SIMULA

19 0 0
                                    

Reese POV

(School Bell sounds)

Tumakbo ako ng mabilis kasabay ng pagtunog ng bell dito sa High School..

Patuloy ako sa pagtakbo kahit di ako sigurado kung san talaga ako patungo.
Unang araw palang late na agad ako sa klase.

Unang araw ngayon ng pasukan dito sa Academy. Tahimik na ang pasilyo ng eskwelahan. May mangilan ngilan padin namang katulad ko ay naghahanap kung saang silid nabibilang.

Nakakapanibago. nakakaba. Nakakapagod.. Pano ba naman kasi di ako mapapagod eh pinilit ako ng nanay ko na dalhin lahat ng gamit na pedeng gamitin sa klase.

"Kuya san po yung room ng HUMS11-C?" Tanong ko sa lalaking matangkad na nakauniporme na batid ko studyante rin katulad ko.

"Ah akyat ka ng Second floor.Dun yun sa room 207 kung di ako nagkakamali"

'Salamat po' tugon ko.
Diko na kasi hinanap pa ang pangalan ko sa mga nakapaskil sa labas dahil sa pagmamadali. Basta alam ko section C ako.

Agad kong inakyat ang ikalawang palapag. Hanggang sa marating ko ang pintuan ng sa tingin ko kanina pa naguumpisa.

Tahimik na ang paligid at tanging tibok nalang ng puso ko ang naririnig ko. Eto yata talaga ang hindi mawawala sa sistema ko. Ang kabahan kahit sa simpeng bagay.

Dahan dahan kong pinihit ang door knob ng pintuan ..

Pumasok ako tumambad sa harap ko ang ibat ibang klase ng studyante at ang guro namin na medyo matanda na ngunit litaw padin ang ganda dahil sa mga mata nitong nakangiti.

Shocks. Nakakahiya!!!

Lahat sila animoy nakatingin sa akin na para bang kanina pa nila ko inaabangan.

"Hi" Go..Goodmorning, Sorry I'm l..late. Ang mga salitang lumabas sa labi ko.

Agad akong umupo sa bakanteng upuan sa likod..

"Okay next " sigaw ng teacher namin na nasa akin ang paningin.

'Ikaw nadaw girl' nakangiting sabi ng isang napakagandang binibini na katabi ko ngayon. Meron siyang Brown na mga mata, mahabang mga buhok at nakatutuwa ang kanyang makinis na kutis.

Agad akong tumayo at pumunta sa harapan..

Ako si Reese Hailey Mendoza .. 17 years old ..Grade 11 HUMSS student
Nice meeting..you .. All.

Dali dali akong bumalik sa kinauupuan ko sa hiya .. Habang sinasalubong ng ngiti ng katabi ko kanina..

"Hi Reese !" Katrina Bautista nga pala.. Kat nalang for short ..tugon nito habang nakangiti, Sabay lapat ng kamay upang makipagkamay..

Reese' nalang.. Tugon ko sakanya sabay abot sa napaka cute niyang kamay.

May kung ano agad saakin na nagpapasalamat na siya ang una kong nakilala dahil sa bait nito..

Mabilis na natapos ang mga unang subject dahil wala pa namang ginagawa at puro introduction lang naman ang ginagawa ng bawat guro ..

Mayroong isat kalahating oras na bakante bago ang creative writing na subject.. Isa isang nagsilabasan ang mga kaklase ko pagkarinig ng bell ..

"San kaya ang canteen dito? Gutom panaman ako"utas ko habang inaayos ang mga gamit ko. Hindi kasi ako nakapag almusal kanina dahil sa tinanghali na ako ng gising..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TO REACH YOUWhere stories live. Discover now