat.

"Salamat, Salome. Pero kailangan ko ng umalis. Baka mapadaan si misis at masermunan pa ako kapag hindi ako naabutan n'on sa bahay. "

Mabilis kung tinanggihan ang naging alok nito sa akin. Tutal, kasama ko naman ang aking drayber.

"Hala, bumiyahe na kayo upang makarating agad." Pagtataboy agad  nito sa akin.

HABANG nasa biyahe ako ay hindi pa rin mawawala-wala ang kaba na aking nararamdaman. Idagdag pa na medyo hilo na rin ako dahil sa dami ng nainom namin ni Samuel kanina.

Napukaw muli ang aking atensyon ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kahit nanlalabo na  ang aking paningin dahil sa kalasingan  ay pinilit ko pa rin itong sagutin. Ang unang naiisip ko na tumawag ay ang aking misis, ngunit nagkamali pala ako.

Lumakas pa lalo ang kaba sa aking dibdib. At dahil dito ay parang  nawala bigla ang pagkahilo na aking nararamdaman. Napalitan ito ng pausbong na galit. Hindi ko rin napigilan ang pagtangis ng aking mga bagang.

"Jordel, pakihinto  muna ang sasakyan at magpalit nga  tayo  ng pwesto. "

Mahinahong utos ko sa aking drayber na halatang nagtataka sa aking sinabi  pero kaagad naman nitong sinunod ang aking  utos.

Hindi na ako lumabas ng aking sasakyan para lumipat sa drivers seat dahil sa mismong loob ng sasakyan na ako lumipat ng pwesto. Pagkalapat ng aking puwit sa upuan ay binuksan ko kaagad ang glove compartment, at kinuha  ang isang makapal na  plastic envelope, saka ko ito binigay kay Jordel.

"Ano po ito, boss?" Naguguluhang tinanggap nito ang plastic envelope.

"Gusto kong magpasalamat  sa naging serbisyo mo sa akin." 

Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntunghininga bago magsalita ulit. " Kaya mo bang magtago ng malaking sekreto?"

Kahit naguguluhan ay mahina naman  itong tumango at nagwika, " nasaiyo po ang aking buong katapatan, boss. Utang ko po sa inyo ang lahat. "

"Good. May ipapagawa ako sa iyo."  Mahinang saad ko rito. "  Gusto kong puntahan mo ang address na nakasulat sa labas ng plastic envelope na hawak mo. Ingatan mo ang laman niyan, ha. At kahit ano ang mangyari ay huwag na h'wag  mo itong ibibigay kahit kanino, maliban nalang sa mag-asawang Villalon at sa anak nito na inaanak ko rin. Pero huwag muna ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Basta... umalis ka na. "

Mahabang pagpapaliwanag ko rito. Masunuring naman itong tumango. Lumingon muna ito bago bumaba ng aking sasakyan.

"Mag-iingat ka po, boss..."

"Tawagan mo muna ang ma'am mo at papuntahin mo sa address na iyan. At ibigay ang sulat na ito." At nag-abot ako ng isang maliit na puting sobre dito.

Isang naguguluhan na pagtango lang ang tanging naitugon nito sa akin. Hindi na ito nag-usisa pa. Basta masunurin  lamang  itong umalis. 

FIELDS OF PLEASURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon