Ang Pag-ibig ng Kalikasan

21 0 0
                                    

Noong unang panahon na kung saan mag kasama pa ang mga mortal at ang mga diyos at diyosa, may nag iisang babaeng anak ang diyos na si Saito at ang dyosang si Alvara na nag nga-ngalang Helena.

Si Helena ay mayroong mala diyosa na kagandahan, kaya hindi naman nakapag tataka na maraming umiirog sa kanya. Ngunit may na-tatanging isang mortal na umibig ng lubos kay Helena, at umibig din naman si Helena sa mortal nasi Perzival.

Ngunit sa kanilang pag-mamahalan ay maraming tutol sa kanila'ng pag- iibigan, isa na dito ang mga magulang ni Helena. Kaya naman naisipan ni Perzival at Helena na mag paka layo layo at mag tanan na lamang.

Naging masaya ang pag sasama nina Perzival at Helena, subalit sa pag lipas ng panahon ay na-tagpuan sila ng magulang ni Helena.

Nang matagpuan sila ay pinag tangkaang paslangin ni Saito si Perzival ngunit hinarangan ito si Helena kaya naman namatay si Helena. Ngunit bago siya mamatay hiniling ni Helena ang kapatawaran ng kaniyang magulang at nakiusap na huwag patayin ang kaniyang minamahal na si Perzival

Bilang kaparusahan kay Perzival ay ipinatapon nalamang siya sa mundo ng kawalan,

Labis na pighati ang naramdaman ni perzival
kaya naman humiling siya kay Yomi na Diyos na kaaway ni Saito at Alvira na magulang ni Helena na sana ay maramdaman at makapiling niya'ng muli ang kaniyang minamahal na si Helena

Tinupad naman ito ni Yomi
Kaya naman ang buhok ni Helena ay naging gubat,
Ang balat at katawan naman nito ay naging anyong lupa,
Ang luha naman dahil sa pag dadalamhati at pasakit na dinanas ni Helena ay naging mga karagatan,

At nag karoon namang ng liwanag dahil sa busilak na kalooban ni Helena at dilim naman dahil sa pighati ng dalawang mag kasintahan.

/ wakas /




***
skl naman

Ang Pag-ibig Ng KalikasanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon