CHAPTER 1

0 0 0
                                    


          
Merliah P. O. V
"Isang napaka gandang umaga sa inyong lahat mga manok, mga kambing at mga baboy. Ito  na  yung huling araw  na  pag papakain ko sa inyo. Aba, nagugutom na  ang  mga  anak  ko. Mga Babies, don't cry na nandito na  si mommy nyo. Syempre sarili ko dito ang tinutukoy ko. Ako lang naman  yung  nag iisang tao na kumakausap sa mga  hayop  na ito. Kainis naman kasi si nanay eh! Ang aga akong ginising para magpakain ng mga patay gutom na  mga  hayop na ito  sa likod ng aming mansyon este mansyon mansyonan naming bahay. Syempre no! Hindi naman  masamang mangarap ng gising
kahit  na bahay kubo lang  ang  bahay  namin feeling ko sa  mansyon  ako  nakatira. Palakasan nalang  yan ng  imagination."Dali - dali  kong  binigyan  ng  kanilang  pagkain ang  mga  pinaka  mamahal  namin  na  mga  alaga dahil  nakakainis  nang  pakinggan ang oink oink ng  mga  baboy  at ang meee  meee  ng  mga  kambing. Matapos  ko  silang  bigyan  ng  kani-kanilang  pagkain. Aba, ang  mga  baboy  hindi  pa  makontento  sa  pagkain nila. Gusto pa  nilang  kumain  dahil  iyak  pa rin sila  ng  iyak. Hay  naku! Hindi  na  nahiya  ang  mga  baboy  na  ito  sa  katawan  nila. Matapos  ko  silang bigyan ulit  ng kanilang  pagkain, pumasok na  ako  sa  bahay at  nag  empake ng  aking  mga  gamit dahil  pinapalayas  na  ako  ni  inay  at  ni  itay  sa  aming  mansyon. Hahahaha! Syempre  joke  lang yun!  E  mahal na mahal  ako ng  mga magulang  ko, magagawa  ba  naman yan  nila  sakin?  Syempre  mag  eempake  na  ako  dahil luluwas  na  ako  sa Maynila at  doon  na  ako magpapatuloy  ng  kolehiyo. Wala kasi  ditong  University sa aming  probinsya hanggang hayskul lang ang mga paaralan dito  sa  amin. Bakit  ba  naman kasi dito  pa  naisipan  ni inay  at  ni  itay  tumira  sa  probinsya  na ang  hirap  hanapin  sa  mapa ng  Pilipinas. Napakalayo  namin  sa  sibilisasyon kahit  kasama mo  pa  si  Dora  sa  paghahanap  ng  probinsya  namin  for  sure  maliligaw  pa  rin  kayo. Walang magagawa  ang  I'm  The  Map,  I'm the Map  na  yan. 
Patapos na  ako  sa  pag  eempake  nang  pumasok  si  inay  at  itay  sa  aking  kwarto.

"Anak? Tapos ka na  ba sa  pag  eempake  ng mga  gamit  mo?" Tanong ni itay  na  may  himig ng pagkalungkot sa  kanyang  boses.

"Opo,  itay. Tapos  na  po, kayo  nalang
po ni inay  ang hindi  ko  pa  nalalagay  sa  maleta," pagbibiro  ko  kay tatay  para mawala ang  lungkot niya.

"Hay  naku Merliah, siguradong  hindi  kami  kakasya  ng  itay mo  sa maleta,  sa taba  ba  naman  nyan?" pabirong  sabi ni  inay na tuluyang  nagpatawa sa  aming tatlo.

Alam ko  na  malulungkot  ang mga magulang  ko  dahil  mapapalayo  ako  sa kanila pero  kailangan ko  talagang lumuwas  sa  Maynila para  mag-aral  para sa  aming  tatlo. Para mabigyan  ko  naman sila  ng  magandang  buhay  na  deserve nila.

Nakita  ko si  inay  na  nawala  ang  ngiti  sa  kanyang mga  labi  at bumabadya  na  ang  pagpatak ng  kanyang  luha  sa  kanyang mga mata.

"Inay, ano ba naman  kayo? Wag  ka nang umiyak uuwi  rin naman  ako  kapag magbakasyon." pagpapakalma kong  sabi.

"Ma  mimiss  ka  lang  kasi namin  anak, dahil  wala  na  ang prinsesa  namin  dito  sa  bahay." Malungkot na  sagot  ni inay.

"Ano ka  ba, Flor? Tigilan mo  na  ang  pag iyak mo  dyan at baka hindi  pa  matuloy  ang  pagluwas ni  Merliah  sa Maynila," saad  ni  Itay  na  may  namumuong  luha  rin  sa kanyang mga  mata.

Maiiyak  na  sana  ako  sa  eksena  pero, nagpakatatag  nalang ako  para  sa  aming tatlo  at  dinaan na  lang  sa  biro  ang  eksena  namin ngayon. Ano ba naman kasi itong mga magulang  ko, daig pa  sina Bea  Alonzo  at John Lloyd Cruz sa  pag  arte.

"Inay  at  itay, pwedi ba  wag  na  kayong  umiyak? Sa Maynila lang  ako  pupunta  at  hindi  sa  Amerika, at kung  pwede  e  reserve  nyo nalang yan  muna ang mga luha nyo kapag nabuntis  ako nang maaga na imbes  diploma, bata ang  binigay  ko  sa
inyo." Pagbibiro  ko  sa  kanila.

" Okey lang  na  magka  apo  kmi  agad  ng maaga  anak, basta  gwapo lang  ang  ama." Patol  ni inay sa aking  biro.

"BAsta  anak, wag  mong pabayaan  ang  sarili mo  ha? Palagi mong  tandaan  ang mga payo  ko  sayo.  Palagi mo kaming tawagan  ng  inay  mo para hindi  kami mag  aala lala sa  iyo." Ani  itay.

"Opo, itay ."Tatandaan ko  po  yan.

Ang  tagal naman  ng  Bus  na  sasakyan ko  papuntang Maynila. Magdadalawang  oras na  kmi  na  naghihintay  nina inay at  itay  dito  sa  Bus Terminal. Walang humpay  ang pagpatak  ng  mga luha  sa mata ng  aking  ina at matamlay pa  sa  patay ang  mukha  naman  ng aking  ama. Hindi ko  sila masisisi  kung  bakit ganito ang  reaksyon  nila. In my 16years Of  existence sa  Earth, Ito  kasi  ang kauna  unahang pagkakataon  na magkakalayo  kaming  tatlo. Ako  naman, kanina ko  pa pinipigilan ang pagpatak  ng  luha  sa  aking  mga mata. Nawala ako  sa aking pagmumuni muni nang paparating  na  ang Bus na  sasakyan ko. Nagpaalam  na  ako  kina inay  at itay, niyakap ko sila nang sobrang higpit at sa paghakbang ko paakyat  sa  Bus, hindi ko  na  napigilang tumulo  ang  mga luha sa  aking mga mata.

Next chapter naman sa susunod😊 Ipagpapatuloy ko ito kung mayroong magbabasa...  Just leave your comments guys😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Born To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon