ii. Taison Villafuerte
"TIYANG, mauna na po ako!"
"Sige anak, Mag-iingat ka!" Tumakbo agad ako palabas ng gate. Mahirap na! Baka magpahintay pa yang si Kris! E, maliligo palang ang bruha! Tsk!
Habang naglalakad ako, kinuha ko yung phone ko. Itetext ko nalang si Andrea na hintayin ako sa gate. I'm sure, kilala nya si Taison. Hello?! Ultimate crush nya 'yon e. Tss! Oo, gwapo nga. Pero, 'di ko talaga maintindihan kung bakit ba maraming nabibilog 'yang Taison na 'yan e.
"Good morning, Dea! Hintayin mo ako sa tapat ng gate, huh? May itatanong kasi ako."
Message sent!
Whooo, buti may load pa ako! Akala ko expire na yung unli ko e!
Weps, ang bilis ng reply ni Dea a?
"I'm sorry bes! Mal--"
*BEEEEEP!*/"KYAAAAAH!"
Napatingin ako sa g*gong muntik nang pumatay sakin! Aba! Letche! 'Di ba nya nakitang dumadaan ako?!
"Hoy! 'Di mo ba ako nakita?! Aba, siraul* ka ha! 'Di porket mamahalin 'yang sasakyan mo pwede ka nang managasa!" Padabog kong pinulot ang cellphone kong nagkandalasuglasog na sa daan! Huhu! Paano na 'to?! Wala na akong cellphone kapag 'di 'to naayos!
"Excuse me, miss?" Napatingin ako sakanya. Gash! Ang pogiiii naman! Waaah! Ang cool nyang tignan! Dumungaw pa sya sa bintana nya. Nakashades pa! Omo! "Wala ka bang balak umalis pa d'yan? Gusto mo bang ituloy na kitang sagasaan? Kung aayusin mo yang cellphone mo.. Ayun, doon ka sa tabi. Hindi 'yung paharang-harang ka d'yan." Aba! Ehem, pwede bang i-erase ko nalang yung mga sinabi ko kanina?! Napakaarogante ha! Bwiset! Lunes na lunes! Tss! Kung hindi lang gwapo e! Nabato ko na yung cellphone ko! E, ang kaso.. Sayang talaga yung phone ko! Tsss! Hindi ba nya alam na pitong taon na 'to sakin?!
"Tss, pathetic." Narinig ko pang sabi nya bago nya isara ang bintana at paandarin ang kotse.
"Hmp! Arogante!" Ganting sigaw ko. As if namang maririnig nya, no?!
Naglakad nalang ako papuntang school habang inaayos ko yung cellphone ko. Arrg! Letche naman kasi oh!
Paano ba 'to?! Nabasag na yung LCD e. Hala. Wala na akong cellphone! Letche! Kainis naman kasi yung lalaking yun e. Ehhh! Pano na 'to?! Dumiretso akong canteen at umupo sa isang upuan doon. Medyo wala pa namang tao kasi maaga pa naman. Tsk! 'Di ko na maaayos 'to! Suko na 'ko!
Nilagay ko yung cellphone sa bag ko. Nakakainis talaga yung lalaking yun! Kung sino man sya!
Napansin ko yung papel na nakaipit sa notebook ko. Kinuha ko agad saka binuklat.
Ay! Nakalimutan ko! Tsk, daan kaya muna ako sa room ng Veurady?! 'Di ko pa kasi naaabot 'tong sulat na 'to e!
Tinignan ko naman ang isang papel. Hohoho. Si Mr. Villafuerte pala. Hahahahahah! Masimulan na ngang hanapin. Pinasok ko muna sa bag ko yung contract atsaka tumayo't naglakad.
Nakatingin pa rin ako sa mukha ni Taison. Tsk, paano ko 'to hahanapin? San ako magsisimula?! Any idea, Vanessa? Huh? Bakit ko kinakausap saril--
"Aw!" Before I knew it, nakaupo na ako sa sahig. BAKIT BA ANG CLUMSY MO VANESSA?!
"Excuse me, miss? Okay ka lang? Sorry, a?" Tss, sorry! Sakit kaya sa pwet! Naglahad pa sya ng kamay nya. tumingin ako kay manong kuya and ohmygahhd! S-si.... Si..
Si Ethan!
Agad kong kinuha ang nakalahad nyang kamay! Mygoodness! First time kong hawakan 'yun! Hello? Kung si Andrea ultimate crush si Taison, Ultimate crush ko naman syaa!
BINABASA MO ANG
He's Not My Type
Humor"I'm not into this!" Turned to "Fine, I'll do it," Bakit ko ginawa? Para sakin-samin. Ayoko naman sana e, kasi ano ba ako? Isang unsocialize girl, tapos gagawin ko 'yon? Hello? Ang bigat kaya. Pero, I WILL do it, not only for my sake, but also for...