This is work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.
—Marami kang kaibigan, isa sa kanila wala kang mapag sabihan. Masyado kang masayahin, masyado kang palabiro, hindi ka nagpapakita ng kahinaan.
Ngunit may nais akong malaman.
Okay ka lang ba?
September 7, 2018Ano kayang pinagdadaanan ko ng araw na yan at may ganito akong arte sa journal ko? Napakamot na lang ako ng ulo.
Ah! Naalala ko na, pov ko to nung highschool, may kaklase kasi kami na sobrang masayahin. Tapos one time na kita ko siyang umiiyak sa may fire exit. Pero hindi niya naman ako na kita, at di ko naman siya close para lapitan siya. Pero mabait siya. First time ko siyang na kita na ganoon. Kasi lagi talaga siyang masayahin every pasok sa room. Ang sigla sigla. Tapos nalaman namin na minomolestya pala siya ng mismong Daddy niya. Alam ko kaya siya nag drop out dahil kinasuhan ng Nanay niya yung Tatay niya tapos umalis na din sila sa lugar namin. Doon ko napagtanto na, hindi lahat ng pamilya na mayroon ang isang pamamahay ay masasabi mong tahanan.
"Miss Pain? Hello?" Napalingon ako sa tumawag.
"Hm?" Sagot ko sa katrabaho ko. Hindi ko maalala ang pangalan niya all know, he's gay. Ibinalik ko na lang sa bag yung journal ko. Pinag sasasabi ko doon?
"Pa edit daw nito. Tapos pa print out ng document na kaka send lang daw sayo." Tumango ako at ginawa yun. Gusto ko ng umuwi.
"Sister? Pwede ba mahiram super saglit lang ng phone mo? Huhuhu! Urgent lang. Babalik ko din." Binigay kong phone ko sa kanya. Wala naman din kasi akong kahit ano sa cellphone ko kung hindi trabaho lang talaga. Hinayaan ko lang siya. Maya maya at ibinalik naman niya at nagpasalamat.
Pagkatapos kong magtrabaho ay nag out na ako. Paulit ulit na araw para sa akin. Hindi ako pwede mag reklamo, wala akong karapatan para mag reklamo. Pag hindi ako kumilos, sino ba ang kawawa? Ang sagot ay ang sarili ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay binalot ako ng lungkot. Ulila na ako, wala na akong magulang. Yung Papa ko hindi ko alam. Wala akong balita. 15 years ago. Si Mama inatake. One year ago.
22 na ako ngayon. Ako lang mag isa. Wala akong kapatid. May bahay kaming sarili. Kahit papaano. Ito lang yung meron ako. Hanggang second floor yung bahay namin may dalawang kwarto at isang cr sa taas. Sa baba ay kusina, dining area at sala.
Simula nung mawala si Mama, doon ko naintindihan lahat. Kung ano yung reyalidad. Ang hirap pag dependent sa magulang. Sobrang hirap ng buhay. Mapapa tangina ka na lang talaga. Hindi nakatapos ng pag aaral si Mama, nung nawala si Papa. Kung anu anong pinasukan niyang trabaho para lang mapag aral ako. Nagkaroon kami ng karenderya noon, tumutulong ako.
Maganda ang buhay namin nung bago umalis si Papa nung 13 ako. Maganda ang trabaho niya, Manager si Papa sa isang tourist bus company. Kaso isang araw, hindi na umuwi. Yun pala, may iba na. Back to zero kami. Buti na nga lang, itong bahay ay amin na talaga. Ito na lang talaga ang meron kami ni Mama. Ilang taon siyang nagpakahirap at nagpaka pagod na mag trabaho. Para sa aming dalawa.
Gusto ko magtrabaho noon, pero hindi niya gusto pag naririnig niya sa akin. Sabi niya hindi ko daw responsibilidad ang bagay na yun. Mag aral lang daw ako. Hindi sana siya maaga na nawala. Hindi din ako nakatapos ng kolehiyo, sumakto kasi na na wala si Mama na sa pag-aaral pa ako noon. Sayang nga, ojt na lang sana. Nag iipon lang ako para mabayaran yung balanse ko tapos, talagang tatapusin ko ang pag-aaral ko.