Mag-isa.
'Yan ang natatanging pwedeng i-describe sa akin.
Mag-isa na ako sa buhay or should I say ulila.
My parents died when I'm 18 years old.
Sa Canada sila namatay. Hindi ko alam ang tunay na nangyari.
Mag-isa ako sa buhay pero meron naman sa aking gumagabay.
Ang aking kaibigan, si Sheila.
Isang mabait na kaibigan na laging maasahan.
Isa akong simpleng babae at wala naman sa aking espesiyal. Masaya na ako sa simpleng bagay basta may effort.
Mababaw ako. Mababaw ang kaligayahan at mababaw rin ang luha ko.
Mahina ako, actually. Mababaw rin ako sa pag-ibig. Madali akong mahulog.
Ngunit...
Wala namang sumasalo..
I'm Charen Antonio.
Sa pangalan palang, wala ng espesiyal.
Alam kong nasasawa na kayo sa mga pakilala na 'yan. Kaya, hindi ko na isasabi ang atittude ko.
Malalaman niyo na lang sa mga pinapakita ko.
Hindi ako maarte tulad ng mga ibang babae.
Hindi ako mapili. Kuntento na ako sa kung anong meron sa akin.
Wala pang nagkakagusto sa akin.
Ay mali!
Meron pala. Yung ex ko.
Tama na ang pakilala. At mapapagalitan at masesermonan na naman ako ni Sheila.
"Bess! Ang tagal mo! Haggard na ako kakahintay dito sa Tindahan na 'to!" Maarteng saad nito na tinitingnan ang ktawan na akala mo'y nadumihan.
Kinuha niya ang kaniyang perfume at in-spray sa katawan niya.
Napa-atching ako dahil sa pagkatapang nito.
"Ano ka ba! Ang arte mo!" tiningnan ko ang relo ko na binili ko lang sa palengke. "Alam mo bang 5 minutes lang ang tinagal ko??"
"Sayang ng oras atsaka, ang ganda ng suot ko para dito."
Tiningnan ko siya.
"Hehe, joke lang!" Bawi nito.
"Alam mo? Katulad kita, ulila, at mahirap."
"Oo na. Gusto ko lang maranasan ang maging mayaman bess."
Tiningnan ko siya nang nakakunot ng noo. "'Di ka pa ba kuntento sa kung anong meron ka?? Atsaka, saan galing 'yang perfume mo?"
"Ahh," kinuha niya ang perfume. "Eto ba? Regalo 'to ni tita."
Tumango na lang ako.
"Tara na, may gagawin pa tayo."
LIMANG minuto na, pero ang tagal ni Sheila. Sabi niya magsi-cr lang siya.
Nasa mall pala kami. Treat niya daw kasi. 'Di ko alam kung saan galing yung pera niya pero galing daw sa tita niya.
Tumitingin ako sa paligid nang biglang...
"Aray!"
Napa-atras ako nang bigla akong nabangga.
Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha.
"P-pasensiya na.."
"Pasensiya??"
Napayuko ako sa kaba. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya.
Lumapit siya at hinawakan ako sa kamay na kinabigla ko na kaagad niyang hinila palapit sa kaniya.
"B-bakit?" Kinakabahang tanong ko.
"Hindi ako humihingi ng pasensiya, magkikita pa tayo..."
PAGKATAPOS nang nangyari kanina, 'di ko alam kung pano ako nakauwi.
Nakatulala ako. 'Di ko maiwasang kabahan.
Nandito ako sa bahay namin na iniwan sa akin nila inay at itay.
"Hoy, Charen!" Sampal ko sa sarili ko.
"Bakit naman ako matatakot sa kaniya?? Ha! Akala niya ah?"
Pumunta na ako sa kusina nang makitang alas onse na pala.
Pagkatapos kumain pumunta ako ng kuwarto upang tapusin ang report ko.
*Ring*ring*
Napatingin ako sa cellphone kong iniwan rin ng magulang ko.
"Charen!"
Bunganga ni Sheila ang bumungad sa akin. Di man lang bumati.
"Di na ba uso sayo ang bati? Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw ah?"
"Aba! Ikaw ba? Bakit bigla-bigla kang umaalis??" Tanong nito na ikinatigil ko sa pag-type sa luma kong laptop. "Oh? Ano ngayon? Inuwan mo ko sa mall! Umihi lang ako!"
"Hoy, for your information. Umihi ka ba o tumae? Ang tagal eh. Alam mo bang 3 oras akong naghintay?!" Irita kong sagot.
"Ano?!"
"Hwag ka munang tumawag!! Istorbo ka!"
Pagkatapos kong i-end ang call, diretsong off ng cp.
Ayoko ng istorbo kung may gagawin ako.
Nang maisipan kong buksan ang cp ko dahil sa boring, nagulat ako nang biglang may lumabas na Unknown Number.
Napakunot ako ng noo.
Ako ang taong laging nacucurious. Kunh patatagalin ko yun, mamatay ako sa pagtataka.
Sinagot ko ito.
"Hello? Sino 'to?" Sagot ko.
".........."
Aba! Niloloko ata ako nito.
"Hoy! Kung niloloko mo lang ako, tumigil ka na!"
Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla itong magsalita.
"Hershey.."
Kinalibutan ako.
"J-Jade??"
"Buti naaalala mo pa ako..."
Di ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko nang marealize na ang dati kong minahal. Na ang EX ko ang kausap ko ngayon.
"A-anong k-kailangan mo?"
Bumuntong-hininga ito. "Gusto kitang makita, gusto kong bumalik tayo sa dati---"
"Ano?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Pagkatapos ng pang-iiwan mo?! Bigla ka na lang sisipot tapos sasabihing bumalik na tayo sa dati?!"
In-end ko na ang call bago pa siya sumagot.
Habang naka-upo ako ay sobrang-sobra ang galit na inilabas ko.
*Ring* ring*
"Ano ba naman yan!! Di ba talaga siya titigil!!"
Sinagot ko ito. "Di ka ba talaga titigil sa pangungulit Jade?!?!?!"
"...Charen.."
Napaupo ako nang ayos nang marealize na hindi si Jade ang kausap ko. Then, sino?
"Sino to?"
Ramdam ko ang pagngisi niya na ikinakilabot ko.
"Sabi ko naman sayo, di pa tayo tapos.."
What?!?! Yung guy kanina?!?!?!
Patay ako neto!!!!!!
A/N: Patuloy po sana ang pagsuporta niyo sa akin.
YOU ARE READING
Rear
Romance"Once you look at me, you're officially MINE.." -Alessandro Bautista "'Di naman ako maganda para magustuhan ng isang katulad mo. Dahil unang-una palang, wala na akong panama sa mga naging babae mo.." -Charen Antonio