Love Affair

37 0 0
                                    

Sa buhay,  tayo ang gumagawa ng kahahantungan ng lovestory natin. kung ito ay gagawin nating mala-fairytale o telenobela.  Pero minsan tayo pala ang nagiging extra sa mga mala-fairytale lovestory ng ibang tao. 

Kagaya nalang ng lovestory ko..

Ung taong gusto ko ay may isang mala-telenobelang relasyon.   May karelesyon siya at matagal na sila, pero napakacomplicated nila.  Ako ang nagsisilbi nyang takbuhan sa tuwing sila ay may away o tampuhan.  Hindi ko mahulaan kung ano ba ang gusto nya iparating saakin,  kung para saan ba at gusto nyang magkaroon kami ng affair.  Mahal na mahal sya ng kanyang karelasyon at alam nya un.  Panakip butas ba ako o rebound,  o baka back up plan na kapag naghiwalay na sila ako ung ipapalit nya.  Pero paano kung hindi sya pakawalan ng karelasyon nya?  edi ako ang aasa sa wala.  Sa telenobela madalas o halos laging hindi naman nananalo ang kontrabida. Paano pa kaya sa totoong buhay?  Mananalo kaya ako?  Is this love worth fighting for?  Mahirap ipaglaban ang ibang tao kung siya mismo hindi ka maipaglaban.  Complicated pero gusto kong ituloy.  Baka naman may pag-asa kami?  Naguumpisa palang naman kami eh.  Pag nalampasan namin itong lovestory na You and me against the world na to masasabi naming maguumpisa na ung tunay naming pagmamahalan. 

All about LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon