Sa isang hapon kung saan ay nasisilayan pa ng matirik na ilaw ng araw ang dagat ng San Poci ay may isang lugar sa ilalim ng dagat na nagngangalang Uthse kung saan ay may nakatirang isang pagong. Ang pagong na ito ay mag-isa lamang na nakatira dito. Mag-isa lang siya dito dahil palagi siyang lumilipat ng lugar na tinitirhan.
Ang pagong ay nagngangalang Pete. Si Pete ay naghahanap na naman ng bagong lugar na pwedi niyang matirahan maliban sa dagat ng San Poci. Kung saan nababagot at naiinip kasi siya doon. Dahil mag-isa lang siya, walang kasama, walang kausap, wala lahat.
Kaya isang umaga habang palakad-lakad si Pete sa may dalampasigan upang maghanap ng bagong lugar ay bigla siyang may narinig na mga ingay at mga utos na nagmumula sa ilalim. Kaya palingon-lingon siya kung saan ito. Hindi niya nakita kaya naglakad na lamang ulit siya. Kaso narinig na naman niya ang maraming boses yung tipon parang nagpupulong at nag-uusap usap kamo.
"Nasaan kaya yun?" sabi ni Pete sa isipan niya
Kaya patuloy ulit na naglakad si Pete. Habang siya ay naglalakad siya rin ay patingin-tingin at pasulyap-sulyap sa paligid. Nagbabakasakali na may makita na siyang pwedi niyang maging bagon tirahan.
"Sana naman ang makita kong bagong tirahan ay may makakasama na ako." sambit ni Pete sa kanyang isipan
Patuloy pa rin na naglakad sa dalampasigan si Pete nang marinig na naman niya ito ulit, ang mga ingay. Kaya huminto siya at pinakinggan kung saan ito nanggagaling.
"Mukhang nasa ilalim to, hmmmm nakabaon yata" sinasabi ni Pete sa kanyang isipan
Kaya dali-dali siyang lumuhod at idinikit ang kanyang tenga sa buhangin. At narinig nga niyang may nangyayari sa ilalim ng buhangin. Kaya naisipan niyang maghukay sa kabilang dulo upang doon siya pumasok.
*naghukay*
Nang matapos na siyang maghukay at nasa ilalim na rin siya ng buhangin ay dahan-dahan siyang gumagalaw papunta sa kung saan niya narinig ang mga ingay. Kaya pinakinggan niya talaga ito ng mabuti. At habang nakikinig ay gumagalaw rin siya. Kalaunan sa kanyang paghahanap ay mas naririnig na nga niya ang mga boses mas lumalakas at mas naririnig na ito. Kaya patuloy siyang naglakad dahil mukhang malapit na nga siya.
At ilang minuto ang lumipas sa paghahanap at pakikinig kung nasaan nga nanggagaling ang mga ingay na ito ay sa di malayong dapit ay natagpuan na nga niya ito. Mga langgam na mukhang may pinagkaka-abalahan. Masyado silang abala sa kanilang ginagawa kung kaya't ay di nila napansin na si Pete ay nasa bandang likuran lamang.
Si Pete ay nagtago sa may likuran at patuloy na minamanmanan ang ginagawa ng mga langgam na ito. Mabilis kung kumilos ang mga ito at tahimik rin. Trabaho kung trabaho.
"Bilisan niyo ang inyong mga kilos" sabi ng isang langgam na may matapang at tunog autoridad kung magsalita
"Opo, punong-tagapamahala" sagot naman ng isa sa mga langgam na nagtatrabaho roon.
Black ang pangalan ng punong-tagamapahala ng mga langgam na ito. Siya ang nagbibigay instruksyon kung ano ang gagawin at dapat na gawin ng iba pang mga langgam. Siya kasi ang may tapang na kayang mamahala ng iba. Si black ay may dalawang-daang miyembro sa gawaing ito. Ngunit patuloy rin silang nanghihimok at nanghihikayat pa ng iba pang mga langgam maging kasapi nila. At sumali sa kanilang ginagawa.
Ang lahat ay nagmamadali sa pagtatrabaho dito. Yung tipong akala mo mauubosan na ng oras ba kamo. Kaya si Pete ay mas lumapit pa ng kaunti upang makita kung ano nga ba itong ginagawa nila at bakit ba ang busy-busy ng mga ito. Sa dahan-dahang paglapit ni Pete ay nakita niyang para bang may bagay silang pinagtutulongan na maiabot hanggang sa langgam na nasa pinakadulo na siyang naglalagay sa lalagyan ng bagay na ito.
BINABASA MO ANG
Ang Naligaw Na Pagong
AdventureAng pagong na palipat-lipat ng tirahan ay napunta kung saan-saan. At isang araw tuluyan itong napadpad sa ilalim ng buhangin. Buhanging malinis ang dating sa ibabaw, nakakapang-aaya kung kaya't pinasok ito ng pagong. Ngunit iba pala ang nasa ilalim...