Prologue

132 5 6
                                    

Author note: guys!......... simulan ko na talaga to ahhahahha sige enjoy :)

---------------------------

Nakaupo si yani sa isang bench ng hospital katabi ng kanyang yaya. Madalas silang pumunta roon dahilnandoon ang mommy niya. Bihira niya itong makita kahit nasa bahay ito dahil lagi lang itong nakahiga , sakitin kasi ito . Minsan man, mula noong nagkaisip siya ay ni hindi niya ito nakalaro.

But this time , she could feel it was different.

Nasa loob ng silid ang daddy niya at ate, pero mas matagal kaysa dati ang inilagi nila roon. Dati - rati ay pinapayagan siyang pumasok at umupo sa silya sa gilid ng kama, kung saan pinapanood niya ang pagtulog ng ina. Pero ngayon,iniwan lang siya sa labas ng silid. Hindi niya naman magawang pumasok sa loob dahil hindi pa niya abotang seradura. At ayaw niyang pumasok hangga't hindi siya tinatawag dahil siguradong sisigawan siya ng daddy niya. Katulad ng madalas nitong gawin kapag nasa bahay sila. kahit pa wala siyang ginawang masama.

Hindi niya maintindihan ang daddy niya. Galit ito sa kanya dahil kasalanan daw niya kaya nagkasakit ang mommy niya. ano ba ang ginawa niya? Mula nang magkaisip siya ay sakiti na ito. Paano niya nagingkasalanan iyon?

At dahil galit sa kanya ang ama, natural na ganoon din ang ate Alice niya. Matanda ito sa kanya na tatlong taon. Hindi ito katulad ng ibang ate na pinahiram ng laruan ang mga baby sister nila. Bawal niyang hawakan ang mga laruan nito.Bawal din siyang magkipaglaro sa mga kaibigan nito. At lalong bawal na pumasok siya sa kwarto nito.

Her family's coldness towar her was like a puzzle she could not piece together. May mga pirasong hindi kayang hanapin ng isang four-year-old na tulad niya

At wala ring alam ang kanyang yaya.

Napasulyap siyang muli sa saradong pinto. Tiningnan niya ang wall clock sa nurse station na malapit sa banch.nasa number six na ang maliit na kamay ng relo at nasa number three naman ang mahaba. marunong siyang mag identify ng number pero hindi pa niya alam bumasa ng oras.

She hugged her small teddy bear tightly. kumuha lang ng kape ang yaya niya kaya mag isa siyang nakaupo doon. at naiinip na siya.

habang nakayuko ay ikinuyakoy niya ang mga paa.nagulat siya sa biglang pagsulpot ng isang pare ng Nike rubber shoes sa harap niya. Awtomatikong tumingala siya sabaang lalaki may suot niyon

Hi" nakangitng bati nito. He had cute eyes anda deep cleft on his chin..

helo. naupo ito sa tabi niya.

Sinong kasama mo? bakit mag-isa ka lang dito?

And'un ang mommy ko! turo niya sa iang pinto , ang'un din sina daddy at ate.

You mean iniwan ka lang nila ditong mag-isa?

Bumaba lang sandali si yaya

ah!.............. he said then looked at her with the curiosity of a child . sino'ng maysakit?

ang mommy ko

Ano'ng sakit niya?

Hindi ko alam . Basta tulog siya palagi

The little boy shrugged.

Eh!, ikaw bakit ka narito? ganting usisa niya rito.

dinalaw lang namin si lola " he said. And'un siya sa kabilang wing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Only One (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon