"Ang kwentong ito ay batay sa isang nabasa ko at dinagdagan pa ng aking malikot na imahinasyon, marahil ang ilan sa mga taong makakabasa nito ay makakarelate at ang ilan naman ay naranasan na talaga."
May isang lalaki na talagang nahihirapan sa kanyang karamdaman na cancer, cancer na hindi na kayang gamutin ng isang doctor na ang tanging pag-asa na lang ay ang mga dasal ng nagmamahal sa kanya. Siya ay 20 years old lamang at pwedeng mawala anumang oras. Buong buhay nya ay nakakulong lang siya sa bahay nila, dahil sa sakit nya pero mas ramdam nya na magkakasakit pa sya lalo dahil nasa bahay lang siya. Kaya isang araw naisipan nya na lumabas at magpaalam ito sa kanyang ina.
"Ma! Pwede ba akong lumabas ng bahay gusto ko kasing makalanghap ng sariwang hangin eh."
“Oh sige anak basta mag-iingat ka lang ha! Ok?”
Habang naglalakad siya ay tuwang-tuwa siya na sawakas nakita nya na yung mga bagay na gusto nyang makita na kahit kelan hindi nya naranasan, dahil sa hospital at bahay lang siya. Habang naglalakad siya may nakita siyang isang CD Store at lumapit siya papunta dito, tumingin sya sa harap ng pintuan ng ilang segundo, nakita niya ang isang napakagandang babae, napahinto siya sa kinatatayuan nya hindi nya alam kung tutuloy ba siya o aalis na lang pero alam nya sa sarili nya na love na agad yung naramdaman niya sa unang kita pa lang niya sa babaeng yun. Binuksan nya ang pintuan at naglakad siya ng walang ibang tinitingnan kundi ang babaeng nagpatibok ng puso nya sa unang pagkakataon. Lumapit siya ng lumapit hanggang sa marating nya ang front desk kung nasan ang babae.
Tumingin ito sakanya at tinanong, "May maitutulong ba ako sayo?" sabay ngiti nito. Sa unang pagkakataon na nakita niya yun, yun na ata ang pinakamagandang ngiti na nakita niya sa buong buhay nya at parang gusto niyang halikan ito sa pagkakataong yun.
Sabi niya, "Uh... Yeah.... Umm... Gusto ko sanang bumili ng CD."
Kumuha siya ng isa at inabot sa babae kasama ang bayad.
“Gusto mo bang ibalot ko na ‘to para sayo?” tanong ng babae sakanya kasabay ang napakagandang ngiti nito.
Tumango lang siya at pumunta na ang babae sa wrapper station para ibalot yung CD na binili.
Bumalik na ito pagkatapos maibalot ang CD at binigay sa lalaki.
“May maitutulong pa ba ako sayo?” tanong ng babae.
“Ahh.. Ehh.. Wala na ito lang talaga yung bibilhin ko, salamat pala! J”
Pagkatapos nun umalis na sa tindahan ang lalaki at umuwi na siya pero simula nung araw na yun, araw-araw na siyang pumupunta sa tindahan para bumili lamang ng CD at ganun ulit binalot nung babae yung CD at pagkatpos nun umalis at umuuwi na ulit yung lalaki sakanila at lahat ng CD na binibili nya ay nilalagay lamang nya sa closet na hindi man lang binubuksan. Hindi siya makatulog, lagging nasa isipan nya yung babaeng yun halos masaulo na nya yung mukha nung babae sa isipan nya at sakto naman na pagbukas nya ng radio agad nyang narinig yung kantang “Ngiti ni Ronnie Liang” sakto naman na yung lyrics ng kanta.
“Minamasdan kita ng hindi mo alam, pinapangarap kong ikaw ay akin…”
Bigla itong nangiti at nasabi na lang sa sarili sana nga akin ka na lang, sana sa huling pagkakataon ibigay sa akin ni God yung huling hiling ko na mahalin mo sana ako.
Pagkatapos ng mahabang gabing iyon naisip nya na gusto nya sanang yayain lumabas yung babae pero lagi nauunahan siya kaba at hiya, nalaman ng mama niya ang tungkol dito at sinabi sakanya,
“Anak kung talagang gusto mo siya lakasan mo ang loob mo para sabihin sakanya yung nararamdaman mo at yayain siyang lumabas. Nandito lang naman si Mama lagi para sayo eh.”
Kinabukasan pumunta ang lalaki sa tindahan para bumili ulit ng CD katulad ng ginagawa niya araw-araw at ganun ulit ang nangyari binalot nung babae yung CD at kinuha nya, ngunit sa pagkakataong yun may iniwan siyang isang papel at nakalagay dito yung phone number niya at tumakbo na ito papalabas ng tindahan.
!!RRRRRRRINGG!!
Sinagot ng mama nya yung telepono at sinabi, “Hello?”
Yung babae pala sa CD Store yung tumawag, at tinatanong nya kung nasaan yung lalaki at unti-unti niyang narinig ang pag-iyak na mama nung lalaki at sinabi “Hindi mo pa ba alam ang nangyari? Namatay na siya kahapon ng gabi…….”
Wala ng ibang maririnig sa linya ng telepono kundi ang pag-iyak ng mama nung lalaki, nung araw na din na iyon, pumunta yung mama nung lalaki sa kwarto na anak nya para alalahanin lahat ng saya, iyak at paghihirap ng anak nya. Nagsimula ito sa closet ng anak nya para kumuha ng damit at yakapin ito ngunit may napansin siyang isang tumpok ng CD na hindi pa nabubuksan. Kumuha siya ng isa at binuksan ito at pagkabukas nya nito may isang papel na nalaglag at nakalagay, “Hi! Sa tingin ko mabait, mapagmahal at gwapo ka, pwede ba tayong lumabas? Love, Jaycel”
Kumuha ulit yung ina ng isa pa at binuksan ulit ito at meron ulit isang papel at ganun din ang nakalagay, “Hi! Sa tingin ko mabait, mapagmahal at gwapo ka, pwede ba tayong lumabas? Love, Jaycel”
Unti-unting umiyak yung ina ng lalaki sa nabasa nya, dahil alam nya na gustong-gusto nung anak niya yung babae na yun at binabalak niya sanang yayain lumabas ngunit hindi ito nagkalakas ng loob para yayain ito at sa huling pagkakataon di rin nya nagawa pero ang mas pinanghinayangan nung mama nya ay hindi nalaman ng anak nya na gusto rin pala siya nung babae.