Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Yannie, A fresh high school graduate and planning on taking the entrance exam on one of the most prestigious school here in our area. Since I was in elementary I planned on taking nursing. Why? Because our family has a lot of nurses, mga tita ko nurses at pati mga pinsan, so why not di ba? Feel ko kasi madali lang siya, 4 years lang din, tsaka makakapag-abroad pa ako kung sakaling matapos ko ang nursing at makapasa sa board.
So heto na nga ang mga dapat mong gawin bago ka mag-exam:
1. Wag ng magreview, stock knowledge lang yan okay na. Yan lang din kasi baon namin ng mga kaibigan ko dati eh.
2. Syempre iyong monggol pencil mo na kailangan pa no. 2 at dapat hindi lang isa kundi dalawahin mo na. Kung boyfriend mo nga may no.2 at hindi lang iisa kundi dalawa pa. Aba! Matindi. Malupet.
3. Mga school papers na kakailanganin para makapag-exam dapat wag mong kakalimutan. Hindi gaya ng mahal mong kinalimutan ka na bago pa kayo mag-umpisa.
4. Siyempre bring your own self confidence. Sabihin mo na sa sarili mo na papasa ka at makakapasok sa university na napili mo. Pero wag mo namang sobrahan, masakit umasa at masaktan.
5. At ang pinakahuli, pray, yes, because God's will, will never fail you. And sometimes, all it takes is just one prayer to change everything.
At sa awa ng Diyos, nakapasa naman ako at mga kaibigan ko sa entrance exam though hindi lahat kami mage-enroll sa parehong kurso atleast friendship goals pa din kami. At dahil may kalayuan ang university sa lugar kung saan ako galing, kailangan ko pang bumyahe ng mahigit isang oras para lang makapag-enroll. At dahil nga sa freshman palang ako, hindi ko pa ginagamit ang "ninja moves" na sanay na sanay at easy na easy ng gamitin ng mga seniors sa school. Oh ano? Raise your hand if you're guilty. Alam naman na natin yan kaya sige lang mga ate at kuya gagawin ko din yan kapag mga second year na ako. Hahaha! Oh eh di nacurius kayo sa "ninja moves" ng mga nakakatanda sa inyo.
Well let me give you a tip about it sa mga susunod na chapter na. Siyempre naranasan ko ang pumila ng pagkahaba haba hindi lang sa enrollment process lalong lalo na sa cashier! Excuse me lang ha sa mga online processing na diyan pero kasi noong time ko to eh di pa uso samin ang online. Pa-ikot ikot pa iyong pila at masisingitan ka pa. Kagaya ng relationship niyo, pina-ikot ikot ka na nga niya, nasingitan ka pa ng iba. Masakit di ba? Don'tcha worry makakamove on ka din tiwala lang!
But after all those struggles and waiting it's all worth it because I am now finally and officially enrolled! Kagaya sa pag-ibig darating din kayo dun sa taong nakalaan para sa inyo and I know it'll all be worth the wait.
BINABASA MO ANG
Buhay NARS
RandomA journey of becoming a nurse, others expectations versus reality, experiencing the life of a nurse and most importantly people, nurse, student nurse or not may somewhat relate to this because it is not just about the profession itself but about Lif...