Pagpasok ko ay may nakita akong papel sa ibabaw ng lamesa ko, teka laging nasa ilalaim ang mga sulat namin ah bat nasa ibabaw to ngayon? May nakielam kaya nito? Umupo na lang ako at tinignan ang papel. Napangiti ako ng malaman na panibagong sulat lang pala yun, puna na nga pala yung isa naming papel kaya siguro pinalitan na niya.
Kakang
Tsk, makipag hiwalay ka na kasi dyan sa babaerong mong boyfriend. Mukhang di ka naman mahal niyan eh. Kita mo nga araw araw iba iba ang mga babae, kung ako sayo mag hahanap na lang ako ng taong mamahalin ako ng tunay at ako lang.
Pedro
Napangiti, kasi kahit papaano ay may nasasabihan ako ng problema tungkol sa magaling ko nobyo.
Pedro
Ilang ulit ko na rin sinubukan kaso nga lang lagi naman siya nagagalit at bigla bigla na lang ako sisigawan. Nakakatakot siya tuwing sinasabi ko na gusto ko ng makipaghiwalay, hindi ko alam kung mahal ba niya talaga o ayaw niya lang matalo sa pustahan nila.
Kakang.
BINABASA MO ANG
Si Kakang at Pedro
Romance© Chasica ♡ Dalawang tao na nag susulatan ngunit ang isa ay di kilala ang isa pero ang isa naman ay kilala ng husto ang isa.