Merliah P. O. V
"Isang napaka gandang umaga sa inyong lahat mga manok, mga kambing at mga baboy. Ito na yung huling araw na pag papakain ko sa inyo. Aba, nagugutom na ang mga anak ko. Mga Babies, don't cry na nandito na si mommy nyo. Syempre sarili ko dito ang tinutukoy ko. Ako lang naman yung nag iisang tao na kumakausap sa mga hayop na ito. Kainis naman kasi si nanay eh! Ang aga akong ginising para magpakain ng mga patay gutom na mga hayop na ito sa likod ng aming mansyon este mansyon mansyonan naming bahay. Syempre no! Hindi naman masamang mangarap ng gising
kahit na bahay kubo lang ang bahay namin feeling ko sa mansyon ako nakatira. Palakasan nalang yan ng imagination."Dali - dali kong binigyan ng kanilang pagkain ang mga pinaka mamahal namin na mga alaga dahil nakakainis nang pakinggan ang oink oink ng mga baboy at ang meee meee ng mga kambing. Matapos ko silang bigyan ng kani-kanilang pagkain. Aba, ang mga baboy hindi pa makontento sa pagkain nila. Gusto pa nilang kumain dahil iyak pa rin sila ng iyak. Hay naku! Hindi na nahiya ang mga baboy na ito sa katawan nila. Matapos ko silang bigyan ulit ng kanilang pagkain, pumasok na ako sa bahay at nag empake ng aking mga gamit dahil pinapalayas na ako ni inay at ni itay sa aming mansyon. Hahahaha! Syempre joke lang yun! E mahal na mahal ako ng mga magulang ko, magagawa ba naman yan nila sakin? Syempre mag eempake na ako dahil luluwas na ako sa Maynila at doon na ako magpapatuloy ng kolehiyo. Wala kasi ditong University sa aming probinsya hanggang hayskul lang ang mga paaralan dito sa amin. Bakit ba naman kasi dito pa naisipan ni inay at ni itay tumira sa probinsya na ang hirap hanapin sa mapa ng Pilipinas. Napakalayo namin sa sibilisasyon kahit kasama mo pa si Dora sa paghahanap ng probinsya namin for sure maliligaw pa rin kayo. Walang magagawa ang I'm The Map, I'm the Map na yan.
Patapos na ako sa pag eempake nang pumasok si inay at itay sa aking kwarto."Anak? Tapos ka na ba sa pag eempake ng mga gamit mo?" Tanong ni itay na may himig ng pagkalungkot sa kanyang boses.
"Opo, itay. Tapos na po, kayo nalang
po ni inay ang hindi ko pa nalalagay sa maleta," pagbibiro ko kay tatay para mawala ang lungkot niya."Hay naku Merliah, siguradong hindi kami kakasya ng itay mo sa maleta, sa taba ba naman nyan?" pabirong sabi ni inay na tuluyang nagpatawa sa aming tatlo.
Alam ko na malulungkot ang mga magulang ko dahil mapapalayo ako sa kanila pero kailangan ko talagang lumuwas sa Maynila para mag-aral para sa aming tatlo. Para mabigyan ko naman sila ng magandang buhay na deserve nila.
Nakita ko si inay na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at bumabadya na ang pagpatak ng kanyang luha sa kanyang mga mata.
"Inay, ano ba naman kayo? Wag ka nang umiyak uuwi rin naman ako kapag magbakasyon." pagpapakalma kong sabi.
"Ma mimiss ka lang kasi namin anak, dahil wala na ang prinsesa namin dito sa bahay." Malungkot na sagot ni inay.
"Ano ka ba, Flor? Tigilan mo na ang pag iyak mo dyan at baka hindi pa matuloy ang pagluwas ni Merliah sa Maynila," saad ni Itay na may namumuong luha rin sa kanyang mga mata.
Maiiyak na sana ako sa eksena pero, nagpakatatag nalang ako para sa aming tatlo at dinaan na lang sa biro ang eksena namin ngayon. Ano ba naman kasi itong mga magulang ko, daig pa sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa pag arte.
"Inay at itay, pwedi ba wag na kayong umiyak? Sa Maynila lang ako pupunta at hindi sa Amerika, at kung pwede e reserve nyo nalang yan muna ang mga luha nyo kapag nabuntis ako nang maaga na imbes diploma, bata ang binigay ko sa
inyo." Pagbibiro ko sa kanila." Okey lang na magka apo kmi agad ng maaga anak, basta gwapo lang ang ama." Patol ni inay sa aking biro.
"BAsta anak, wag mong pabayaan ang sarili mo ha? Palagi mong tandaan ang mga payo ko sayo. Palagi mo kaming tawagan ng inay mo para hindi kami mag aala lala sa iyo." Ani itay.
"Opo, itay ."Tatandaan ko po yan.
Ang tagal naman ng Bus na sasakyan ko papuntang Maynila. Magdadalawang oras na kmi na naghihintay nina inay at itay dito sa Bus Terminal. Walang humpay ang pagpatak ng mga luha sa mata ng aking ina at matamlay pa sa patay ang mukha naman ng aking ama. Hindi ko sila masisisi kung bakit ganito ang reaksyon nila. In my 16years Of existence sa Earth, Ito kasi ang kauna unahang pagkakataon na magkakalayo kaming tatlo. Ako naman, kanina ko pa pinipigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nawala ako sa aking pagmumuni muni nang paparating na ang Bus na sasakyan ko. Nagpaalam na ako kina inay at itay, niyakap ko sila nang sobrang higpit at sa paghakbang ko paakyat sa Bus, hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Next chapter naman sa susunod😊 Ipagpapatuloy ko ito kung mayroong magbabasa... Just leave your comments guys😊