"Good morning sir!" Bati ng estudyanteng nakasabay ko sa paglalakad. Yung pisngi ng estudyante parang sinampal kabilaan eh sobrang kapal ng blush on.
"Ang hot ng new PE teacher oh! Balita ko, sya ang Head ng buong faculty sa PE." Rinig kong usap-usapan ng ilan pang nakasabay ko sa corridor.
"Gosh! Sana sya maghandle sa'tin!!! Crush ko na sya girls!"
"Ako din! Look babalik sya feel ko may type sya sa isa satin!!!"
Nakakairita naman 'tong mga babae na 'to. Hindi magsipag-aral.
"Hey transferee girl, what are you looking at?"
Nagbalik naman ako sa sarili, tinitigan ko na pala yung mga babae. Sobrang obvious din naman kasi ng actions ko, I suddenly stop from walking at tumayo nalang para lang titigan sila.
"Wala." Simpleng sagot ko na may pag-irap at tumalikod na.
"Hi sir! Did you forgot something?" Rinig ko pa rin yung boses ng isa sa kanila.
"Ah yes, excuse me."
Nilingon ko sila. Mukhang hinarang pa nila eh.
Dali dali na rin akong naglakad papunta sa room ko.
Yes, I'm new here. Transferee ako. Na kick-out ako sa University na pinapasukan ko before. Confidential ang reason. I'm Lim Yoonhee, second year college student.
"Good morning class!" Bati nito sa amin. Tahimik ang buong klase ng magsalita sya. Kanina kasi may nagbabatuhan pa ng crumpled paper. May nambubully sa isa pang transferee. May nagliligawan, at may mga nagkukwentuhan ng kalandian.
"I'm the new Head of PE Faculty. I chose to handle your block too, isang klase pa lang ang hawak ko for now, mag-aadjust muna ako. As a Head and your teacher, I want all of you to cooperate pagdating sa mga exercises natin. Ayoko ng maarte pagdating natin sa field by next meeting. Ireresume lang natin yung mga ginagawa ng dati nyong instructor." Dagdag nito.
"Anong nangyayari dyan sa likod?" Napansin nya yung kaninang bully sa bandang likuran.
Naglingunan ang buong klase sa likod, nakita ko ang transferee at isang malaking lalaki na magkatabi, tuloy ang pambubully nito sa bagong estudyante.
Sa isang iglap tumigil ang lalaki sa pamimilit nitong kuhain ang wallet ng transferee nang magsalita na ito sa kanila.
"Titigilan mo yan o bibitbitin kita palabas ng room?" Banta nito sa lalaki.
Agad naman nitong binitawan ang wallet na kinukuha at ibinalik na sa babae. Yumuko sa kanya yung babae bilang pasasalamat yata.
Naglakad na ito pabalik sa harap.
"Trying to become a hero tss." As I smirked.
Natigil sya sa paglalakad at bumalik.
"May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay nito.
Narinig nya pa yung sinabi ko? Aish.
"Oo!" Napatayo pa ako nang sagutin ko sya. Bigla ko rin namang narealize na mali ang ginawa kong pagsagot ng maglingunan na sa amin ang klase.
"W-wala pala sir. Sorry po." Dahan-dahan akong umupo. Unti-unti ring nawala ang mga mata ng mga kaklase ko sa amin nang bumalik na ito sa harap at di na ako pinansin.
"Early dismissal tayo class, and you, Ms. Lim come to my office."
Binuhat na nito ang gamit at lumabas na sa room. Bulungan naman agad ang mga kaklase ko. Yung iba ako talaga ang topic nila, sila yung tatlong babae kanina sa corridor.