Ilang araw nalang pasukan na! So excited dahil sa wakas malaya na ako sa aming pamamahay! Woohoo! Aba, sino ba naman ang may ayaw umalis sa bahay nila at subukang maging independent ng medyo slight di ba? Slight lang, kasi ikaw na magluluto ng pagkain mo, maglalaba ng bra at panty mo, pero mga magulang padin ang nagpapaaral sayo. Kaya naman mag-aaaral padin ako ng mabuti yun nga lang I can't wait to explore more things without super duper restrictions from my parents. Strict ang parents ko eh. Ikaw ba? Pero kapag nakaalis ka na sa bahay niyo hay nako! Di na uso yang palusot na yan.
Kasama ko ang mga kaibigan ko na naghahanap ng boarding house, oo, boarding house not a dorm. Pero depende padin naman sa inyo kung ano ang pipiliin niyo but here are some of the things I considered why I chose to be in a boarding house:
1. Dahil mahirap lang kami, mas mura ang BH kaysa sa dorm. Maging praktikal mga bes! Ang mahalaga makapagtapos ka. Hindi mo pa papahirapan ang mga magulang mo. Pero iyong mga manliligaw mo dapat lang mahirapan sa iyo. Ano sila? Sinuswerte!
2. Kapag kasi BH walang "curfew", well sa karamihan na alam ko, eh pag sa dorm? Malamang meron yan. Masyado ng maaga, masasaraduhan ka pa, eh nagbabayad ka naman di ba? Kagaya ng niligawan mo siya, maaga palang pero pinagsarhan ka na. Hindi ka man lang binigyan ng pag-asa. Pero mas okay na iyan kaysa naman paasahin ka lang. Para naman hindi mo siya sabihang paasa!
3. At dahil nga may curfew, eh di, hindi mo mae-enjoy ang night life at sleep over. Pero kapag sa BH ka kahit anong oras mo gustong umuwi o kahit di ka na umuwi ayos lang hawak mo naman ang oras mo. Hindi kagaya sa relasyon niyong di niyo hawak ang oras ng isa't isa kaya madaming relasyon ang nasisira kesyo walang oras para sa isa't isa. Hay nako! If there's a will, there's a way.
4. No "party in the house!" Hindi kagaya sa BH na kung gusto mong magpainom at magpakasaya kasama ng mga kaibigan mo pwedeng pwede walang pipigil sa iyo. Subukan mo sa dorm tignan lang natin kung di ka mareport sa parents mo. Oh di nalaman nila mga kalokohan mo? Hindi lang iyon, iyong mga kasama mo sa dorm, not all but almost, mababait yang mga yan maaabala mo pa sila sa kabaliwan mo. Wag ganon! Be sensitive to the needs of others. (Uy! Akalain mo nagamit ko to? From my HS adviser, sir froi! Hey there! Haha)
5. No unli visitors allowed. Yan ay kung sa dorm ka, pwede namang magvisit basta family members, pwede silang matulog sa kwarto mo, pero mga kaibigan? Mukhang malabo ata, baka kailangan pa ng request form yan galing sa dean ng department niyo bago ka payagan. Di gaya sa BH, pag lasing na ang tropa at di na kayang umuwi pa, kaysa naman mapahamak pa sila sa daan pag-uwi, patulugin mo nalang sila sa sahig o sala ok na yan. Choosy pa ba sila? Nagpa-inom ka na nga. Kaya nga madaming tumatandang dalaga at binata o kaya naman hindi na nahanap ang kanilang 'the one' dahil andiyan na nga sa harap nila, binibigay na nga ng Diyos sa kanila, choosy pa sila. Ayan tuloy! Napunta sa iba kaya nauso ang TOTGA. Tapos magbibitter-bitteran ka pa?
6. Sa mga may girlfriend/boyfriend advantage yan sa kanila. Oh basta alam niyo na yan. No need for further elaboration. Basta alam niyo ginagawa niyo, oh and 'puh-lease' use protection. Haha! Magtapos ka muna uy! First year ka palang.
And here are the things me and my friends considered in choosing our Boarding house:
1. Distance. Ideally dapat walking distance lang para hindi kana maha-hussle pa sa traffic pagpasok. Kapag may nakalimutan kang project or gamit pwedeng pwede mo lang siyang takbuhin at balikan. Di gaya kapag "Long Distance", mahihirapan ka lang. Marami ka pang traffic na mararanasan sa daan, hindi mo naman pwedeng lakarin at takbuhin lang para balikan kung mayroon ka mang naiwan.
2. The place itself. Maganda ba iyong lugar? Safe ba? Naaayon ba sa isang student na kagaya mo? Kasi kung hindi naman maganda at safe eh bakit ka pa magi-stay di ba?
3. Tubig. Oo, yan ang isa sa pinakamahalagang dapat mong tignan pag naghahanap ka ng BH, pano ka magtotoothbrush, maliligo, maglalaba, magluluto kung wala naman palang tubig sa inyo? At dapat yung tubig sa gripo talaga iyong hindi iyong kailangan mo pang mag-igib at magbuhat. Pero kung hindi ka marunong maligo at magsipilyo malamang sa malamang ayos lang na walang tubig sa inyo.
4. Kuryente. Dapat talaga may kuryente ang BH na pipiliin mo alangan namang gumamit ka ng kandila at lampara sa tuwing mag-aaral ka? Although in ancient history it was used by our heroes as a source of light while they were studying during the night it doesn't mean that they are not helpful. Blah blah. Pero naman! It's a new era na po! Uso na nga ang wifi eh! May kuryente na! Meralco, Beneco, Iseco etc. kaya naman maghanap ka ng may kuryente, ung may spark ba ganon? Para naman magwork ang relasyon niyo....este ng subject na pagpupuyatan mo.
5. Cost. Sa mga kagaya ko na hindi naman masyadong mayaman, dapat matutong makipagtawaran. Atleast may 1 month advanced at 1 month deposit ka. It makes sense for both of you and your landlord. Tama? Ah basta, usually ganon ang kalakaran. Dapat alamin niyo narin kung kasali na ba sa babayaran niyo sa rent ang kuryente at tubig para di niyo na kailangang idagdag sa sched niyo ang pagbabayad sa mga yan sa ibang lugar. Mas magandang kasali na din dun lahat lahat para isahan nalang ang bayad at budget niyo. Pero wag naman sa isang relasyon, kasi dapat kayong dalawa lang wag niyong isali ang lahat. At kung may bitterness kayo against the opposite sex, ay wag niyo din namang lahatin may mga matitino pang natitira diyan, iyon nga lang rare nalang.
I hope nakatulong ang mga pinagsasasabi ko sa pagpili niyo. Kasi nakatulong naman siya sakin habang nasa first year college palang ako.
BINABASA MO ANG
Buhay NARS
RandomA journey of becoming a nurse, others expectations versus reality, experiencing the life of a nurse and most importantly people, nurse, student nurse or not may somewhat relate to this because it is not just about the profession itself but about Lif...