Chapter 5: Teddy Bear

157 9 2
                                    

Chapter 5: Teddy Bear

[Sofiah Mardin Imperial's POV]

Kring~Kring~Kring~

Agad kong pinatay ang alarm clock ko. Aish! Nakakapagod pumasok. Natatamad ako kasi may recitation kami ngayon at di ako nakapagaral.

Tumayo ako at pupunta na sana sa banyo ng biglang nagvibrate ang phone ko.

Kinuha ko ito sa side table ko at tiningnan kung sino ang nagtext.

'Good Morning Sofiah <3'

Yan ang nakalagay at galing ito kay Tyler. Napatawa ako sa text niya. Kahapon pa niya ako tinitext at kinukulit. Wag ko daw sabihin kay JD na nagtetext at pinagpatuloy niya ang panliligaw sakin. Kinuwento niya rin sakin kung bakit nasabi niya noon na hindi na siya manliligaw. Tinakot siya kasi ni JD na di siya nito bibigyan ng Jollibee. Haha. 7 years old palang siya pero ang dami na niyang alam. Pati ang pagtetext. Edi siya na!

Nagreply nalang ako sa kanya ng good morning at naligo na.

7:04 am na kaya nagdali dali akong lumabas ng condo. Sumakay na ako ng taxi at after 15 minutes nakadating na ako sa school.

Pagpasok ko sa campus maraming naggood morning, nagsmile at kumaway sakin. Yung iba kilala ko ang iba naman hindi. Ngumiti nalang din ako sa kanila.

"JD!" Napalingon ako. Nakita ko si JD na nakayakap dun sa babaeng tumawag sa kanya. Siya yung bestfriend niya. Bagay nga silang dalawa. Cute nilang tingnan.

Nang magkahiwalay na sila ng yakap tumingin sakin si JD at ngumiti. Tumalikod nalang ako baka di naman ako ang tiningnan niya nagassume lang ako at nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang room.

"Waaaaaaa! Sof" Sigaw ni JL nang makita niya akong papasok sa room. Bigla niya akong sinabunutan tapos sumigaw nanaman. Problema nito?

"haba ng buhok mo te!" sabi ni Rae na nasa tabi ko na din

"Problema nyo? Ang aga pa ha!" Sabi ko sa kanila sabay pagpatuloy sa paglalakad. Di pa ako fully nakapasok sa room. Inambush na ako ng dalawang bruha ee.

"Sino ang prince charming mo ngayon ha?" Tanong ni JL sabay tusok ng tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo?" naguguluhan kong sabi

"Kanino galing yun?" Rae sabay turo ng upuan ko. Napalingon naman ako sa upuan ko at may nakita akong teddy bear na white na may pink na ribbon at may smile na word sa tummy nito. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ito. I dont know why. Lumapit ako sa upuan ko.

"Baka nilagay lang. D naman akin yan ee" sabi ko

"May note kaya yan!" JL sabay kuha ng papel sa gilid nito

"Smile Sofiah :)" sabi niya at tumili sila ni Rae na para bang kinikilig. Yun kasi ang nakalagay sa note.

"Ewan ko sa inyo!" Sabi ko sa kanila at umupo na sa upuan ko. Binigay sakin ni JL ang note kaya dinikit ko to sa tummy ng bear. Kanino kaya galing to? Kay Josh? Impossible. Ayaw niya sa teddy bears ee. He hates them kaya sure akong di sa kanya galing to. Dumating na ang prof namin kaya naman nilagay ko na ang teddy bear sa bag ko pero nakalabas yung ulo niya kasi di siya kasya sa bag ko. Ang liit ng bag ko e.

Nagsimula na kaming magklase. Nakinig ako at nagtake down notes. Ang aga math na agad ang bumungad samin.

Break time na kaya naman lumabas kami ng classroom. Walang tigil din ang tukso ng dalawang bruha kong kaibigan sakin dahil sa teddy bear. Di ko nalang sila pinansin.

Pumunta na kami sa cafeteria at bumili ng makakain. Umupo na kami sa table.

"Sof sino yang nagbigay sayo nyan?" Tanong ni JL

LOVING MR. COMPLICATED [ON-GOING]Where stories live. Discover now